MSME: 2

142 53 41
                                        

Freya

Hey  and Hoy History.

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung skandalong naganap. Nakikita ko parin sila dito dahil hindi naman maiiwasan yun. Ngayon ito ako, papasok sa next schedule ko. Papasok na sana ako sa room ng may nang bato saking papel. Alam na alam ko na to kaya hindi na ako nagulat. Ganiyan nya gusto mang asar. Hinayaan ko na kapagod eh.

Pinulot ko ang papel at alam ko namang may nakasulat dun. Binasa ko ang nakasulat.

Broken ka pa ba?
sikat ka na sa Quinillasite ah.

Tama kayo ng basa. Nakarating iyon sa dakilang tsismosang page nayon. Nangunguna lang naman kami sa Trending dun. Lahat pa naman ng Student nakaregister sa pisteng Site nayun. Once na maging studyante ka kasi dito ireregister ka nila sa Website at iaannounce na new student ka sa mismong page. Ano naman? Ikauunlad mo ba? Nakakainis lang.

Umupo na ako sa upuan ko na katabi lang sya. Sya si Zac Peters my Immortal Enemy. Hindi naman sa sobra lagi kasi kaming nagaasaran. Madalas syang panalo at ako to uuwing naasar. Grade 3 palang kaklase ko na tong Kupal nato. At alam nyo ba kung anong tawag nya sakin? Hey. Ako naman Hoy sa kanya.

Nag kiss na ako kay Mommy at dumiretso na sa room ko. Kasabay ko ngayon ang Bestfriend kong si Gab. Gabriella Ruiz.

Masaya ako ngayon dahil binilhan ako ng Ballpen ni Daddy sa Mall kagabi pagkauwi nya galing work. Superwoman ang tatak nun kaya gusto ko talaga. Favorite ko kasi sya kasi ang ganda at ang lakas nya.

Didiretso na sana kami sa pinto ng Masanggi ko si Zac. Omayghad. Crush ko sya. Pero sshhh lang kayo ah. Nalaglag ang ballpen naming dalawa. Sabay namin itong dinampot. OMG sign na bato? Ok ang bata ko pa.

Nagulat ako ng bigla nya itong hinatak sa akin. "Hey you! This is mine!" Sigaw sakin ni Crush--- i mean ni Zac.

"Hoy akin kaya yan!" Kinuha ko sa kanya ang ballpen pero tinulak nya ako kaya nakuha nya sakin ang Ballpen ko.

Humagulgol na ako. Ang sama mo! Hindi na kita Crush! Akala ko pa naman mabait ka! Umakala ako!

Kahit umiiyak ay patuloy ko paring inaagaw ang ballpen sa kanya.

"Hoy, sabi ko sayo akin yan eh." Inaagaw ko parin ito. Buti nalang at wala yung teacher namin kaya patuloy parin kami sa pagaagawan at patuloy ako sa pagiyak.

"Hey, Binili to sakin ni Daddy eh!" Sigaw na naman nya sakin. Hindi na talaga kita gusto Zayn Ace Calif! Maghahabol ka rin sakin kahit Grade 4 palang tayo! Pero syempre di ko sinabi yun.

My Stalker, My Enemy.Where stories live. Discover now