Chapter Eighteen ♧

2.1K 69 15
                                    

Irene's POV

"Babe let go of my hand..." rinig kong sabi ni Seulgi kaya agad akong napatigil sa paglalakad. Psh.

Mahar-- OH SHIT.

"Ddeulgi is hurt." nakapout pa niyang sabi habang pinaglalaruan yung kamay niya. Shemay! Yung kabaong ko!

Ang cute niya shet! Iuuwi ko to pigilan niyo ko. Sisiguraduhin kong di na siya makakabalik pa nang ligtas sa bahay nila.

Pinilit kong pakalmahin yung buo kong sistema kahit napakaimpossibleng mapigilan ko pa yun. Ang pula na siguro ng mukha ko. Hindi nga ako makatili, kita naman sa mukha ko na kinikilig ako >_<

"Bakit kasi pumunta pa tayo dun?" kalmado kong sabi sa kanya. Yan tama yan Irene..

"Nothing. Gusto ko lang icheck ang kapatid ko." sagot niya at ngumiti. Aww.

Hindi ko tuloy napigilang mapangiti pabalik. Ang sweet niya talagang kapatid. Gusto ko siyang maging kapatid pero nangingibaw yung kagustuhan kong maging jowa niya.

Oh shit. Di ko sinabi yan. Wala yan guys.

"Eh ano naman yung tungkol dun sa pagpapacute mo sa harap ng kapatid mo? Yung ipagtatapat mo keme." sabi ko at patagong napairap. Kumukulo ulit yung dugo ko tanginuh -_-

Narinig ko ang pagtawa niya. Shocks! Ang cute niyang tumawa! Gosh. Yung eyesmile niya.

"Alam na ni Yerim yung ibig kong sabihin, wag mo na yung isipin." nakangiti niyang sabi at inabot yung kamay ko. Mahabagin!

"Ang hindi ko lang maintindihan, bakit parang nagseselos ang babe ko?" sabi niya pa.

KYAAAAA! Wag naman sa ganitong paraan niyo ko patayin! May mga pangarap pa ko. Gusto ko pang makasama ang maharot na osong to. WAAAAAAA!

"An-anong nagseselos.. mukha mo.." mahina kong sabi at tumingin tingin sa ibang direksyon. Gosh. Bakit parang uminit yung paligid?

"Look at your face babe. Hahaha!" natatawa niyang sabi at pinipilit na tingnan yung mukha ko. Tanginuh mo Kang!

"Di kayo titigil na dalawa ha? Nung iwan ko kayo dito, landian. Nang bumalik naman ako, landian na naman? Ano to ha?" bagot na sabi ni Wendy habang nakatingin samin. Ito na naman tong bitter na to. Palibhasa baog eh -_-

"Are you jealous Wendy-ssi?" tanong nitong si Seulgi sa kanya. Hmmp! Ang landi niya! Nakahawak siya sa waist ko bwiset!

"Nakamove on na ko sayo Kang. May nagpapatibok na ng puso ko.." nakangiting sabi ni Wendy at kita ang pagkislap ng mga mata niya. Nakamove on my ass. NAGING KAYO BA HA?! GIGIL MO KO TEH.

"Hoy bes sino yan ha? Bat di ko alam?" tanong ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Nakita ko naman ang mabilis niyang pag irap.

"Eh kung medyo bawasan niyo yung pagiging PDA niyo ng osong yan para naman makapagchikahan tayo. Dikit na dikit ka kasi sa kanya palagi eh." sabi niya naman kaya natahimik ako. Tama nga naman siya.

Ehh bakit ba. Mas gusto kong kasama tong osong to eh :(

"Hindi kami PDA, ginagawa ko lang yung trabaho ko bilang slave niya." sagot ko lang. Naramdaman kong napabitaw si Seulgi sa waist ko.

"Yah Bae Joohyun. You're not my slave anymore, you're my fvcking girlfriend. Simula ngayon ayoko nang naririnig sayo yung mga bagay na yan. You're mine Joohyun, only mine." sabi lang ni Seulgi at mabilis na umalis sa harap ko.

Heol..

Seulgi's POV

Tch. That woman. Ayaw niya bang tinatrato ko siyang ganito? I'm trying to change my attitude pero parang ayaw niya. Ang gulo. Para nga talagang baliw.

Umalis muna ako dun hindi dahil nagalit ako ki Irene. Nagtext kasi si Dad na pumunta muna ako ng office niya, sa Office ng President ng univernsity. Ewan ko anong pumasok sa isip niya. Nacucurious na din kasi ako.

Aayaw pa sana ako pero may bigla akong naisip. Alam kong iniisip ni Irene ngayon na nagalit ako sa ginawa niya. And with that, may naisip akong magandang gawin mamaya sa kanya. Haha. Secret muna yun ngayon. Sisiguraduhin kong magiging masaya siya. Syempre mahal ko yun.

Hindi ko namalayan, nandito na pala ako sa tapat ng office ni Dad. Binuksan ko nadin yung pinto at pumasok dun.

"You're here?" nakangiting sabi ni Dad habang inaayos yung mga papeles na hawak niya. Lumapit na din ako dun sa isang upuan na tapat niya.

"Ne. Just go straight to the point Dad. I have some things to do." bagot kong sabi at tumingin sa kanya. I suddenly miss her. Damn.

"Like what? Flirting with your slave?" natatawa niyang sabi dahilan para bigyan ko siya ng isang matalim na tingin. Wth.

"Tch. Stop it. Masama bang tabihan at magustuhan siya?" naiinis kong sabi. Tumawa lang siya at umiling.

"Mian Seul-ah. Masaya lang ako dahil unti unti ka nang bumabalik sa dati. Thanks to her." nakangiti niyang sabi.

Hindi ko nga rin alam kung kelan at bakit ko to naramdaman bigla at dun pa sa taong hindi ko inaasahang darating sa buhay ko.

"Okay didiretsuhin na kita dahil nga may mga gagawin ka pang iba." panimula niya at inabot sakin yung isang folder. "You know this guy right?" tanong pa niya nang buksan iyon.

Naiyukom ko yung kamao ko nang makita ang litrato ng isang tao dun. Damn him. Gusto kong punitin to ngayon kung alam niyo lang.

"What's with him? Patay na ba siya?" walang emosyon kong sabi at  nakita ko ang pabuntong hininga niya.

"Seul alam mong boto ako sa inyong dalawa ni Irene. Wala akong balak na paghiwalayin pa kayong dalawa dahil nakikita kong sa kanya ka na magiging masaya. You know already that I can't say no to Mr. Park, right?" sabi niya kaya napaigting ang bagang ko.

"Dad! Pano mo nasasabi ang mga bagay na yan ah?! Alam mo naman siguro kung anong ginawa nila sakin ni Krystal diba?!" sigaw ko na halos mapatayo pa ako. Pano niya nakakayanang makipag usap sa mga taong yun? Tch. I can't even mention their name. Kahit pa yung surname nila. I hate them, jinja.

"Hindi ko to ginusto Seul. Mr. Bae is suggesting to have a meeting together with Mr. Park. Alam kong nasabi na ni Irene sayo na magkakilala silang dalawa ni Bogum. Wala tayong magagawa kung gusto nilang makipagkasundo." sabi niya naman kaya agad akong napasinghap.

Damn that Bogum. Makita ko lang talaga yung pagmumukha niya, diretso burol na agad ang bagsak niyan.

"Ano namang sinabi mo?" pagalit ko pading sabi. Ayokong napapalapit ang pangalan ni Irene sa lalaking yun.

"Pumayag ako sa gusto nilang mangyare. I'm very sorry Seul. Wala na talaga akong masabing iba pa. Nakakahiya ki Mr. Bae kung pag iisipan ko ng masama at umayaw ako sa pagkikita nila. But don't wory, hindi ako papayag na may mangyare pa bukod sa pag uusap nilang dalawa tungkol sa mga business." sabi niya at ngumiti.

Wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Malulungkot at kakabahan na ba ako?

Hindi rin kasi impossible na mangyare yung nasa isip ko. Damn it.

Bakit ko naman iisipin ang mga bagay na to? Tch. I'm just hurting myself.

Hindi ko muna to iisipin pa. Ang mahalaga kasama ko ang taong nagpapasaya sakin at sapat na yun para maging masaya ako.

---

Hi mga beh 😋




I'm Her Slave || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon