Sharlene's POV
Napapunas ako ng luha ko, nakakaiyak naman pala yung past ni papa B, kaya naman pala siya sobrang lalim, napatingin siya sakin at natawa lang siya ng konti.
"Yung gusto ko lang naman iparating sayo ay sabihin mo na sakanya, habang may chance kapa. kasi yung iba di na nabibigyan ng pagkakataon." Sabi niya tapos umalis at dumirecho na siya papunta sa table namin,
Dapat ko na bang sabihin?
Well siguro ito na ang tamang panahon,
***
"Walangya ka talaga arghhh!" Pano ba naman bigla akong ginulat ni Nash! Nakakairita, nag papractice pa man din ako para sa sasabihin ko sakanya, Langya buti nalang at hindi niya narinig.
"Alam mo Shar gustong gusto kitang ginugulat!" Napatingin lang ako sakanya, "para SHOCKin kalang!" sabi niya tapos bigla niya kong pinasandal sa pader at kinorner, well sa positon namin parang SHOCKanya nga lang ako.
yumuko ako, ayokong nakikitang nag bablush ako! piste bakit ba lagi nalang niya akong pinapakilig,
Inangat niya ang ulo ko at tumambad sakin ang gwapo niyang mukha,
Parang sasabog na yung puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito, ahh ayoko ng gantong feeling!!!!
"NASH GUSTO KITA!"
Ewan ko kung sa'an galing yon! Takte naman, nadala siguro ng dibdib ko! Nakakasar, hindi ito ang tamang place eh! Hays,
Tumingin lang siya saakin ng hindi maipaliwanag,
Unti unti siyang lumayo sakin,
"I'm sorry," He said,
That's the answer,
Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko,
"JOKE! Ikaw naman, hindi ka mabiro no!" Sabi ko sabay tawa pa,
At hindi na napigilan ng mga luha ko ang tumulo, "Ayan! naalala ko tuloy yung paborito kong palabas, naiiyak nanaman ako." Pagpapalusot ko, "Nga pala! May lakad pa ko, una na ko ha." Sabi ko at tuluyan ng tumalikod sakanya, sakto naman non ang paglabas pa ng balde baldeng luha ko,
Hinawakan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang mga hikbi ko,
bakit ba kasi ang assuming ko? Nakakainis nakakainis nakakainis,
"Shar!" Rinig kong tawag niya,
Pero imbis na hinarap ko ay tinaas ko lang ang mga kamay ko sign na ok ako,
Yung parang ginawa ni Nam nung umiiyak siya,
After ilang segundo ay tumakbo na ako,
***
"Nak nak, gising kana," Unti unti kong minulat ang mga mata ko, Nakita ko si mama na ginigising ako,
"Hindi ka nakapasok! Puyat kaba? Namamaga yung mata mo,"
"Ma ayoko pumasok masakit ulo ko!" Nakarinig agad ako ng isang 'brag' kapag sabi kong yun "SINONG MAY SAKIT? ASAN ASAN ASAN?" Napatingin ako kay kuya Quen, ays! mas sumasakit ang ulo ko neto eh,
Agad nalang akong tumayo at pumunta ng banyo! wala ako sa mood na kausapin ang kahit sino. Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na agad ako ng school, thanks god at hindi masyadong makulit sila mommy.
Naglalakad lang ako sa hallway. Bumontong hininga ako, Parang gusto kong umatras. Hindi pa siguro ako ready na makita siya. Pero gaya nga ng sabi ni papa B, 'Panindigan mo yung magiging kapalit ng pag amin mo' Hayy! bahala na nga si batman.
Pero hindi pa man ako nakakalayo, ay may nakita na akong nakapagsakit ng mga mata ko! grabe naman, Di pa nga nagiging ok yung mata ko sa pagmumugto parang gusto ko nanaman maiyak. Nash is with his Ex, ang masakit padon, HHWW sila.
Hindi ko talaga kaya yung mga nakikita ko kaya naglakad ako ng mabilis, pero bago pa man ako makalagpas sakanila ay may tumawag ng pangalan ko. "Shar!" Shar nalang? Anong nangyari sa beb?
Linaksan ko ang loob ko at humarap ng nakangiti sakanila. Tumingin ako kay be-- nash. Bakit ba hindi siya makatingin ng diretcho saakin? Napatingin ako sa mga kamay nilang magkahawak, Teka? Bakit ba ako nagseselos? Ano niya ba ako?
'Hanga't may nararamdaman, may karapatan mag selos. Kailangan mo nga lang sarilihin yung pagseselos mo' Parang narinig ko yung boses ni papa B sa utak ko, Ngumiti ako sa cheska bayun! Iadmit it, she's really prettier than me.
"N-naiwan mo p-pala k-kahapon." Nash said at sandali kaming napatingin sa isa't isa. Kinuha ko yung ID ko. And then, yeah! it's awkward. "Ehem, hi." Binasag ang katahimikan ng babaeng kahawak niya ng kamay, Napatingin ako sakanya tapos nakangiti siya saakin. Nginitian ko din siya! "Cheska si Shar pala, Kaibigan ko." Parang gusto kong lamunin ng lupa sa mga salitang binigkas niya, Kaibigan? Kaibigan. Pilit kong ngumiti at nag 'hi' nalang kay Cheska. Gusto ko ng umalis, feeling ko anytime tutulo na yung luha ko.
"Shar, She's my girlfriend."
____________________________________________
Yey! nakapagUD din! :) Finally yung isa kong story ay tapos na! Kaya asahan niyong active na ako dito! :) Yeheeey! Hahaha. Salamat sa mga nag tatyagang mag-antay! Iloveyouuuu.
BINABASA MO ANG
One and only YOU - Nashlene Starring Gimme 5
FanfictionAng susunod na pahina ay pawang kalokohan lamang ni Jam. Hahahahahaha! Must read.