One and only you 18 (Brace's Special Chapter)

2.5K 72 18
                                    

Brace's POV 

"Oo na magkikwento na nga eh." Sabi ko, kanina pa kasi niya ako pinipilit eh. Sige na nga! 

Unlike other loveteams hindi kami sa park unang nagkita. Alam niyo kung saan? Syempre hindi pa, kaya nga ikikwento ko diba? 

Andito ako sa likod ng bahay namin, yeah siguro iniisip niyo na garden ito na may mga bulaklak at may mini fountain sa gitna? hindi, sementeryo siya. OO, as in! 

Ano ba naman kaya kasing naisip ni Dad at dito daw kami titira? FOR A YEAR? 

I can't take this. 

Nakakatakot? yeah sobra, siguro pag gabi. Pero mga 8:30 palang siguro ng umaga kaya medyo nabawasan yung pagkacreepy. 

Umupo muna ako sa ano ba toh? basta ba para siyang semento, tapos yung sa loob nun yung may patay. 

Ako lang mag isa dito, chaka di naman ako natatakot sa patay, patay nga sila diba? 

Hindi sila buhay. 

Hindi nila ko magagalaw. 

"Shshshshshshs" Biglang lumakas yung hangin, lord wag naman ho sana. 

Walang multo dito, 

Mga patay oo, 

Pero lahat sila rest in peace na, 

Hindi na sila mangagambala, 

I'm trying my best to convience myself, but I just can't. 

Parang may ibang tao talaga dito bukod sa akin, 

Parang nakatingin siya, 

Parang malapit lang siya, 

I close my eyes. 

"Woaaaaaaaah!" Bigla akong nalaglag at napahiga sa sahig, aray ang sakit ng likod ko. 

Jusko po! Sabi ko naman po na walang iba tao dito bukod sakin eh. 

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. 

Waaaaaaaaaaaah! Yung multo nga. O__________O 

Hindi ako makagalaw, ka-kasi na-nakapatong siya? 

Lord wag niyo naman ho ako kunin sa gantong paraan, kahit ipakain niyo nalang ho ako kay Joaquin 

Kinse palang ho ako ayaw ko pa mamatay huhuhuhu. 

Biglang ngumiti yung multo, Waaaaaaah! Yung multo ngumingiti >O< Ibang klase. 

"Lord jusko kunin niyo na po ako, Ang creepy po talaga ng multo na to." Sabi ko, biglang nawala yung ngiti sakanya. 

PAPATAYIN NIYA NA BA AKO? 

Bigla siyang .... 

Bigla siyang ... 

NAG POUT? 

Multo nag pa-pout? 

Bigla siyang tumayo at inayos yung white daster niya, ang galing naman ng multo na toh. 

"Buhat daw dida dudong, baga ka't lorong!" (Tumayo ka nga dyan lalake para kang baliw) T-teka? ano ba tong multo na to? Nag-ngbibisaya? di ko siya magets. 

One and only YOU - Nashlene Starring Gimme 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon