Chapter Thirty Four ♡

1.5K 67 32
                                    

Irene's POV

"What? Hindi naman magiging tayo, sabi nga ni Dad ikaw ang babe at wife ko kuno, kung di mo ko mahal diba? Don't worry wala namang saysay yun. Di nga kita kilala eh. Right?" sabi niya at ngumisi nalang.

Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko kaya nakita ko na naman ang pagkakunot ng noo niya.

"Damn baliw ka ba? Bakit ba iyak ka ng iyak?" masungit niyang sabi at umiling iling.

Kung malaman mo lang sigurong umiiyak ako ng dahil sayo, magagalit ka ba sa sarili mo? Sa tingin ko hindi. Hindi mo nga ako kilala diba?

"Wait lang ah." paalam ko sa kanya at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto niya.

Hindi ko na kaya. Bakit hindi man lang niya ako pinatahan habang umiiyak ako? Bakit wala akong nakitang ni isang emosyon habang nakatingin siya sakin? Nalimutan na ba talaga ako ng hubbybear ko?

"Oh bes?"

Naiangat ko ang tingin ko sa taong tumawag sakin nun at nakita ko si Wendy. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya at tumabi sakin.

"Hay nako. Umiiyak ka naman. Kahit gising na ang hubbybear mo, iyak ka parin ng iyak." sabi niya lang at inabutan ako ng panyo.

"Akala k-ko kasi.. magiging okay na ang lahat once n-na magising siya.." nalulungkot kong sabi habang pinupunasan yung luha ko.

"Akala din naman namin. Pero gaya nga ng sabi mo, walang impossible sa taong mahal mo at mahal ka." sabi niya lang at ngumiti sakin. "Kaya mo yan. Andito lang kami para sayo." dagdag niya pa. Napangiti lang ako.

"Salamat Wendy ah? Hindi mo padin ako iniwan hanggang dito. Maraming salamat." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Naman bes. Sabi nga natin dati, walang iwanan. Tsaka kung pwede, sana mapabilis mo yung pagpapagaling dun sa hubbybear mo ah. Nakakairita na naman kasi siya ulit." sabi niya at nagcrossed arms. Hindi ko tuloy napigilang mapatawa.

"Kahit kelan ka talaga." naiiling kong sabi sa kanya.

Habang hinihintay namin sila Mom at nag usap lang kami ng mga bagay na nangyare samin. Pati din pala yung mga activities namin na namiss ko nitong week. Hindi kasi ako pumasok this week.

Maya maya ay nakita namin ang palabas nila Mom sa office ng doctor. Hindi ko alam pero nagsimula na naman akong kabahan.

"Ano pong sabi ng doctor Tito?" tanong ko nang makalapit sila samin.

"I'm sorry Irene. Sabi ng doctor, she's suffering a retrograde amnesia. Ibig sabihin, lubha niyang nalimutan yung mga pangyayare before the accident at yung mga kasama niya nung araw bago maganap yung pangyayare, yun yung mga nawala sa isip niya. At isa ka na dun." malungkot na sabi ni Tito kaya nagsimula na naman yung pagtulo ng mga luha ko.

"No... h-hindi ako naniniwala..." maluha luha kong sabi at tumingin kay Mom. Umiiyak na din siya ngayon.

"Mom? Mali yung sinasabi ni Tito diba? Naaalala ako ng hubbybear ko.. kilala niya pa ko! Kilala niya ko!" sigaw ko habang umiiyak.

Hindi niya ko malilimutan. Nangako siya sakin. Ako lang ang magiging wife niya! Ako lang ang tatawag sa kanya ng Master at ako lang ang slave niya! Hindi niya dapat kinalilimutan yun!

"Hyun stop crying.." pagpapatahan ni Mom at niyakap ako ng mahigpit.

"No Mom... kilala niya ko.." naiiyak kong sabi at umiling iling.

Hubbybear.... bakit ako pa?

Wendy's POV

Nalulungkot ako habang pinanonood si Irene bes na iyak ng iyak ngayon. Grabe. Sa dinami rami ng pwede niyang malimutan, ang babaeng pinakamamahal niya at mahal na mahal pa siya. Napakalungkot ng mga nangyare.

Ah btw, hello sa inyo. Tagal na nung huli akong magkaPOV.

Ay teka nga, bakit nasingit yan? Psh. Ang punto dito, sobrang nasasaktan ang bestfriend ko. Ikaw ba naman malimutan ng taong pinakamamahal mo? Anong mararamdaman niyo ha?

"Bes stop crying na. Naiiyak din ako eh." pagpapatahan ko din sa kanya at niyakap din siya.

Kung mukha siyang stress kanina palang, ngayon makikita mong tuluyan na siyang stress na stress. Ano pa kaya sa mga susunod na araw? Hays. I hate you Kang Seulgi :(

"Bes si hubbybear... kinalimutan na niya ko." maluha luha niyang sabi habang nakatingin sakin. Nakakaawa talaga tong bestfriend ko.

"P-pwede naman natin siyang tulungan ah! Wag ka ngang maging ganyan. Tulungan mo din sarili mo. Tara puntahan natin siya." sabi ko naman.

"Dad?" rinig naming sabi ni Seul kaya napatingin kami sa kanya. She's wearing parin her hospital dress.

"Yah! Bakit ka lumabas?! Aish. Are you crazy?" saway sa kanya ng Dad niya at lumapit rito.

"Nabored ako eh. Ang tagal nila Park. Yung babaeng iyak ng iyak kanina, di na bumalik. Did you see her?" seryosong sabi ni Seulgi at napatingin samin. "Oh andito pala siya at mukhang umiiyak na naman." sabi niya lang nang mapansin si Irene.

Kung malaman mo lang sigurong ang taong yan ay isa sa mga taong napakaimportante para sayo, ano kayang masasabi mo noh?

"Bumalik ka na ng kwarto mo. Let's go." sabi lang ni Tito at inaya ang anak.

"Wait." sabi lang ni Seulgi at lumapit sa humihikbing si Irene. Nagulat ako ng abutan niya ito ng panyo kaya agad na naiangat ni Irene yung ulo niya.

"A-ano yan hubbybear?" Taena paos na paos na yung boses ni Irene habang sinasabi yan.

"Tch. I said stop calling me hubbybear. So childish. Here." masungit niyang sabi at nilagay sa kamay ni Irene yung panyo.

"Childish eh gustong gusto mo ngang tinatawag kang ganyan..." bulong ko. Eh sa totoo naman -_-

"Next time wag kang iiyak sa harap ko." sabi lang ni Seulgi at tuluyan nang umalis.

Anong ibig sabihin ng baliw na osong yun ha?! Omygod.

"So what's your plan bes? Mukhang kelangan mo nang magkikikilos." sabi ko sa kanya.

Nakita ko pagbuntong hininga niya. Grabe. Sa buntong hininga na yun, dama ko yung kalungkutan at mga dinadala niya. Sana maging maayos din ang lahat.

"Siguro sa ngayon, hindi ko muna siya masyadong guguluhin. Baka lalong lumala yung sakit niya. Paunti unti nadin siguro. Kahit matatagalan, kakayanin ko. Hihintayin ko siya." sabi niya lang at sa wakas, sumilay ang mga ngiti niya sa labi.

Siguro ginanahan to sa nangyare kanina lang. Yung kinausap siya ng hubbybear niya. Mahal na mahal talaga ni bes si Kang Seul. Sana malagapasan nila lahat ng mga to. Naniniwala ako kay Kang Seul. Syempre, minsan ko na din siyang naging crush noh. Nagparaya lang ako.

---

Dalawa yan mga momsh. Tas yung next update, sa May 3 na. Oha oha. May load ako ngayon. Thanks to my Dad 😃 See yah~

ps. Yung retrograde amnesia na yan, naisearch ko lang yan 😂 Hilo pa ko kahahanap yung tawag sa amnesia ni hubbybear.

I'm Her Slave || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon