Chapter Thirty Nine ♧

1.7K 62 25
                                    

Irene's POV

"Wendy itigil mo nga yang paglalaro ng ROS. Samahan mo ko sa mall." sabi ko at napatingin sa kanya.

Pero mukhang imposibleng marinig niya ang sinabi ko dahil tutok si gaga sa cellphone niya habang suot ang magkabila niyang earphone. Napabuga ako ng hangin sa ere.

Lumapit ako at tinanggal yung earphones sa tenga niya. At ang inaakala kong matitinag na, ay mukhang nagkamali ako. Wow. Sayang yung lakas ko para gawin yun ah. Tutok padin si gaga. Iba talaga tong bestfriend ko.

"Woy teh. Naririnig mo pa ba ko?" tawag ko sa kanya at winagayway ang kamay ko.

"Ay tanga! Sabi ko dun sa kabila mag abang eh. Aish." reklamo niya at kunot noong napatingin sakin. "Ginagawa mo? Mukha kang tanga bes." sabi niya at napatawa. Kita mo tong taong to.

"Sinong mas mukhang tanga sating dalawa kanina?" sabi ko naman. Napakunot ulit noo niya.

"Aba malay ko pero paniguradong ikaw." sagot niya kaya lalo akong napabusangot. Ewan ko ba. Ang mabuti pa, itigil ko na tong pakikipagtalo sa kanya. Lalo lang sumasakit ulo ko.

"Ewan ko sayo. Samahan mo nalang ako sa mall." aya ko sa kanya. Napatango siya.

"Gagawin natin dun?" tanong pa nito kaya di ko napigilang mapairap. Bwiset. Ano bang ginagawa sa mall?

"Malamang mamimili." sagot ko naman. Epekto ba to ng ROS sa kanya? Ako yung natatakot para sa kanya eh.

"Ah ganun ba? Kala ko panonoorin mo kung gaano kasweet sina Krystal at hubbybear mo eh."

Pagkasabi niya nun ay bigla akong may naalala na sa tingin ko ay ikaiiyak ko, na naman.

*A WHILE AGO*

"Why don't we go to the mall after class?" rinig kong sabi ni Krystal sa likod namin. Wait what?!

Pagbalik kasi namin sa room, sabay na nagtabi sina Seul at Krystal sa likod namin, which is upuan ni Krystal. Naupo lang si Seulgi sa tabi niya. Dun na din nagsimula ang bulungan ng mga kaklase namin.

Hindi ko yun pinansin at nakinig nalang sa dalawa.

"Tch. Kung mamimili ka lang dun, wag mo na kong isama." sagot ni Seulgi sa kanya kaya hindi ko napigilang mapangiti. I remember something. Nung ako kasi nag aya sa kanya na magmall kami, ganyan din ang sinagot niya. Ang bilis niya kasing mapagod kaya umaayaw siya. How cute.

"Kapag talaga nagmall, mamimili na agad? Di ba pwedeng kakain?" ramdam ko sa pagkakasabi ni Krystal nun na naiinis siya. Psh. Intindihin naman niya yung tao.

"Fine. After class." sagot ni Seulgi sa kanya at naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko.

Shet lang. Sabi niya sakin noon, hinding hindi niya sasamahan ang ibang babae except samin ni Wendy tuwing magmamall sila. Childish ba masyado? No. Ganun lang niya ako kamahal at ganun lang talaga niya ipakita kung gaano niya ko kamahal. Pero ngayon... bakit parang di ko... ugh. Ano ba Irene. May karamdaman yung tao. Pero ang sakit lang kasi.

"Papayag din naman pala. Sige na. Umalis ka na dito." sabi pa ni Krystal at narinig ko ang pagtawa niya.

"Wala naman talaga akong balak tabihan ka magdamag. Ang baho mo nga eh. Tch." sagot ni Seulgi at nakita ko ang pagbalik niya sa upuan niya.


"Irene yohooo~"

Napabalik ang huwisyo dahil sa sigaw na yun. Nakita ko si Wendy na nakatingin sakin. Teka, nakapagpalit na agad siya?

"Nagpalit ka?" tanong ko. Tumango siya.

"Pero hindi ibig sabihin nagpalit ako ay iiwan na agad kita. No bes. Mahal kita kaya di kita iiwan. Tara na?" makahulugan niyang sabi at ngumiti sakin.

Napangiti na lang din ako. Oo nga naman. At sana, ganun din ang gawin mo hubbybear. I trust you dahil dito lang ako. Hinding hindi kita iiwan. Kahit pa nagbago ka na at di na ko kilala.

***

"Strawberry nalang kasi."

"Wag panget lasa. Chocolate tayo."

"Psh. Chocolate ipapares sa red velvet cake? Wag ganun bes."

"No. Ang panget naman kung lahat pula. Mag isip ka nga."

At patuloy kami sa pag aaway na dalawa. Eh kasi naman. Ayoko kaya nung paulit ulit yung kulay. Nakakaumay. Maganda na yung naiiba naman kahit papaano.

"Wait bes ah. Isipin mo. Kung magchochocolate macaroon tayo, sa tingin mo ba aayon yung lasa at kulay dun sa red velvet cake na bibilhin natin?" sabi niya pa. Ay wow. Ready siya sa round two ng laban namin.

At dahil ako ang dakilang si Irene, di ako magpapatalo. Kelan pa ako natalo.

Ah kay Krystal dahil nilalandi siya ng hubbybear mo?

Correction Authornim. Siya ang nilalandi. Kilala ko siya. Di niya hahayaang may landiin siya bukod sakin.

Kilala ka ba? At correction din. Kilala ka, dati.

Oh eh di wow? Talon una ulo.

du ddu du ddu

And speaking of my hubbybear. I just saw her, I mean, them. Sino kasama? Sino ba ang umaya sa kanya dito? Tsaka bakit ngayon ka lang kumikilos tadhana? Hindi nung mga panahong nandito ako at wala siya sa tabi ko? Ang unfair.

"May gusto na namang masaktan dito oh." rinig kong pagpaparinig ni Wendy. Yun ang tawag dun. Halata naman kasi.

"Kahit anong gawin ko, masasaktan at masasaktan padin ako Wendy." sagot ko naman at bumuntong hininga.

Nanahimik siya saglit at tumingin lang sakin. Pero maya maya'y nginitian niya lang ako. Ngiting nagsasabing, kaya mo yan.

"Pwede namang mabawasan yan eh. By avoiding them, her. "sabi niya at magsasalita sana ako nang pigilan niya ito. "And pano? Well syempre una kelangan nating makapagdesisyon kung ano talagang gagamitin natin. Chocolate ba or strawberry para nadin makaalis na tayo dito." sabi niya pa. Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi niya. Kahit kelan talaga tong kaibigan ko.

I'm Her Slave || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon