Freya
Preparation
"You know what, Ishan? Hindi halatang super pinaghandaan ang birthday mo. Look, invitation pa lang ay napakabongga na," sabi ko habang binabasa ang invitation na kabibigay lang niya sa akin
"Yep. Frey is so right! Talagang effort ang parents mo with this one," pagsang-ayon ni Tina sa akin
"Well, ganiyan talaga. Maganda ako so dapat ay maganda rin ang invitation!"
Umirap lang ako bilang pagkontra sa sinabi ni Trish. Over-confident talaga 'tong babaeng 'to minsan. Kung hindi niya lang birthday bukas e talagang hindi ko 'to pagbibigyan.
"By the way, saan ba itong venue ng birthday mo? Nepty's Place? Don't tell me sa Neptune pa 'to?" pagbibiro ko na hindi man lang tinawanan ni Trish o ni Athena. Mga kill joy talaga.
"Joke na ba iyon, Frey? Nice try but try harder next time," pambabara ni Tina sa akin. Ugh.
"Well, answering your question, 'yong place ay nasa subdivision just accross ours," maikling pagpapaliwanag ni Trish. Oh, so malapit lang naman pala.
"Uy! It's a pool party pala. Omg!" pagsigaw ni Athena na ikinagulat namin
Hindi na bago kay Athena ang maexcite sa mga ganitong okasyon. She has always been the party-goer type of a girl.
"I think we've got to go shopping! Bili tayo ng swimsuits or two-piece! Excited na ako! Yay!" sabi pa ni Tina
"I think shorts and some t-shirts will do. It's a pool party, yes. Pero do you wanna die dahil sa sobrang lamig? Gabi kaya 'yong party. Another thing, magpeperform ka sa party ni Trish and I don't think na gusto mong gawin 'yon nang naka-two-piece." Tumawa lang si Trish sa sinabi ko while I saw Athena pouted bago sinabing "Fine. Shorts na nga lang."
We talked about a few more things about Trish's party bago maisipang matulog na.
---
"Happy Birthday, Ishan! Omg. Tanders ka na, girl!"
Nagising ako sa malakas at high-pitch na boses ni Tina. Well, nothing's new. Athena is not being in her normal self kung hindi siya ganiyan ka-hyper.
To start the day, bumangon na rin ako at lumapit sa dalawa sabay pagbati kay Trish ng "Happy Birthday, Trish." and gave her my power hug.
"Aw. Thanks, girls. But I would appreciate it better kung magmumumog muna kayong dalawa. Shoo!" tatawa-tawang sabi ni Trish na sinuklian namin ng masamang tingin ni Athena
"Pasalamat ka talaga at birthday mo ngayon!" sabi ni Tina
"Thank you! Now, pumasok ka na sa cr. Maligo ka na at may pupuntahan pa tayo," said Trish while pushing Tina to the bathroom door
"Where to?" tanong ko dahil 6pm pa ang simula ng party at wala naman kaming napag-usapang lakad ngayon
"Where going to the mall," sabi niya
"Sa tingin ko, dapat e magpahinga ka na lang para full ang energy mo for later's party," pagkontra ko sa ideya niya
"My treat?"
"Bu-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may sumigaw mula sa banyo ng apartment na tinutuluyan namin
"We're going with you, Ishan! Libre mo, ha?!" Ang lakas talaga ng radar ni Athena basta libre na ang pinag-uusapan
I turned back to Trish na ngayon ay nakangisi na sa akin. Okay, dalawa sila. Defeated.
"Okay. We're going to the mall."

YOU ARE READING
My Stalker, My Enemy.
RomanceFreya Allison Imperial is a full time second option girl, lagi siyang talunan. They know her as a weak spot, but they didn't know that she can figure things out, she can face anything. There she has two friends who can fight along side with her. But...