Chapter Fourty Five ♧

2.4K 62 17
                                    

  Irene's POV

"Eat Wife. Kanina ka pa tulala." sabi ni Seulgi nang mapansing nakatingin lang ako sa nakahandang breakfast na nasa harap ko. Napalunok ako.

Kanina pa ko di mapakali magmula nang magising kami. Naalala ko yung...KYAAAAA! Nevermind!

Hindi na ko nagsalita at nagsimula nang kumain. Napangiti ako nang malasahan yung niluto niya. Wow. Hindi ko naisip na ganto siya kasarap magluto. Dati halos puro sunog na yung nalalasahan ko everytime na paglulutuan niya ko. Ang cute lang.

"Did my princess like it?" tanong niya kaya nasamid ako.

Did my princess like it?

"Fvck Wife.. careful." mabilis niyang sabi at tumayo pa. Inabutan niya din ako ng tubig at sinimulang hagudin yung likod ko.

Ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko kaya napaurong ako ng unti. Ano ba Irene?! Nababaliw na ko! Bakit nagfaflashback yung mga nangyayare kagabeeeee!

"A-ayos lang ako h-hubbybear.." sabi ko lang at ngumiti. Ininom ko na din yung tubig na inabot niya. Wooh. Utak mo Irene umagang umaga.

"You sure?" pagsisigurado niya. Tumango lang ako sa kanya. "It seems like something's bothering you." dagdag pa nito habang paupo pabalik sa upuan niya.

"O-okay lang talaga ko.." sabi ko at napayuko. Tuwing naalala ko yung nangyare kagabe.. kinililig ako na ewan! Basta! I can't believe na magagawa.. okay enough! Nahihiya na ko!

Tinignan ko siya saglit at nakita ko namang nakatingin lang siya sakin. Yung mga tingin na yan, alam kong gusto niyang sabihin ko kung anong bumabagabag sakin. Ehhh nahihiya ako! Baka isipin niya ang manyak ko! Omygosh.

"Hubbybear ano kasi.." bago pa man ako matapos ay nakita ko ang pagngiti niya.

"Iniisip mo ba yung nangyare kagabi?" nakangiti niyang tanong kaya nanlaki yung mata ko pareho. Omo omo omo omo! Nakakahiya!

Nakagat ko ang labi ko at napayuko. Marahan din akong napatango. Nakarinig ako ng tawa galing sa kanya.

Maya maya'y ramdam ko ang pagyakap niya sakin kaya naiangat ko ang ulo ko.

"Ang cute cute ng asawa ko." masaya niyang sabi at hinalikan ang noo ko. Napangiti ako.

Isang Kang Seulgi being sweet umagang umaga? Well. For me, thats my definition of LIFE. Siya ang buhay ko. Siya at wala nang iba. Wala na kong mahihiling pa na magmahal sakin kundi siya lang. At alam kong ganun din ako sa kanya. I really love her.

Humiwalay siya sakin at kinuha ang isang upuan at naupo rito. Hinawakan niya din ang kamay ko at mabilis itong hinalikan. Napangiti ako. Pota kinikilig ako!

"Wag kang mag alala Irene, di ko yun ginawa dahil gusto ko lang. Gusto kong ipakita kung gano kita kamahal at handa akong gawin ang lahat mapasaya lang kita. Malaki ang naging bahagi mo sa buhay ko dahil binago mo ito ng sobra. Thank you for not giving up on me. Sorry kung nasaktan kita sa mga nagawa ko. Pinapangako ko, di ko na yun uulitin. Hinding hindi na sasaktan ni hubbybear ang wife niya." nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

Ramdam ko ang pagtutubig ng mata ko kaya agad ko itong pinunasan. Kase naman eh! Kung sweet siya dati, lalo ata nadagdagan ngayon. Pati asin ika nga nila, lalanggamin (cr. Four Badboys And Me 😆 uwu)

"Hubbybear..." sabi ko at agad siyang niyakap. Wala kayong pake. Mahal na mahal ko ang osong to. Di ko ata kayang mabuhay ng wala siya sa tabi ko.

"Ssshhh. Stop crying. You're being emotional again. Baka isipin ko buntis ka na niyan." sabi niya kaya napahiwalay ako at sinamaan siya ng tingin.

Kahit kelan talaga. Di ba pwedeng matouch sa mga sinabi niya?

I'm Her Slave || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon