MSME: 18

12 1 0
                                    

Zac

Nonplus...

Papunta na ako sa bahay nila Zac, naka sakay lang ako sa tricycle ni Tito dahil nakasalubong ko naman siya sa plaza kanina. Menus din hehe.

Ibinaba niya ako sa tapat ng bahay nila Zac, ganun parin ang laki nito, puro parin halaman sa labas. Madamo at mabulaklak. Nag door bell ako ng siguro'y mga limang minuto. Bakit ang tagal mag bukas? Nakakainip.

"On the waaaay!" Sigaw ni Zac papuntang gate, "Sorry, may ginagawa kasi ako." Pagpapa-umanhin pa niya.

"Reasons," pang-aalo ko pagkapasok sa bahay nila.

"Totoo kasi tsk, doon tayo sa pinagpa-praktisan nila Zoe,"

"Ate." Pagtatama ko sa kaniya. Hindi na kasi niya ina-ate yung ate niya. Walang galang.

"Whatever"

Pagka-akyat namin ay nabigla ako sa ingay ng mga instrumento. Electric guitar na ang sakit sa tainga at mga drums na pinapalo lang ng drum stick. "Doon tayo mag pa-praktis Zac? Habang may nagpa-praktis na banda. Taray two in one studio." Pag-bibiro ko habang humahagikgik sa sariling biro.  Self support lang, bakit ba?

"Huh, niligpit ko na yung mga instruments para magamit yung studio ah." Pagpapaliwanag niya habang naglalakad patungo sa pinto ng studio. Idinikit niya ang tainga niya sa pinto at biglang napa-ngiti.

Na-curious ako kaya ganun din ang ginawa ko, pero ang pisti binuksan yung pinto kaya muntik na akong matumba una tainga. Hinampas ko siya sa braso at sinimangutan habang siya'y tawa lang ng tawa. "Bwiset ka nakakahi---"

"Ate Freyaaaa!" Hiyaw ng babaeng may maliit na boses ang bumungad sa'kin, pati narin ang bago nitong hitsura, nagulat ako sa nakita kong hitsura ng bata hindi ko siya nakilala ng saglit ngunit ng lumipas ang segundo'y namukhaan ko na siya.

Naka bonnet na medyo labas ang bilang lang na buhok, ano nangyari kay Zia? I don't want them to see my sympathy kaya bigla ko siyang niyakap, "Hi Zia! I miss you." Sabi ko nalang at ramdam ko ang paglawak ng labi niya habang nakahiga sa side ng leeg ko.

Naluluha ako sa hitsura niya pero hindi ko ipinapakita, ayaw ko namang isipin nilang naaawa ako na parang ganoon na nga. Kalaro niya si Ate Zoe na ang laki ng ngiti sapagkat nakikita si Zia na naka-ngiti. Tumingin ako kay Zac at ito ang unang beses, nakangiti s'ya habang tumutulo ang mga luha niya.

Tumayo ako at pinisil ang pisngi ni Zia at wala sa sariling niyakap ko si Zac, "Shh, she will be fine." Why am i doing this? I was about to get out of my hugs but he pulled me closer. I felt awkward but amused, don't blame me this is kind'a new? I guess? What can i do? Maybe in this move he'll heal, look at me, i want to pissed him off sometimes but i can't actually stand this mercy. This is so new to me.

"Chansing ka lang e," bulong niya kaya hinampas ko ang likod niya, parang napalakas kaya hinimas ko ulit. Ito kasing lalaking 'to.

Pinilit ko nang umalis pero yakap parin niya ako at napaka-higpit na. "Hindi ako makahinga Zac!" Bulong ko sa kaniya.

"Yun nga plano ko e," atsaka siya humagikgik.

Piningot ko siya sa tainga "Wala bang seryosong pagkakataon sa'yo? Pakawalan mo nga ako!" Bulong ko dahil ayokong iparinig sa mga kapatid niya ang mga biruan namin.

My Stalker, My Enemy.Where stories live. Discover now