Chapter Twenty Eight ♡

2.1K 74 78
                                    

Seulgi's POV

"What are you doing here Seul-ah?" tanong ni Dad ng makapasok kami ni Irene sa office ni Tito Sihyun. Tch. Mukhang di pa ako welcome.

"Hinahatid ko lang si Irene. Bawal na ba Dad?" seryoso kong tanong. Ramdam ko ang paghigpit ng paghawak ni Irene sa kamay ko. Tch. Hangga't nandito ang Bogum na to, hinding hindi ako mananahimik.

"Aish. I'm just asking Seul-ah. Maupo na nga kayong tatlo." sabi ni Dad at tinuro yung mga upuan.

Agad kong hinila si Irene sa tabi. Nakita ko kasing mukhang aayain pa siya ni Bogum na maupo sa tabi niya.

"I'm sorry babe kung nasaktan ka nang hilain kita. I'm very sorry." sabi ko sa kanya.

"Tigilan mo pagpapakilig sakin tatadyakan kita." bulong niya kaya di ko napigilang mapatawa. Fvck. I miss her voice.

"Oh. Hindi pa kita nakitang tumawa ng ganyan Seul. May namumuo na ba sa inyo ni Irene-ssi?" nang aasar na tanong ni Tito Sihyun, siya yung principal dito. Tch. Batuhin kita ng vase na tabi ko eh.

"Meron." sagot ko sa kanya. Nakita kong napatango lang siya.

"Ano yang dala mo Bogum-ssi?" tanong ng Dad ni Irene kay Bogum.

"Tinulungan ko lang po si Joohyunie na dalhin to sa office ni Tito Sihyun. Nautusan daw po kasi siya." nakangiting sagot ni Bogum.

"Yes Dad. Actually yan lang naman. Aalis na din sana ako." sabi naman ni Irene at tumingin sakin. "Di ka naman siguro pinatatawag dito noh?" tanong niya.

"Hindi din." sagot ko naman.

Actually napadaan lang ako dun dahil matutulog ako sa library since katabi lang yun ng principal's office. Eh nakita ko si Irene kasama ang Bogum na to, lumapit na ko. Ayoko ngang nadidikit siya sa lalaking yun.

"Good." nakangiti niyang sabi at humarap kila Dad. "Mauna na po kami Dad, Mr. Kang, Mr. Sihyun. Baka po may klase na kami."

"Mabuti pa nga Hyun." nakangiting sabi ni Mr. Bae sa kanya. "Mr. Park, Mr. Kang, sa meeting na natin ituloy yung pag uusap natin." dagdag pa nito.

Mas mabuti na ngang umalis na kami. Baka kasi sumabog lang ang utak namin kaiintindi ng mga pag uusapan nilang tungkol sa business.

"Kaja babybear." sabi ni Irene sakin at hinila ako palabas ng office.

"Is it true? Sabay kayo ni Bogum na pumunta dito?" tanong ko nang makalabas kami.

"Di ah. Nagkataon lang nung papasok na ko, dito din yung punta niya." sagot niya at mabilis akong niyakap.

"I miss you babybear. Sorry kung di kita natawag na babe kanina. Sorry kung di agad kita nasundan nung nagtampo ka." sabi niya at humiwalay din sakin. "Can you forgive me?" nakapout niya pang sabi. Fvck. Kahit na hindi mo gawin yan, napatawad na kita. Damn it.

"Kaja." maikli kong sabi at inunahan siyang maglakad. Syempre, mabagal ang paglalakad ko. Gusto ko sure win ang patutunguhan ng naisip ko.

"Yah! Galit ka parin ba?" rinig kong tanong niya. Naramdaman ko ang pagkapit niya sa braso ko.

"Sinong nag utos sayo na magdala nun?" tanong ko sa kanya. Wooh. Muntik na kong bumigay dun ah. Fvck.

"Sagutin mo ko ng sagot. Wag yung tanong." nakabusangot niyang sabi.

Hindi ko sinagot bagkus at nagpatuloy ako sa paglalakad.

"KANG SEULGI ARE YOU MAD?!" sigaw niya sakin. Pfft.

"Ani." maikli kong sagot nang makaharap sa kanya. Nakita ko ang magyukom ng kamao niya. Hohoho. Gumagana yung plano.

"BAKIT DI MO KO PINAPANSIN?!" sigaw niya ulit. Ngumiti lang ako sa kanya.

I'm Her Slave || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon