C10: WRONG MOVE

36 3 1
                                    

"Ay ma'am? Binuhat lang kayo ni sir, nagka-amnesia ka na??"

"Baka kilala kita! Teka nga, sino ka ba? Sinong sir??"

"Di ba po, pumunta kayo dito ni Sir Charles. Eh nakatulog po kayo.. kaya pinatulog muna niya kayo dito sa guest room. At ako daw po ang bahala sainyo kapag nagising ka na."

"Ahh."

"Tara na ma'am!"

"Teka! Saan tayo pupunta??" 

"Aayusan po kita ma'am."

At tumayo na nga ako..

Grabe ang ganda ng kwarto!

Kwarto ba to??

Eh sinlaki na ng bahay namin to eh!

Imagine niyo yung kwarto na may queen size na kama..

Tapos, may sariling CR tong kwarto..

Tapos, may walk-in closet na sarili!

Tapos may flat screen TV sa may parang sala ata ito!

Jusko kahit siguro magtrabaho ako ng walang humpay, hindi ko maipapagawa tong kwarto na ito..

Grabe! @____________@

“Ma’am Janine?”

“Uh. Ha? Ano yon?”

“Okay na po yung bathtub. Maari na po kayong maligo.”

At pumasok ako sa bathroom. GRABE! Bathroom ba talaga to?!

Ang ganda.. Ang laki..

Pwede ako tumambling sabay split! @_______@

Pagkatapos ko tignan ang bathroom..

Hinubad ko na ang aking damit at lumapit sa bathtub..

Tinignan ko muna kung malamig ba or mainit..

Tsaka ko sinubmerge ang sarili ko..

(AUTHOR: SUBMERGE. HAHA)

Che!

Anyway, at ayun nga..

Grabe ang soothing ng lukewarm water! Saraaaap!

“MA'AM!”

“AY PALAKA! ANO BAH!”

“Ay ma’am sorry po!”

“Bakit ka andito?? Wag mong sabihing lesbian ka?!”

“OA ha. Andito ako para kuskusin yang buhok mo! Dang daming balakubak eh! Factory!”

“Hoy!-“

“Excuse me, may pangalan ako ma’am, Lucy.”

“Lucy, wag mo na lang akong laitin.. Kuskusin mo nlng yung buhok ko..”

“Owkaaayy..”

At kinuskos nga ni Lucy ang aking buhok..

Tapos ay binanlawan niya ito.. At binalot.

Sabi niya ay dalian ko raw magbanlaw dahil nag-aantay si Charles.

Pagkatapos ng 20 minutes na pagkukuskos ng katawan at pagbabanlaw..

GANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon