Chapter Nineteen ♡

2.1K 74 18
                                    

Irene's POV

Tuesday...

"Taena naman oso! Akala ko ba di mo na siya slave?!" naiinis na sigaw ni Wendy sa sinabi ni Seul. Sakit nila sa ulo. Actually kanina pa sila nagsisigawan na dalawa.

"Hindi nga pero gusto ko siyang makasama. Hindi ako papayag sa lumabas kayo." sagot naman ni Seulgi. Ito na naman siya.

Inaaya kasi ako ni Wendy na magmall kaming dalawa since wala din naman kasi kaming pasok. Nasabi samin yun kahapon bago kami umuwi na wala nang pasok dahil nga may meeting ang mga directors at admins ng university. Di pa sure kung anong event yung meron dahil hindi pa sinasabi samin.

Yun hindi pumapayag tong osong to dahil nga maharot siya at ayaw niyang umaalis ako sa tabi niya. Duh. Pwede naman kasi siyang sumama -_-

"Humaharot ka na namang oso ka." nakabusangot na sabi sa kanya ni Wendy at tumingin sakin. "Pano yan bes? Ang epal kasi ng osong to eh." sabi niya pa.

"Tanga eh di isama natin siya." sagot ko naman. Narinig ko ang pagtawa niya. The hell?!

"Sigurado ka ha? Baka may mag alburoto niyan mamaya sa mall." nang aasar niyang sabi. Napairap ako sa sinabi niya. May point siya -_-

Kung pasasamahin namin tong baliw na to, siguradong bawat shops na papasukan namin ay pagtitinginan siya. Duh. Siya kaya ang anak ng may pinakamalaking shares sa Central Mall. Syempre lahat ng nagtatrabaho dun ay makikilala siya. Ugh. Ang hirap naman.

Gusto ko din siyang isama dahil agad ko siyang mamimiss kapag naiwan namin siya dito. Puta ano ba talaga?! Kairita.

"Seul wag ka nalang sumama." WOOH! Ang hirap sabihin niyan! Pero mas okay na yan para makasigurado akong safe siya at wala nang lalandi pa sa kanya. Akin kasi siya kaya ganun.

"Okay babe." nakangiti niyang sabi. TANGINUH! Ang swerte ng mga tenga ko! Kyaaaaaa! Kinikilig ako eotteoke?!

"Taena nung si Irene yung nagsabi sumunod agad ah." bagot na sabi ni Wendy. Oo nga noh? Hahahaha! Poor bes.

"Eish. Wag ka na nga lang magreklamo diyan. Bantayan mo nalang ng mabuti yang si Irene." sabi lang ni Seul at humarap sakin.

"Take care babe, oh? Papakasalan pa kita." nakangiti niyang sabi habang inaayos yung buhok ko. KYAAAAAA!

Pakakasalan pa kita..

Pakakasalan pa kita..

Pakakasalan pa kita..

Pakakasalan pa kita..

PAKSHIT KANG SEULGI! KYAAAAAA! KINIKILIG AKO!

"M-magtigil ka.." nahihiya kong sabi. SHOCKS! KUNG ALAM NIYO LANG KUNG GAANO KO KAGUSTONG MAGTATATALON NGAYON. KUNG ALAM NIYO LANG!

"Hahaha! You're so cute babe. You need to stop blushing baka maapektuhan yung mukha mo." sabi niya pa kaya agad akong napasinghap. LANDI PA KANG SEULGI. LANDI PA.

"NAKANANG KANG SEULGI! ANONG KAHAYUPAN YANG PINAGSASASABI MO?!" sigaw ni Wendy samin. Ingay neto huta -_-

"Tch.Wendy ang ingay mo. Masira tenga ng babe ko. Baka di na siya makarinig niyan kapag sinabi kong pakakasalan ko na siya." sabi lang ni Seul.

Tama na please T_T Hindi ko na kaya to! Lalabas na yung puso ko oh!

"I'm done with you guys." sabi lang ni Wendy at napasuklay sa buhok niya. "Text niyo nalang ako kapag natapos na kayo sa landian niyo. Labas na ko bes." sabi niya pa at naunang lumabas ng mansion. Bitter alert. Akala ko ba may nagpapatibok na ng puso niya? Kalokohan.

"Bakit ganun yung bestfriend mo?" takang tanong ni Seulgi. Ay tanga.

"Di lang yun sanay na may naglalandian este naguusap sa harap niya ng ganun." sagot ko at napalunok. Taena nitong bungangang to. Halatang gustong gusto yung pinaggagagawa ng osong to eh.

Nginitian niya lang ako at hinarap sa kanya.

"Can I hug you?" nakangiti niyang tanong. Hindi ko naiwasang mapangiti.

Ibang iba na talaga siya sa nakilala kong Seulgi. Ang laki na ng pinagbago niya. Yung seryoso at walang modong Seulgi noon, unti unti ng nagbabago. Ang lumanay na niya magsalita. Pero syempre, kapag harap niya lang ako. Medyo nagiging bastos parin siya sa harap ng ibang tao eh.

Tumango nalang ako kaya agad niya akong niyakap. Sino ba naman ako para tumanggi? Walang dapat tanggihan sa mga grasyang dumarating sa atin. Minsan lang to kaya wag na nating palampasin pa. Sayang yung opportunidad.

Maya maya'y humiwalay na siya sakin at tumingin sa mga mata ko.

"Can I kiss you?"

TAENA WALANG GULATAN PLEASE! KYAAAAAA!

"Don't worry sa cheeks lang." nakangiti niyang sabi. Wooh. Kala ko nam--

"Mamaya na yung sa lips." dugtong niya kaya nanlaki yung mata ko. HUTA! Ang harot niya talaga!

"Y-yah Kan--"

Hindi ko naituloy yung sinasabi ko dahil naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. TAENA! Ano bang meron ang sobrang sweet niya ngayon?! Omygod! Kinakabahan ako kapag nagiging ganto siya eh.

Yung paniniwalang, pagtapos ng kasiyahan, kasunod nung ang labis na kalungkutan. Nakakatakot. Ano naman yung kalungkutan na yun?

Ilang minuto din ang tinagal nun saka niya hiniwalay ang labi niya. Shemay kala ko ba sa cheeks lang?! Omygosh!

"Kiss mo ko." nakangiti niyang sabi. Hindi pa pala natapos yung kaharutan niya -_-

"S-san naman?" nauutal kong sabi. Kinakabahan at the same time, kinikilig ako. Lapitin ako ng grasya ngayon ah.

"Here." sagot niya at tinuro yung cheeks niya. Buti nalang dun lang. Hihimatayin ata ako kapag sa mapula at malalambot niyang labi.

Lumapit ako at tumingkayad ng unti saka mabilis na hinalikan yung pisngi niya. Ang bango niya sheyt..

"Sige na puntahan mo na si Wendy. Mag iingat ka ha." sabi niya pa. Tumango lang ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

"Saranghaeyo Irene-ssi!" rinig kong sabi niya habang naglalakad ako. Napangiti lang ako.

Ramdam kong seryoso siya sa mga sinabi niya ngayon. Yung sincerity habang sinasabi niya ang mga bagay na nagpapakilig sakin, kita sa mga mata niya. Even the kiss.

At masaya akong pareho pala kami ng nararamdaman. Akala ko slave-master relationship lang yung mangyayare samin pero hindi. Hindi ko inakalang magugustuhan din pala ako ng isang taong kagaya niya.

Kaya naman hindi ko dapat sayangin yung tiwalang binibigay niya sakin. Tama na yung nasaktan siya noon. Hindi na dapat mangyare sa kanya yun dahil hindi naman niya yun deserve. Mas deserve niyang mahalin at maging masaya.

---

BADBOY IS NEAR 😍 ACTUALLY MAMAYA NA.

Btw HAPPY 800+ reads! Salamat sa walang sawang pagbabasa. Magsawa sana kayooo! Char! 😂 Supporn--support lang ng support. Senkyu guysue 💞 Mahal kayo ng mga magulang niyo 😋

I'm Her Slave || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon