"Anong ginagawa mo dito?"I was easily irritated when I opened the gate to see who came at this time of the night.
It's already eight in the evening. Halos kararating ko lang kani kanina at kasalukuyan akong kumakain ng hapunan mag isa. Hindi ko na hinintay si Kuya Sage dahil sanay naman na akong hindi sya dumarating ng ganitong oras. Kung saan sya nag lalagi? Hindi ko alam. Pero alam kong dito parin sya natutulog at maaga lang syang nagigising.
Pagod parin ako dahil sa nangyari kanina. Hindi ko parin makuhang hindi mainis sa nangyari.
"Oh hi! Where's Sage?"
She sneeked her head on the opening of the gate to have a glimpse inside. Napatabi naman ako sa gilid kaya kinuha nya na iyong pahintulot para dere deretsong pumasok sa loob ng bahay.
"Wala si kuya dito, kaya umalis ka na."
Mas lalong nag iinit ang pakiramdam ko dahil sa inasal nya. Wala na ba talaga syang delicadeza? Para dere deretso na lang syang papasok ng bahay kahit hindi naman sya iniimbitahang pumasok.
"Oh, where is he?" She asked while flashing her sweet smile.
I could've gave her back the same kind of smile if only I just don't know what she did earlier.
"Wala nga dito, kaya umalis ka na." Mariin na pagkakasabi ko sakanya. Ayaw ko man ay napipilitan akong maging bastos sa harap nya.
"Oh come on Lyla, I also came here to congratulate you and Jet! This calls for a celebration right?" She again flasehed her smile, saka ibinalandra ang dala nyang cake.
My lips pursed at her audacity to show her face at me today. Wearing her white fitted top, high waisted shorts and her plain slippers she looks so angelic but God knows how awful she was. Tinalikuran ko na lamang sya nang nasa sala na kami matapos ko syang sundan papasok ng bahay.
"Bukas ang bahay Glaiza, pwede ka nang umalis." Masungit kong sabi saka nagtuloy tuloy papunta sa dining.
Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig kong muli ang hakbang nyang sumusunod saakin kaya muli akong napapihit upang humarap sakanya.
"Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko umalis ka na." Muntik nang mapatid ang kakaunting pasensyang mayroon ako ngayon.
Halos dalawang beses kaming nagkita ngayong araw at pareho parin ang nararamdaman kong inis sakanya ngunit hindi ko iyon ipinapahalata. I'm too tired to even have a cat fight with her, kahit hindi naman talaga ako sanay sa ganoon.
"Don't be so rude Caferine." She then becames serious. Nakipag sukatan lamang ako ng tingin sakanya.
"I guess you already know what I did earlier?" She said while looking at her nails. Sinisipat nya ang mapupulang kuko habang nakangising aso at pasimpleng mapang uyam na ngumingiti. Muli akong inatake ng sobrang inis at nag pantig ang aking mga tainga sa narinig.
"So you really did sabotage him?" Nakakuyom na ang aking mga daliri dahil sa sobrang inis sakanya. Pinasadahan naman nya ng tingin ang aking mga kamay na handang handang tumama ano mang oras sa mukha nya.
"Tsktsktsk. You are so violent Caferine... I'm scared...." she said sarcastically mimicking a little girl as she pouted her lower lip.
BINABASA MO ANG
Knowing Him
Teen FictionJuan Etonio Advincula already had plans on what would be his life right after he graduates in Senior High School. Spending his life with his family and studies to pursue his dreams, He continues to work hard to take every step on his well planned dr...