Freya
Talks and Confessions
Naka-upo ako ngayon dito sa sofa, nasa harapan ko si Athena at katabi ko naman si Trish.
"So what's with the sudden date? " Trish mocked her and she gave her a death defying glare. "Woah, easy."
"Hindi date 'yon at hinding hindi ako makikipag-date sa mga taong sinaktan kayo," sagot naman ni Athena.
"So anong nangyari?" Tanong muli ni Trish. Tahimik lang ako dahil ano pa bang sasabihin ko? Nakita ko na lahat at wala akong masabi ukol don.
"I chatted him, gusto kong malaman yung mga nagpapagulo sa mga sitwasyon. At the same time, i wanted to talk to him face to face so that we can understand each other. But, I'm wrong..." Athena semi-explained.
"She's a real fighter," Trish whispered. I grinned, i know.
"The situation is so complicated, hindi ko naman alam na makikilala niyo ako, at ang lalong nagpa-kumplikado ay... ayaw sabihin ni Rhett kung anong dahilan, kung bakit, at para saan?" Pag-papatuloy ni Trish.
"Frey, shh." Pagtahan sa'kin ni Trish at napansin kong napalingon naman sa'kin si Athena. Habang nagsasalita si Athena kanina ay may mga na-realize ako na nagpahagulgol sa akin. Hindi ko na iniisip kung ano bang intensiyon niya? Kung anong dahilan, kung bakit, at kung para saan. At kung ano pa ba ang problema niya sa'kin. Iisa lang ang naisip ko...
"Why are you crying? Malalaman din naman natin yung dahil---" i stopped her words by hugging her, so tight.
"I - I'm no-not crying because of hi-him, because of not knowing his intentions. I'm crying cuz you're so kind, you helped me all through out my problems. But i didn't helped you even once..."
"Shut up!" Hinarap ako ni Athena sa kaniya habang hawak ako sa braso, "You did! You're always helping me! Us! Kaya h'wag kang mag-isip ng ganiyan! Alam mo bang kung hindi dahil sa'yo hindi kami magkaka-ayos ni Jonathan? Alam mo bang kung hindi dahil sa'yo hindi namin maiintindihan ni Trish ang meaning ng paglaban? Yung totoong paglaban? Na pagkatapos ng lahat ng 'to nandiyan ka parin, palagi kang niloloko pero nandiyan ka parin! Nakatayo! Kaya h'wag mong isipin na mahina ka kasi hindi! Never!" Nakita ko ang galit sa mata ni Athena dahil sa nasabi ko pero nakita ko rin na nangibabaw ng sobra ang concern siya sa'kin. Nagka-mali akong isipin na mahina ako.
Pagkatapos kong marinig ang mga iyon kay Athena ay nanghina ang tuhod ko, napaupo ako sa sahig. "Salamat..." patuloy paring umaagos ang mga luha ko at wala akong balak patigilin iyon dahil pakiramdam ko ay nale-lessen nito ang pain na meron ako ngayon. "Salamat kasi ngayon alam ko nang may nagagawa ako, salamat," patuloy parin ako sa pag-iyak hanggang sa maramdaman ko ang maiinit nilang braso na nakapulupot sa'kin. Yakap yakap nila ako habang iyak ako ng iyak at iyon ang best feeling ever.
Masaya akong naging kaibigan ko sila pero minsan hindi kasi pakiramdam ko, problema lang ang dala ko sa friendship na ito. Pero habang tumatakbo ang oras, nasasabi na nila sa'kin ang halaga ko at iyon ang mahalaga. Napapa-kita nilang may nagagawa ako at masaya ako don. Hindi ako nagkamaling kaibiganin sila kaya napaka-swerte ko.
***
"Frey?"
"Frey!"
"Freya!"
"Allison?"
"Alli!"
"Anaaaak!"
Nagising ako ng may naririnig na mga boses sa isip ko, at pabalikwas ang gising ko ng dahil sa sigaw ni mama.
Bakit ako nagkaka-ganito? Madami lang siguro akong iniisip. Umiling ako at tumayo na sa kama.

YOU ARE READING
My Stalker, My Enemy.
Storie d'amoreFreya Allison Imperial is a full time second option girl, lagi siyang talunan. They know her as a weak spot, but they didn't know that she can figure things out, she can face anything. There she has two friends who can fight along side with her. But...