CHAPTER XIII

46 7 10
                                    




I headed directly to our class room after that heated argument with Glaiza.


Halos manginig ako sa galit habang naglalakad, hindi ko lubos maisip na ganon nalang ako kagalit sa pag uusap naming iyon. Para akong pagod na pagod sa pagpipigil ng emosyon pagkarating sa class room. Pinagpapawisan na rin ako kaya napaupo kaagad ako at ipinatong na lamang muna ang bag na dala para sana sa snack namin ni Jet.

I prepared, just a simple club house sandwich before going to School. Ginawan ko rin si Kuya Sage dahil minsan hindi ko na sya naaabutan sa bahay sa gabi at palaging late na rin sya kung umalis ng bahay. Mula nang mag simula ang School year ay laging ganoon ang nangyayari kaya bibihira nalang kaming makapag usap dahil hindi narin naman kami nagkakaabutan sa bahay.

Si mommy naman ganoon din. Makausap ko man sa skype ay napakadalang nalang din dahil sa medication nya. Although I understand that she has to get well, I cannot deny the fact that I am still longing for a mom, nakakapanibago na walang kasamang magulang, lalo na ngayon sa nangyayari saamin ni Jet, she used to be very supportive before noong kay Louie, if only I can go back and change everything, I won't go out and shop for things, sana ay hinintay ko nalang na umalis kami papuntang Indonesia, and this could not have happened.


Dad could've been alive and breathing, Mom could've been very well and healthy, as well as Kuya Sage, He should've been just studying instead of sacrificing his studies and time for us. Hindi ko parin matanggap na nangyayari ito saamin nang sabay sabay. Napakasama sa pakiramdam. Ipinunas kong muli ang aking mga daliri sa mga luhang patuloy na naglalandas sa aking mukha.



Crying has been a normal thing for me. It's been a routine for me to cry whenever I was left alone and just thinking about things that had happened. Its my surrender for all the pain today, to gain more strength for tomorrow.


"Lyla, san ka ba galing? Bakit nawala ka nalang kanina bigla? Nagpunta dito si Jet wala ka."



Kyla interrupted with my deep thoughts when she went to sit by the chair on my side. She was smiling sweetly when I faced her. I felt her finger wiping my cheeks. Napaatras naman ako dahil sa ginawa nya.



" umiiyak ka nanaman. "


She commented, her voice full of concern, and her eyes watched me softly. Napasinghot nalang ako bilang sagot saka muling pinunasan ng dala kong panyo ang sariling mukha. Inayos kong muli ang pagkakaupo at tumikhim bago nagsalita.



" Asan na sya kung ganon?" I asked her and roamed my eyes inside the classroom.



Kahit naman hindi masyadong close ni Jet ang mga kaklase ko ay magkakakilala naman sila, lalo na ang mga kaklase kong lalaki.



"Umalis na, may naghanap kase sakanya kanina dito habang hinihintay ka."


She answered while eyeing the bag on my arm chair. I instantly grabbed the tote bag to hide it. She smiled at me suspiciously. I avoided her stares.


I instantly stood up and brushed my hair to be at ease, before leaving.



" Papacafeteria lang ako."



Agad naman akong lumabas ng classroom dala dala ang tote bag. Imbis na tumuloy sa cafeteria ay duneretso ako sa classroom ng grade 12 para ako na mismo ang umaya sakanyang kumain.



Since I am now in Senior High School lumipat na rin ako ng Campus. Kasama namin sa campus na ito ang ibang courses ng College. Its just a walking distance from the main campus, ang pinagkaiba lang ay mas narrow ang corridors nito at mas maraming estudyante. Halos laging may mga college students sa mga aisles, karamihan ay mga Criminology at Accountancy students.


Knowing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon