MSME: 13

18 8 0
                                        

Freya

Celebration

After gym, dumiretso ako sa bahay ni Mommy. Pagkapasok ko nagulat ako sa designs at balloons na nasa loob. What's happening?

"You're here! I thought you're not coming! Oh god thank you," after niyang sabihin iyon niyakap niya ako. Tulala lang ako at iniisip ko kung anong selebrasyon ang pwedeng maganap sa ganitong date. Napatakip ako ng bibig ng maalala ko kung ano, death anniversary pala ngayon ni Daddy.

"Oh! Mommy I'm sorry," i hugged him back as i apologized. Daddy sorry din, medyo marami kasi talaga akong iniisip sa ngayon.

"It's fine our dear, may pagkakataon talagang nakakalimot tayo, sa dami ng problema at mga iniisip. Teka ano bang tumatakbo sa utak mo anak?" Masaya ako dahil maintindihin si mommy pero at the same time, nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba? Pero naalala ko, mother knows best pala.

Iyon, kwinento ko lahat ng mga magugulong nangyayari sa buhay ko. Sa stalker, kay Rhett, kahit yung pinalabas ako sa room nung professor namin kwinento ko, at sa pangbibwiset ni Zac ang pinakamarami. Para akong batang nagsusumbong kapag tungkol kay Zac yung ikinukwento ko.

"You have a lot of things to think anak, para kang Daddy mo," at napansin ko namang biglang nalungkot si Mommy. "He's thinking a lot of things to the point na nag suicide na siya," i saw her sad face, it was so brutal. He killed himself because of depression, although hindi ko nakita kasi nga nasa school ako noon. It was the time where hey and hoy history happened. "Anyways let's go to pool, tayong dalawa lang ang magse-celebrate since nasa ibang bansa lahat ng kamag-anak ng Daddy mo," dumiretso kami sa pool.

Pagkarating ko doon napakaraming lobo at kandila, puro bulaklak ang lamesa at nasa gitna ang abo ni Daddy, pina-crimate namin siya dahil puro saksak siya ng matagpuan. Sabi ng pulis 'di matukoy kung sino ang gumawa at ng makita ang kutsikyong ginamit, napagtanto nilang finger prints ni Daddy ang naka-indicate doon. Nagkataon lang daw na sa damuhan siya nag-suicide. Napaisip din ako noon, pero at the end, tinanggap ko nalang na ang kamatayan ay hindi natin desisyon, kahit na desisyon nating pumatay mapatay o magpakamatay. Nangyaring mamatay tayo dahil yun na yung kamatayan natin, oras.

Naputol ang pagiisip ko ng magsalita ang katulong namin, "Ate Lisan, may tao po sa labas," bigla namang tumayo si mommy para tingnan kung sinong tao.

Kumain muna ako habang nakatingin sa mga halaman, grabe talagang pinaghandaan ni mommy 'to. Sa disenyo palang masasabi ko na agad kung gaano kamahal ni Mommy si Daddy, pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang itim na rosas sa pinasulok. Ano iyon? Bakit may ganon?

"Ay pu---!!" Buti na lamang at napigilan ko ang sarili kong magmura. "What are you doing?! Aatakahin ako sa puso! Tina grabe ka! Anong ginagawa mo dito?" Bigla kong tanong sa kaniya.

"Wala lang, ma-surprise ka kasi binisita ka namin! Wala kasi kaming magawa ni Trish kaya niyaya namin sina Mama tapos si Tita na pumunta dito since kamatayan ni Tito," at agad akong tumayo at yumakap sa kaniya, i'm so lucky kasi nandito sila for me.

"Sali ako!" Bigla namang dumating si Trish at medyo napalakas ang pagkayap n'ya kaya na out of balance kami, ayun dumiretso kami sa pool.

"Oops! Huy!..." narinig pa naming sigawan nila Mommy at nila Tita. "Kayo talagang mga bata kayo! Madidisgrasya kayo eh, jusko!" Atsaka naman napasapo sa ulo si Tita Toni, Athena's Mom. Trish naman kasi! Haha, but it's still fun kaya nag peace sign nalang kami at sinavor na namin yung moment. Pinakalma naman siya nila Tita at Mommy dahil nerbyosin nga siya. Sa kanilang tatlo si Tita Toni ang pinaka nerbyosin.

My Stalker, My Enemy.Where stories live. Discover now