MSME: 1

263 56 85
                                    

Freya

Break Up

Agad kong iginala ang aking mga mata sa unang tapak ko pa lang sa Wishdon Park, sa lugar kung saan kami magkikita ng mahal kong si Lei. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nag-aya rito, basta ang sabi niya lang ang may mahalaga siyang sasabihin sa akin.

"Lei!" Agad akong napangiti nang makita ko siyang nakaupo sa isa sa mga benches na nasa park.

"So, what's with the sudden meet up? Na-miss mo ako, 'no?" I teased him nang medyo makalapit na ako. He did not respond. Lumapit pa ako sa kanya at nang akmang hahalikan ko na siya sa pisngi ay bigla na lang siyang tumayo at tinalikuran ako.

"Hey, what's wrong?" tanong ko pero wala pa rin siyang imik.

"May problema ba tayo, Lei?" I asked kasabay nang pagsikip ng dibdib ko.

"I'm breaking up with you," and that signalled the tears to freely fall from my eyes.

"What? Nagbibiro ka lang, 'di ba? Cut this crap, Lei. Hindi ako pumunta rito para lang marinig 'yang ganyang mga biro mo," sabi ko sa pag-asang nagbibiro lang siya at wala talaga siyang balak na iwan ako.

"We've been together for a long time, Freya. Alam ko na alam mong hindi ako nagbibiro. I'm breaking up with you. Hindi na kita mahal!" Parang mga kutsilyo ang mga sinabi niya na unti unting hinihiwa ang puso ko. And his eyes, his eyes were so cold na parang sinasabing gumising na ako sa reyalidad, sa reyalidad na hindi na siya sa akin.

"Why? I mean, what have I done? I thought we're good? Damn it, Lei! Okay pa tayo kahapon ah? Anong nangyari? Akala ko mahal mo ako? Akala ko ba ako lang? Akala ko---" Naputol ang sinasabi ko nang muling magsalita si Lei.

"Hindi lahat ng mga akala ay totoo. Freya, mali lahat ng inakala mo." He said and then walked away.

I ran after him. I shouted his name but he don't seem to hear a thing.

"Lei," paulit-ulit kong banggit sa pangalan niya habang patuloy ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.

Unti-unti ay naramdaman kong nababasa ako, umuulan na ata.

"Freya," narinig kong may tumatawag sa pangalan ko.

Paulit-ulit ang narinig kong pagtawag sa pangalan ko hanggang sa naging pasigaw na iyon.

"Freya!" isa pang pagtawag hanggang sa tuluyan ko nang iminulat ang mga mata ko.

"What the hell, Athena? Bakit mo ako binabasa?" kunot-noong tanong ko sa kaibigan ko.

"E kasi ba naman, Sleeping Beauty, kanina ka pa namin ginigising e parang wala ka atang balak bumangon. May paiyak-iyak ka pa habang natutulog," sabi namang ng aking ever-supportive friend na si Trish.

So, everything was a dream? A nightmare rather. Still, I am thankful at panaginip lang pala iyon.

"O ano? Tulala ka na d'yan? Nanaginip ka ba ng masama?" asked Athena at wala na akong ibang nagawa kundi ikuwento sa kanila ang napaginipan ko.

"E 'di ba, kabaliktaran ng dreams ang reality? So cheer up, Frey. Baka maganda ang maging araw niyo ni Lei ngayon. Besides, today is your monthsary, right?" said Trish

"Speaking of Lei, kanina pa pala siya tumatawag. 'Yun din yung dahilan kung bakit ka namin ginising," sabi naman ni Athena

Umupo na lang ako sa kama ko at hinintay na lang na tumawag ulit si Lei. And after a few minutes ay nagliwanag na ang screen ng phone ko at agad ko itong kinuha pagkakitang si Lei na ang tumatawag.

My Stalker, My Enemy.Where stories live. Discover now