"Hindi ka daw nagpasundo kay kuya Lando mo kahapon Lyla?" Marahang tanong sakin ni mommy habang nasa hapag kami ngayon. It was almost 3 days mula nang insidenteng yun with Jet. Today is saturday maaliwalas ang panahon.
"Uhh opo. Medyo nalate kami ng uwi dahil hectic na ang practice namin ngayon sa DLC" sagot ko naman habang tumusok ulit ng panibagong hotdog.
Nag bebreakfast kami ngayon, kasama si mommy, at daddy na abala sa binabasa sa nyang panibagong kaso. Si kuya, tulog pa ata dahil magdamag ding nagrereview, He's now on his 3rd year in Pol Sci.
Tumango nalang din si mommy saka nagpatuloy sa pagkain. Simpleng pang bahay na duster lang ang suot nya dahil alas nuebe naman ang pasok nila ni Dad sa trabaho. Maaga pa, its still 6:40 sa wall clock dito sa dining.
"Mom, wag nalang kaya ako magpasundo? Sayang naman ang gasolina. Ako lang naman ang sinusundo ni kuya Lando, ten pesos lang naman ang pamasahe kung mag jijeep nalang ako galing school." Mungkahi ko kay mommy na ngayon ay napatingin na saakin.
My mom is a fair and petite lady. Base sa kanyang mukha at pangangatawan hindi mo aakalain na 45 na ang edad nya. Pareho sila ni dad na bata pang tingnan. They were school mates during college sa BC. My dad is just 2 years ahead kay mommy. Nagpakasal sila at bumuo ng pamilya when they were both professional.
"Ikaw ang bahala." She just shrugged. "Afterall hapon na rin naman at hanggang alas 6 lang sa trabaho si Lando." She seems okay about it. "But will you be okay? Na sasakay ng jeep? Baka mas lalo kang gabihin." She asked with concerned eyes.
"Uhh... opo. I'm okay with it. Malapit lang naman." I answered her enthusiastically.
"Wag kang magpapagabi madalas Lyla. Alam mo na ang trabaho namin ng mommy mo." Pag papa alala sakin ni Daddy habang sumisimsim sa kanyang kape. Nakatingin na sakin ngayon at hinubad and salamin nya.
My dad, is really charming. May pagka mestizo siya at malaki ang pangangatawan. He maintains his well toned body dahil aktibo padin sya sa pag eehersisyo. Gym at exercise ang nakagawiang bonding nila ni kuya.
"Yes Dad..." I answered a bit hesitant.
Hindi ko mapangako na hindi gabihin dahil traffic naman talaga at madalas na kaming gagabihin para sa nalalapit na competition ng DLC para sa Magayon Festival this coming May. He's just concerned about the threats ng mga nakakalaban nila sa hinahawakan na kaso, mostly malalaking tao at may mga pwesto sa Gobyerno.
Wala nang nagtangkang mag ingay matapos mabanggit ni Dad ang tungkol sa mga threat ng trabaho nila, although they seemed harmless at puro pananakot lang naman, mahirap na ang manigurado.
Nang matapos kami sa pagkain, muli akong nagsalita upang magpaalam.
"Mom, Dad. Pwede ba ako sumama kila kuya Drex? He invited me kanina to join their outing mamayang 11 together with his friends.." medyo alangan pako sa pag papaalam dahil malimit ay hindi nila ako pinapayagan kapag ura urada akong magpapaalam.
"Saan ba yan? At sino sinong kaibigan ba ang mga kasama?" Dad asked saka yumuko para makita ako nang maayos, sumilip sya sa itaas ng salamin nyang suot suot nya ngayon, hindi parin binibitawan ang kaninang binabasa.
"Uhmm.. He told me jan lang naman daw sa Carmella's, para malapit.. tsaka don't worry may ibang mga babae naman na kasama, hindi lang ako." I assured him as I sip on my glass of water. Ang Carmella's na tinutukoy ko ay ang resort kung saan balak nina Drex na mag outing. It's a resort with pool. Medyo maliit nga lang pero mas maganda sya for intimate celebrations while swimming.
BINABASA MO ANG
Knowing Him
Teen FictionJuan Etonio Advincula already had plans on what would be his life right after he graduates in Senior High School. Spending his life with his family and studies to pursue his dreams, He continues to work hard to take every step on his well planned dr...