Freya
The Party
May ilan ng mga tao nang dumating kami ni Athena sa venue ng party ni Trish. I recognized some of them as Trish's relative at ang iba naman ay mga kaibigan o kung hindi naman ay classmates niya sa school. Hindi namin kasabay ang birthday celebrant since kailangang mas maaga siya para maentertain ang mga bisita.
"Good evening po, Tita" pagbati namin ni Athena sa mom ni Trish nang masalubong namin ito
"Trish had been waiting for you. Pasok na kayo sa loob," she said with all smiles at saka sinamahan kami papunta sa isang tila maliit na hotel sa loob ng resort
There I saw Trish, exchanging smiles and a few words with her visitors. She looks simple yet stunning in her lace bra and shorts na pinatungan ng see-through dress that reaches below her knee.
On the other hand, ako naman ay nakasuot lang ng crop top na tinernuhan ko ng shorts.
"Woah. May tinatago ka naman palang curves kahit papaano," biro ni Athena kay Trish na ginantihan lang nito ng mahinang palo sa kaibigan
"Happy birthday ulit, Shan" pagbati kong muli sa kaniya
Nagkuwentuhan lang kami nang sandali at saka bumalik na siya sa pag-ikot sa iba pang mga bisita. Maya-maya pa ay nagsalita na rin ang emcee hudyat ng pagsisimula na ng program para sa party ni Trish.
Unang nagsalita ang parents ni Trish. Nagpasalamat lang ang mga ito sa mga bisita at hindi na rin nagtagal sa pagsasalita. Nang matapos magsalita sila Tito at Tita ay nakita ko naman si Trish na nagpupunas ng luha niya - tears of joy. Tulad kasi namin ni Athena ay minsan lang din talaga niya makasama ang mga magulang niya kaya alam kong masaya talaga siya ngayon. And I'm happy for her too.
Unexpectedly, ako ang sunod na tinawag ng emcee. Nilingon ko si Trish at nakangisi ito sa akin. Itong babaeng 'to talaga, she knows pretty well that I am not the confident public-speaker type pero ako pa talaga ang pinili niyang pagsalitain. Still, tumayo pa rin ako at pumunta sa harap. Okay, Frey, you're doing this for a friend - for your best friend.
"Ah, happy birthday?" panimula ko
Nakatingin lang si Trish sa akin; I know she's waiting for me to add some more.
"Okay, I'm wishing you all the best in life. Tandaan mo that I will always be here for you. I will always care for you. And I'm wishing that someday, you'll find the one na magpapasaya sa iyo at never kang sasaktan-'' naputol ang pagsasalita ko nang may sumigaw mula sa likod
"Whoo! Tell that to yourself, girl." Tumingin ako kay Athena at nag-peace sign lang ito sa akin.
"Ugh," sagot ko at nagtawanan naman ang schoolmates namin na nandoon. Humanda ka sa akin mamaya, Athena.
"Going back, I really do hope na mahanap mo ang right one who will love you because you deserve all the love. I love you, Trish. Happy birthday ulit," pagtatapos ko saka lumapit sa kaniya and handed her my gift. She uttered a "Thanks" at saka na ako bumalik sa puwesto ko kanina. Binatukan ko nang mahina si Athena, "Leche talaga 'to," I told her na tinawanan niya lang.
Ilan pang malalapit na mga kaibigan at relatives ni Trish ang nagbigay ng greetings sa kaniya at nang matapos na lahat ay nagsimula na ang totoong party - kainan, tawanan at kaunting inuman, at ang iba naman ay naguswimming na. Lumapit sa amin si Trish. Kasunod niya ay isang server sa resort na may dalang chicken barbecue at ilang light drinks.
"Ano, kumain na ba kayo? Frey? Tina?" panimula ni Trish nang makalapit na siya sa amin
"Ahm, yes. Papahuli ba naman si Frey pagdating sa foods?" pang-aasar ni Tina sa akin
YOU ARE READING
My Stalker, My Enemy.
RomanceFreya Allison Imperial is a full time second option girl, lagi siyang talunan. They know her as a weak spot, but they didn't know that she can figure things out, she can face anything. There she has two friends who can fight along side with her. But...