C21: CHRISTMAS & NEW YEAR

21 1 0
                                    

AUTHOR’s POV

Christmas Eve, December 24.

“Paige.. Hindi ba talaga uuwi sila nanay at daddy ngayong pasko?? Talaga bang ako lang mag-isa?”

“Ehh Janine, kasi na-delay flight nila ehh. May snow storm daw sa Las Vegas ngayon.. Nakita ko din kanina sa balita na madami nang nadelay ehh.”

Hindi na lang pinansin ni Janine ang sinabi ni Paige. Sa totoo lang, nalulungkot siya.

First time niyang mag-papasko na wala ang nanay at dady niya. Hindi siya sanay ng mag-isa sa buhay. Naisip nga niya, kung iyon ba ang consequence ng transformation niya eh.

Para mabawasan ang lungkot niya, nagluto siya ng pang-Noche Buena. Katulong niya ang mga kasambahay nila.

Ang hindi alam ni Janine, kaninang umaga pa nasa Pilipinas ang mga magulang niya. At hinihintay lang nila ang alas dose bago magpakita kay Janine. Gusto nilang masurpresa si Janine ng isang magandang balita.

11:55pm

“Haaayyy.. I guess kayo na lang muna ang kasama ko guys.. Sorry hindi kayo makakauwi sa pamilya niyo dahil sa akin..”

“Anong Christmas Wish mo Janine?”–Jeffrey

“Ang makumpleto ang pamilya ko..”

“Mamaya, bago mag-alas dose, mag-wish ka sa tapat nung Christmas Tree. Malay mo bukas andito na ang parents mo di ba??” –Paige

Tinignan ni Janine ang relo niya, two minutes before 12am.

Tumayo na siya at lumapit sa may Christmas Tree.

11:59pm, pumikit siya at nag-wish..

“Sana andito na ang parents ko...”

Paglingon ni Janine..

“MERRY CHRISTMAS JANINEE!!”

Nagulat si Janine dahil nakita niya ang nanay at daddy niya na nakatayo kasama sila Paige.

Pero! Mas nagulat ang parents ni Janine sa nakita nilang pagbabago sa anak nila.

“WOW! Janine! Ikaw ba talaga yan anak??”- Meryl

“Grabe! Ang laki na ng pinagbago mo anak! You look.. so stunning, beautiful, gorgeous, hot and sexy! Oh my!” –Enrique

“Nako, hindi niyo alam na sobrang effort ang inexert ni Janine para po ma-achieve niya yung ichura niya ngayon.” –Paige

Nagyakapan silang tatlo sobrang namiss kasi nila ang isa’t isa.

At nagyakapan din sila dahil sobrang job well done si Janine sa transformation niya.

“Anak nagparetoke ka ba??” –Meryl

“NO NAY! Kahit itanong mo kila Benj, hindi talaga.”

“Ahh. Buti naman kung ganoon. Naku anak! Sobrang happy ako for youuuu!” –Meryl

Sobrang saya talaga nilang tatlo. Sa sobrang saya nila, pinauwi na lahat ng kasama nila sa bahay, mga private tutors, drivers, butler, at mga kasambahay. Pwera lang kay Manang Amy, wala na kasing pamilya si Manang Amy na mauuwian. Kaya naman, sa kanila na siya magpapasko.

Habang kumakain na silang apat ng Noche Buena, may isang announcement si Enrique.

“Anak, at Manang Amy, huwag kayong mabibigla.... Kasal na po kami ni Meryl at! Ang bonus, legal ka ng Ayala anaaaakkk!!”

Sinabi ni Enrique habang pinakita ang mga singsing nila at ang documents ni Janine.

“OH MY GOSH! AAAAHHHHHH!”

Napatili sa sobrang tuwa si Janine.. Hindi niya akalaing ganito ang Christmas Gift sa kanya ng daddy niya.

“Anak, ikaw na ngayon si Miss Jan Anicka Marie E. Ayala, daughter of Enrique and Meryl Ayala, heiress of ALL the Ayala Companies nationwide and worldwide.”

“WOW. @_____@ Shet! Isa na akong.. A.. Aya.. Ayala! DADDY! SOBRANG SALAMAT POOOOOO!!!”

Niyakap ni Janine ang parents niya, naiyak siya sa sobrang tuwa. Si Manang Amy naman, tuwang tuwa sa balita ni Enrique.

Baby pa lamang si Enrique, siya na ang yaya nito. Hanggang ngayon. Kaya alam niya, gaano kagusto ni Enrique na makita ang pamilya niya, mapakasalan si Meryl at mabigyan ng apelyidong Ayala ang nag-iisang anak niya.

“Nay..”

“Anak, simula ngayon, hindi na nanay. Mommy. Mommy ang itawag mo sa mommy mo. Itapon na natin sa nakaraan at ibaon na natin sa limot si Jan Anicka Marie Trinidad Escolta. You are now, Miss Janine Ayala. Okay?” –Enrique

Ito na ata ang pinakamasayang pasko ni Janine. Hindi lang nabuo ang pamilya niya, kundi nabuo na din sa wakas ang pagkatao niya.

Dumaan ang anim na araw at New Year naman ang cinelebrate ng pamilyang Ayala ng magkakasama.

Sa bahay lang sila kasama si Manang Amy na nagdisenyo ng bahay para sa darating na bagong taon.

Bumili sa Bulacan si Enrique ng mga paputok at paingay.

Nagluto sila Janine at Meryl ng pang-Media Noche dahil ang dami nila sa bahay.

Dahil umuwi na noong Pasko ang mga private tutors, drivers, butler at kasambahay nila, mas pinili naman nila ngayon na sa bahay ng mga Ayala mag-Bagong Taon.

Ito ang unang bes na makakasama nila si Janine na fully pledged Ayala na talaga at si Meryl na legal wife na ni Enrique.

“Janine! Baka magbago ka na ha!” –Edward

“Nako! Sir Edward! Hinde nuh! Hahaha. Sa inyo, hindi ako magbabago nuh! Laki kaya ng utang na loob ko sa inyong lahat! Kaya naman, mag-countdown na tayo!!”

LAHAT: 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1.. HAPPY NEW YEAAAAARRRRR!!

Kasabay nito ang pagpapaputok at pagiingay nila.

“New Year, New Life. Ako na ngayon si Janine Ayala, anak ng pinakamayamang tao sa lupa ng Pilipinas at sa buong mundo. At ako. AKO ang tagapagmana ni Mr. Enrique R. Ayala. I should start my countdown para sa Grand Ball sa January 15. 14days na lamang iyon. Charles, and Triplets, at lahat! Ng taong nang-alipusta, get ready for my comeback.” –Janine

--------------------------------------------------------------------

Hi guys! :D

VOTE. COMMENT. SPREAD.

Thank you for reading! Salamat at nakaabot ka sa Chapter ni ito! Mwah mwah. Hart hart. <3

-MAYORA. <3

GANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon