C12: SECOND CHANCE? NOT!

26 3 2
                                    

“Anong sabi mo?”

Halata mo sa mukha ni Charles ang pagkagulat na may halong saya.

“Sabi ko, let’s try to be friends. Wala namang mawawala di ba?”

Ngumiti siya.

“O.. OO! Wala namang mawawala kung ittry natin.”

Daig pa niya nanalo sa lotto.

Grabe ang saya saya niya.

Ngayon ko lang siya nakita ng ganoon kasaya.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

Eto nanaman..

Nag-sslow motion nanaman ang paligid ko..

Anu ba Charles! Ano bang epekto mo? Mayghaaaddd! =))

“Charles?”

Tinawag ko siya para kumalas na siya sa “awkward” na yakapan.

“Oh.. Sorry. Natuwa lang ako mashado.”

“Haha. So, uuwi na ako mamaya..”

“Oo.. Ihahatid kita sa inyo..”

“Osige.  Bahala ka.”

At tumayo na siya sa pagkakaupo niya sa kama.

Bago lumabas ng kwarto ay inayos niya ang comforter ko at nilaksan ang aircon.

“Magpahinga ka muna. Sabi ng doktor, kulang ka sa pahinga. See you later.”

Sabi niya sa akin sabay ngiti tapos ay lumabas na.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Hmm.. Ang sarap talaga matulog dito kila Charles.

Pinakamababang degree na yung aircon, full blast pa!

Anyway, eto nga andito pa din ako sa kwarto..

Tinignan ko ang oras..

“11:45am.. Medyo mahaba haba ang tulog ko..”

Tumayo ako at niligpit ang higaan ko.

Sinuot ko ang bathrobe na nasa tabi ng kama ko at lumabas.

“Grabe.. Centralized ng aircon ang bahay nila.. Jusko magkano kaya kuryente ng mga to?”

Tinitigan ko ang buong bahay. Ang laki.

Modern ang design ng bahay..

Naglakad ako at naghanap ng tao..

“Charles? Charles? Lucy? Manang Ta?”

Pero walang sumasagot sa akin kaya naman tinuloy ko ang paglilibot sa buong mansion.

Hanggang sa umabot ako sa grand staircase ng mansion..

“WOW. Ang lapad ng hagdanan!”

Sobrang nakakamangha ang mansion na to. Para akong batang dinala sa isang museum.

Feeling prinsesa ako habang bumababa ako sa hagdanan.

GANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon