Chapter Six ♧

2.6K 75 27
                                    

Irene's POV

Sunday

"Wow parang bihis na bihis ka naman ata ngayon Hyun." sabi ni Dad nang makalapit ako sa kanila. Nandito kami ngayon sa kusina, kumakain ng breakfast. EH KASI NAMAN!

Hays. Hindi ko din alam eh. Oo ngayon ko makukuha yung sweldo ko ki Seulgi pero grabe yung kaba ko kaninang paggising ko. Ang aga ko pa namang magising.

Alam niyo yung para akong baliw pagulong gulong sa kama ko kagabi? Kasi di ko talaga malimutan yung sinabi ni Seulgi kahapon. Bat kaya ganun nalang yung epekto niya sakin?! Nagkakagusto na ba ako sa baliw na yun?!

"May lakad kami ni Wendy eh." sabi ko lang at umupo sa tabi niya.

Nilapag na nila Mom at Yaya yung pagkain namin. Wow! Ang sarap ♡_♡. American breakfast atm.

"San na namang lakad niyong dalawa? Araw araw ka nang wala sa bahay ah." sabi ni Dad at nilapag yung dyaryong binabasa niya.

Nagkatinginan kami ni Mom sa sinabi niya. Omo! Lagot na ba ako?

"Baka naman may lakad talaga yang anak mo. Nagiging praning ka na naman diyan." sabi ni Mom ki Dad.

"Eish. Okay okay. Wala akong laban sayo Wife. But promise me one thing." sabi ni Dad at tumingin sakin.

"A-ano yun Dad?" tanong ko naman.

"Dapat bago magdinner nandito ka na ha? Kakain tayo sa labas eh. Sa favorite mong resto." nakangiti nitong sabi kaya napangiti din ako.

Aww. Kahit talaga napakabusy ni Dad sa company, gumagawa padin siya ng paraan para makapagbonding kaming pamilya. Eh kami nga tong laging nasa bahay di man lang maisip yun. Hahaha!

"Oo naman Dad! Basta sa favorite kong resto ah!" masaya kong sabi at sumayaw sayaw.

"Aha! Kaya don't be late huh?" sabi lang niya at nginitian ako. Tumango lang ako at nagthumbs up.

"Wow nagsalita ang hindi nalalate." pagpaparinig ni Mom at tinignan ng masama si Dad. Hahaha! Oo nga pala.

Naikwento ni Mom na nung nasa dating stage palang sila ni Dad ay lagi itong nahuhuli kapag lalabas sila o magdedate. Diba kung sino pa yung nag aya siya pa yung nalalate? Ganyan yang mga lalaking yan eh.

"Wife naman. Alam mo naman kung gaano ako kag--"

"Kagwapo dahil pinagkakaguluhan ka nang mga fangirls mo dati para malate ka? Yun ba yun?" pagputol ni Mom sa sasabihin ni Dad kaya napatawa ako. HAHAHA! Kabisado ka na naman Dad. You don't know us ;)

Napakamot nalang ito ng ulo at napapout. Ang cute ni Dad! May naalala tuloy ako... TANGNUH MO KANG SEULGI! Umalis ka nga sa isip ko!

"Let's just eat. Pinagtutulungan niyo kong mag ina." sabi lang ni Dad at kumuha na ng plato niya. Tinawan lang namin siya ni Mom at nagsimula na ding kumain.

Ang saya nito. Kasama mo yung family mo sa breakfast. Hays. Kelan kaya uuwi si Kuya Junmyeon? Namimiss ko na din yung palaasar kong kuya.

"Uhm Dad. Kelan nga pala ang uwi ni Kuya Junmyeon?" tanong ko kaya napatigil sila  sa pagkain at nagkatinginan. O...kay?

"I think we need to tell her the truth." sabi ni Mom ki Dad. Bumuntong hininga lang si Dad at humarap sakin.

"Hyun promise me di ka magagalit samin?" sabi ni Dad kaya napakunot yung noo ko lalo. Ano bang ibig nilang sabihin?

"Wae? May dapat ba akong ikagalit Dad?" taka kong tanong. Tumango naman siya.

"Yeah. Actually, nandito na ang Kuya Junmyeon mo, kararating niya lang last week. Oo gusto namin siyang pauwiin dito pero may business pa kaming kelangang gawin. He's currently working as a butler sa anak ng isa sa pinakasikat na owner ng isang sikat na company." sagot ni Dad sakin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

I'm Her Slave || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon