Freya
Why so serious?
Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos mangyari ang nakawan. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala kung bakit nagawa sa'kin ni Rhett iyon. Kaya tuwing nakikita ko siya o nagkikita kami ay hindi na kami nagkakapansinan. Nadadagdagan tuloy yung awkwardness na ito simula noong nag -confess siya.
"Still bothered?" Zac asked. Nasa school ako ngayon at nag kaklase. Kahit anong lecture ay walang pumapasok sa tainga ko. Napabuntong hininga nalang ako sa tinanong ni Zac at yumuko. Nararamdaman kong nag-iinit ang mga mata ko, linggo na ang nakalipas napapaisip parin ako kung bakit at kung ano ba ang gusto ni Rhett. "I guess yes." He answered his own question. Kumalat narin sa school ang issue ng nakawan dahil may nakakita sa'ming isa sa mga journalist ng school. Yeah, QuinniliaKnows.
Napagalaman ko rin na nanggaling rin si Zac sa ingkwertong nakawan. Ngunit ang kaibahan ay siya ang nag tanggol, si Ate Zia ang ninakawan. Narinig ko ang bell, hudyat na tapos na ang class.
"Your project don't forget, you may now go," our teacher said. Huh? Anong project?
"Interpretative dance, alphabetical arrange for groups, but only two members. You have to interpret your unforgettable moment with your ex-relationship," tumango nalang ako sa pagpapa-liwanag ni Zac. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang ingkwertong nangyari lately.
"So? Meaning kagrupo kita? Marunong ka ba sumayaw? Baka bumagsak lang tayo sa extra subject na ito," walang gana kong sabi at inirolyo ko ang aking mga mata. Ngumisi lang siya at nilagpasan ako sa paglalakad. Nakatingin lang ako sa likod niya nang bigla siyang huminto.
"You may liked it or not. Tommorow, on our house. Anytime, just think that this is for the project," he said then he continued walking. Ito na naman ako, laging no choice. Syempre ayoko namang 'di maging worth it yung paghihirap nila Mommy sa ibang bansa hindi ba? Kaya kahit ayokong maging kapares siya dahil sa kakulitan niya, dapat kong pilitin ang sarili ko. Buti nalang at marunong akong sumayaw.
Pero naninibago ako kay Zac, madalas na siyang seryoso, at minsan nalang mang asar. Minsan nga gusto kong i-grab yung chance ng pananahimik niya para makabawi kaso naisip ko na baka malalim ang problema niya.
"Frey! Here!" Familiar voice shouted. It was Trish. Waving her hand to seek my attention.
Agad agad naman akong pumunta sa kaniya at sumakay na sa sasakyan niya. Sasakyan niya ang gagamitin namin ngayon, at si Athena ang naka-toka sa paglinis ng bahay kaya feeling ko day off ko ngayon. I love mondays, a rest day for me.
Habang paandar palang ang sasakyan ay natanaw ko ang sasakyan ni Lei, mukha siyang frustrated at may inaabangan. Natatandaan ko pa dati lagi ko rin siyang pinaghihintay. I rolled my eyes, That was then. This is my now, stop mesmerizing such thing Freya. Iniling ko nalang ang ulo ko.
"Nangyayari sa'yo?" Biglang tanong ni Trish habang nag si-seat belt. "You better wear your seat belt too," she seems so serious.
"Nothing," sabi ko at nagulat ako ng agad niyang pinaandar ang sasakyan. "Trish? Slow down!" I uttered but she didn't hear a thing. I tapped her hand that controlling the steering wheel. Ini-stopped niya ang sasakyan at tumingin sa'kin. Huminga siya ng malalim at muling nag drive pero sa ngayon ay dahan dahan nalang. Itinuloy ko na ang pag suot ng seat belt ko ng biglang mag salita si Trish.

YOU ARE READING
My Stalker, My Enemy.
RomantikaFreya Allison Imperial is a full time second option girl, lagi siyang talunan. They know her as a weak spot, but they didn't know that she can figure things out, she can face anything. There she has two friends who can fight along side with her. But...