Chapter Eight ♤

2.3K 80 6
                                    

Seulgi's POV

Nang matapos kami nila Dad na kumain ng breakfast, nagpasya kaming umuwi na. Di ko alam anong pumasok sa isip niya at sa resto pa kami kumain ng breakfast. Tch. Mas masarap naman yung luto nila Chef Choi sa mansion kesa dito.

"Did you enjoy your breakfast Yerimah?" nakangiting tanong ni Dad ki Yerim. Nginitian siya ng kapatid ko ng pagkatamis tamis at tumango.

"Ne appa! Ang sarap talaga ng mga foods dito kesa sa ibang bansa! I really enjoy it! Thank you appa!" masayang sagot ni Yerim at niyakap si Dad. Eish. Bat kasi di nila ako pinatabi sa kanila? Katabi ko tuloy tong si Butler Kim. Psh.

"Someone's jealous." natatawang sabi ni Butler Kim sakin. Eish. Kelan kaya niya ako titigilan sa pang aasar? May isang araw kayang mararamdaman kong tahimik ang buhay ko nang wala siya? Kelan kaya?

"Tch. You don't care." sabi ko lang at umayos ng upo. Ang dami ko na ngang problema dadagdagan pa siya.

Iniisip ko parin hanggang ngayon kung anong ipangsusuhol ko ki Joy wag niya lang ipakita kila Moonbyul yung pic ko. Once na maipakita kasi ki Moonbyul yun, I'm fvcking dead. Walang lumulusot na picture ko sa kanya na hindi napopost sa social media. Ewan dun daw siya kumikita eh. Baliw talaga yun eh. Pinagkakitaan pa yung kaibigan niya. Ang bait niyang kaibigan.

"Young Master may lakad akong mamayang dinner ah. Kung may ipaguutos ka lang sakin, ngayon mo na ipagawa." sabi lang niya habang tutok yung tingin sa daan. Eyy. May gana pa siyang maggala ah.

"Maggagala ka noh?" sabi ko sa kanya. Napailing siya sa sinabi ko. Tch. Maniwala ako. May dinidate na ata to eh.

"May date kas--"

"Dad si Butler Kim nakikipagdate muna bago ako pagsilbihan oh!" sumbong ko ki Dad habang nakaturo ki Butler Kim. AHA! Lagot ka. HAHAHAHA! Goodbye Butler Ki---

"Patapusin mong magsalita yung tao Seul." sabi sakin ni Dad kaya padabog akong umayos ng upo. Mas kinampihan pa yung iba kesa sa anak niya.

"Continue Mr. Kim." sabi pa ni Dad at tumango ki Butler Kim.

"Ne Mr. Kang. May family date po sana kami nila Dad kasama yung kapatid kong babae. Minsan nalang po kasi kaming magkita kita kaya sana, payagan niyo ako." nakangiting sabi ni Butler Kim. Di ako naniniwala.

"Nah hindi ako naniniwala. Sabihin mo muna yung pangalan ng kapatid mo at dun ako papayag." sabi ko lang sa kanya.

"You're such a good son and a brother Butler Kim. I salute you. Yes you can go." nakangiti namang sabi ni Dad. YAH! Di ba nila ako narinig?!

"Dad! You didn't hear me? May condition ako!" reklamo ko at sinamaan ng tingin ang nakabelat na si Butler Kim. Ugh. My worst enemy.

"Duh oppa. Stop being childish, mukha kang oso. Bakit ba gustong gusto mong makilala yung kapatid ni Butler Kim?" sermon sakin ng kapatid ko kaya di ko napigilang mapaayos nalang ng pag upo.

"Sabi na may gusto ka sa kapatid ko Young Master eh." sabi ni Butler Kim at nginitian ako ng nakakaloko. What the..

"Seul ganyan din ako sa Mom mo dati. Gustong gusto kong makita at makilala siya. Dun ko na din nagus--"

"Stop it Dad. I don't care about her. You know me already. Hindi ko na gagawin ang mga bagay na yan right?" sabi ko lang at umayos na ng tuluyan ng pag upo.

Tch. Kapag ba tinanong lang yung pangalan, may gusto na agad? Kaya kayo naloloko kaagad eh. May maipakita lang na kabutihan sa inyo, minamahal niyo na agad. Ayan, sa huli, kayo din yun masasaktan. Di ba pwedeng gusto lang malaman yung pangalan? Yun lang naman eh. After that di na ulit ako magtatanong pa tungkol sa kanya. Nacucurious ako dahil sinabi niyang kilala ko.

I'm Her Slave || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon