♀ Part Nine

151 5 0
                                    

~ habang nag lalakad kami ni pitchy, nakikita kong hindi siya masyadong komportable, ewan ko kung bakit, siguro hindi siya sanay na lalaki ang kasama sa paglalakad.

a-a-a pitchy ! halika may nakita akong cotton candy sa banda roon. (charles)

huh..? anong gagawin natin doon ? (pitchy)

wag ka nang mag tanong. (charles)

~ hinila ko siya papunta sa nagbebenta ng cotton candy.

manong bigyan mo nga kami ng dalawa. (charles)

o ito ohh. (manong)

salamat. (charles)

~ ibinigay ko kay pitchy yung isa, mukhang natuwa naman siya at nasarapan.

sa totoo lang hindi naman ako mahilig sa mga ganitong bagay, yung mamasyal, lalo na nung namatay ang mga magulang ko. (charles)

wala ka nang magulang ? paano ? bakit ? (pitchy)

si papa namatay sa aksidente nung 5 years old palang ako, nag tatrabaho kasi siya sa construction site, aksidenteng nabagsakan siya ng mabigat na bagay, tapos simula nang mamatay si papa  nadepress si mama, hindi na siya kumakain, miski tumayo sa higaan, iyak lang siya ng iyak, hanggang sa nanghina siya, tapos namatay. (charles)

sorry charles, dapat hindi ko nalang tinanong. (pitchy)

hindi! mas ok nga yun, medyo lumuwag ang pakiramdam ko nung naikwento ko sayo. (charles)

mabuting magulang siguro sila. (pitchy)

paano mo naman nasabi ? (charles)

kasi mabuti kang tao. (^___^)  (pitchy)

~ ewan ko parang namula ata ang mga mukha ko nung sinabi niya yun, kaya iniba ko ang topic.

eh ikaw ? (charles)

anong ako ? (pitchy)

ikaw yung mga magulang mo, magkwento ka naman nang tungkol sayo (^__^) (charles)

a-a-ah, oo nga, hiwalay na parents ko 10 years old palang ako, naalala ko nung January 1, 2013 mga bandang hapon na yun, kumakain ako sa kwarto, tapos bigla ko nalang narinig si mommy sumisigaw at pinapalayas si daddy, pero ni hindi man lang tumutol si daddy sa pagpapalayas sakanya ni daddy, pag alis ni daddy, tinanong ko si mommy kung bakit, sabi niya lang sakin, hindi na sila magkakasundo ni daddy kahit kailan kaya dapat lang na maghiwalay na sila. kaya kaming dalawa nalang ni mommy magkasama ngayon. (pitchy)

hindi ka man lang ba nalungkot ? o hindi mo ba tinanong kung anong kasalanan ng daddy mo? (charles)

syempre nalungkot ako, pero hindi ko na tinanong kung anong dahilan ng paghihiwalay nila. (pitchy)

kung nalulungkot ka, bakit parang ok lang sayo na magkahiwalay sila ? (charles)

hindi naman sa ganon, basta! wag na natin silang pagusapan. (pitchy)

~ bakit parang hindi ko naintindihan si pitchy dun huh ? parang merong part ng kwentong ayaw nyang sabihin. ehh ano naman sakin ?  ano nya nga ba ko, bakit niya sasabihin sakin buong detalye ng buhay niya ?

charles ! tara na ! mukhang maganda ang view banda roon. (pitchy)

sige tara na ! (^__^) (charles)

aray ! (pitchy)

Pitchy's POV

~ hindi ko na tinapos ang kwento ko kay charles, merong mga bagay sa nakaraan na hindi na dapat pang pagusapan. may nakita akong magandang lugar para maglakad lakad, inaya ko doon si charles, habang nag lalakad biglang may nakabunggo saakin, malaking taong lalaki, napasigaw na ako dahil sa sakit ng pagkakabungo, alam kong babagsak ako, kaya pumikit nalang ako.

pero pagkadilat ko nakita ko sa harap ko si charles nakatingin siya saakin, hawak ng kanan niyang kamay ang beywang ko, at hawak naman ng kaliwang kamay niya ang braso ko.

ok ka lang ba ? (charles)

~ napatulala ako sa nangyari, nung mga oras na yun feeling ko kaming dalawa lang magkasama sa lugar na yun, tahimik masyado, tanging mabilis na tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. maya-maya pa nahimasmasan na ako, at tumayo na.

pitchy ? (charles)

bakit ? (pitchy)

ok ka lang ba ? (charles)

haa ? aa. oo ok lang ako. (pitchy)

akala ko matutumba ka na talaga, buti umabot pa ako at nasalo kita. (chales)

aa.. oo salamat, teka ? nasan nga pala si manong ? (pitchy)

sino ? yung nakabunggo sayo ? (charles)

oo siya! (pitchy)

hindi mo ba siya narinig kanina ? nag sorry siya, sabi niya nagmamadali siya at hindi ka niya napansin sorry daw talaga. (charles)

a-a-a ganun ba ? (pitchy)

haa ? nawalan ka ba ng malay pitchy ? bakit bigla kang walang naalala ? (charles)

~ haa. ? nawalan ng malay ? ayyyy masyado kasi akong nadala sa kakatitig sakanya, hindi ko napansin yung mga nangyayari. ehhh... (=__=) ano naman kaya ang sasabihin ko ? hindi ko naman pwedeng sabihin sakanya na, " Charles pasensya ka na, sobra akong nadala sa sitwasyon, at sobrang kinilig kaya hindi ko na napansin ang mga bagay sa paligid " ganon ? ngek ang weird yata kung ganun. hehh.. ewan ko feeling ko nag bablush nanaman ata ako.

a-a-a hindi naman pasensya ka na. (pitchy)

tara na doon sa lugar na sinasabi mo. (charles)

[ Guy's yung kay Abby and Dice hindi ko na itutuloy dito yung love story nila, gagawa po kasi ulit ako ng another story at sila ang main characters] HANEP MAKAPLUG ehh no ?? haha pagpasensyahan niyo na si author (^__~)

Mr. KIND and Ms. SHY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon