CHAPTER IX

44 9 26
                                    






"Uyyyy dali! Sumayaw na tayo! Sayang naman ng damit natin kung uupo lang tayo!"




Reklamo saakin ni Kyla ngayon. Hila hila nya ang braso ko para ayain na sumayaw sa dance floor pero hindi ako pumapayag. Dahil apektado at iniisip ko parin ang mga nangyari matapos ang araw na yon.



" I'm tired... Ayoko munang sumayaw. Exhausted pa ako masyado sa exam kanina." tamad na sagot ko sakanya.


Alas nuebe na nang gabi at napag desisyunan ng SSG na magkaroon kami ng kick off party dito sa School grounds. Walang ibang mapaglagyan ng Schedule kaya ngayong byernes nalang nila isinakto, tyempo naman na katatapos lang ng finals exam naming mga grade 10 kaninang umaga, at kanina ngang alas sais nag simula ang Party na matatapos mamayang alas Dies. May isang oras pa.



Napapalibutan ng mga tables and chairs ang Gym ng BC ngayon. Mistulang naglalaro ang mga Neon na ilaw at nakabibingi na ang Rave music ngayon. Nasa entablado naman ang isang malaking LED screen na nagpapalabas ng makukulay na graphics na sumasaliw sa tugtog na iminimix ng DJ na inivite ng SSG.



Bubble and neon lights Rave Party ang inorganize nila para sa kick off. Lahat ng Grade 10 ay compulsory na mag attend. Halos dalawang daan ang batch namin sa grade 10 kaya naman kahit hindi jam-packed ang Gym ay maalinsangan kahit may mga malalaking Ceiling at wall fans na gumagana.



"Ano ba yan! Kanina lang sumali ka pa sa parlor games tapos ngayon pagod ka na."



"I'm really tired, tsaka kaka kain lang. Ayokong magka apendicitis."



Totoo naman. Katatapos lang nang inihandang dinner ng Catering, ayos naman sya for this kind of party, sulit naman para sa ibinayad namin, the foods were served in between of presentations. Kanina nga ay nagkaroon ng Parlor games. Masaya naman kaya nakisaya narin ako. The programme for the party lasted for 2 hours, may parlor games, Dance presentations and local campus' band performances.




"Alam mo ang KJ mo! Mag aalas dies na! Susunduin ka na nang manliligaw mo dito!" sigaw nito dahil hindi na kami nagkakarinigan.



Halos nagwawala na ang lahat ng batchmates namin ngayon dahil mas naging hype ang beat ng music na ipini play ng DJ. Medyo masakit na rin sa mata ang neon lights dahil mas naging madilim ang loob ng Gym.




Sinimangutan ko sya. Pinaalala nya nanaman.




"Oh wag mo akong sisimangutan. Gustong gusto na kitang sabunutan dahil napaka haba na ng hair mo!" tinaasan nya naman ako ngayon nang kilay.




Tila tuwang tuwa pa sya saakin. Habang ako naman ay litong lito na sa mga nangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa dalawa. Heto nga at hawak hawak ko ang cellphone kong parehong may text nila. Wala akong nirereplyan, nagugulo lang nila pareho ang sistema ko.



Muli kong binuksan ang dalawang text messages galing sakanila.


From: Simon

Heyy Caferine! I'll drop by your campus later, bago ka sunduin ng driver mo ah? See you!



The other one was from jet.


From: Etonio

Hi. Ingat ka sa pag uwi. Diba hanggang 10 lang party nyo? I hope I was just near para mapuntahan parin kita. :)



Simon was still having his time "courting" me. Last time when I had my nerve wrecking interraction with Jet in the class room, bigla naman syang dumating.


Knowing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon