♀ Part Ten

161 2 0
                                    

Siguro dapat bumalik na tayo, baka hinahanap na tayo ni abby. (pitchy)

Oo sige. (charles)

~ paglipas ng ilang minutong pag uusap sa mga bagay bagay habang nakaupo sa tabi ng isang malaking puno. bumalik na kami sa kinaroroonan nila abby.

Ano !!??? (charles)

oo pinapasabi niya na mauna na daw sila, naiinip na daw kasi sila kahihintay sainyo kaya pinasasabi nila na mauna na silang mamasyal. (manong vendor ng cotton candy)

paano na yan, iniwan na nila tayo, anong gagawin natin ? (pitchy)

edi ano pa nga ba ? tayong dalawa nalang ang mamasyal. (charles)

tayong dalawa ? (pitchy)

oo! bakit ayaw mo ba ? (charles)

hindi !! hindi ! ok lang, kaso saan tayo pupunta ? (pitchy)

a-a-ah hindi ko din alam ehh... pero parang gusto kong sumakay sa mga rides. ano tara ? (charles)

sige ! (pitchy)

~ Sumakay kami sa samot saring mga rides doon sa amusement park. Pagkatapos kumain kami.

hatid na kita ? (charles)

naku wag na baka masyado na akong makaabala sayo. (pitchy)

anong makaabala ka dyan ? wag ka nang mahiya tara't ihahatid na kita. (chrales)

~ hindi na ako nakatanggi sa pagalok niya na ihatid ako, pagdating namin sa bahay, agad din siyang napaalam. Masaya ako kasi hindi nasira ang araw naming dalawa kahit iniwan kami ng mga kasama namin, sa tingin ko mas naging close pa kami ni charles ngayon.

Makalipas ang 4 months...

~ lahat sila close ko na, pero madalas si charles ang kasama ko, minsan napagkakamalan na ngang nanliligaw saakin si charles pero syempre tinatanggi namin, syempre hindi naman talaga totoo yun, hindi naman talaga siya nanliligaw, ni hindi nga siguro siya magkakagusto saakin kahit kaylan, pero ako mas lumalim pa ang pagkakagusto ko sakanya.

~ kahapon sa school habang nasa canteen kami, inimbitahan kami ni abby sa bahay nila birthday niya kasi. at ngayon nandito ako sa kwarto ko para mag ayos. sabi ni charles siya na daw ang magsusundo sakin. siguro mamaya nandito na din yun. Pero medyo namomroblema pa din ako sa kung anong ayos ng buhok ko ang gagawin ko. Sigurado akong magarbo itong party ni abby kasi mayaman ang pamilya nila, kaya naghanda talaga ako.

pitchy !! nandito na si charles. (mommy)

Opo nanjan na ! (pitchy)

~ hindi ko pa pala naikwentong kilala na ni mommy si charles, nang minsan kasi na pumunta kami ni mommy sa mall nakita namin siya, nagtatrabaho pala siya doon bilang sales man ng mga panlalaking sapatos, kaya pinakilala ko siya kay mommy na kaibigan at kaklase ko. natuwa si mommy sa kanya bukod kasi sa naikwento kong mabait si charles ay natuwa din siya sa kasipagan nito, at doon ko lang din naintindihan kung bakit siya late laging pumasok at pagod pagdating ng school dahil working student siya. Pero hindi lang din si charles ang nakilala niya syempre pati na din si abby at yung iba pa naming kaklase.

Ano ba bakit ang tagal mo naman ? (mommy)

kase inaayos ko pa po ang buhok ko. (pitchy)

sabi ko naman kasi sayo na magpaparlor ka nalang eh. (mommy)

wag na po aksayado pa sa pera, kaya ko naman ayusan ang sarili ko. (pitchy)

ohh sya sya !! lumakad na kayo't baka malate pa kayo sa date nyo este sa party. (mommy)

(>////<) mommy talaga kung anu anong pinagsasasabi. (pitchy)

(^__^) charles ingatan mo ang anak ko haa ?? (mommy)

(^__^) Opo tita ako na po ang bahala sakanya. (charles)

o sige, ikamusta niyo nalang ako kay abby at pakisabing happy birthday sa kanya. (mommy)

Opo mommy sige alis na kami. (^___^)/  (pitchy)

~ Sumakay na kami sa kotse ni charles, "Oo" may kotse siya sabi niya ibinigay sa kanya ng tito niya ito nung birthday niya nung isang taon, hindi gaanong kagandahan ang brand pero dahil sa maingat at maalaga siya sa gamit ehh nagmukha itong mamahaling brand. anyway hindi na ako nahihiya kay charles kasi diba nga, siya na ang lagi kong kasama.

a-a-ah.. Pitchy. (charles)

ohh bakit ? (pitchy)

(^__^) Congratulations. (charles)

Bakit ? para saan ? (pitchy)

 Kasi nagawa mo ! (charles)

nagawa ang alin ? (pitchy)

~ habang nag dadrive, Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko, at tumitig siya saakin na tila may napanalunang tropeyo sa isang patimpalak sa sobrang saya ng mga titig at mukha niya.

"Mas gusto ko kung ano ka ngayon" (^__^) (charles)

(>////<) a-a-ah.. ga-ganun ba ? salamat. (pitchy)

~ Pakiramdam ko gusto kong matunaw sa mga titig niyang yun. hindi na ako masyadong nakapagsalita. Sana pwede kong sabihin, kung anong nararamdaman ko para sakanya.

Charles POV

(^__^) nandito na tayo. (charles)

~ nakita kong nailang si pitchy sa ginawa ko, pero yun talaga ang pakay ko, hindi ko kasi masabi sakanya na higit pa sa kaibigan lang ang nararamdaman ko para sakanya. simula kasi nung nasa park kami, naisip kong gusto ko siyang laging kasama, hindi na nga mahina ang loob niya hindi katulad dati, ngayon kaya niya nang humarap sa madaming tao. ginawa niya ang sinabi ko sakanya. sana mahalaga din ako para sakanya.

~ pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse, at pumasok na kami sa loob, ang daming tao, may mga nakakasalubong kaming mga kaklase, hinahanap namin si abby pero hindi namin ito makita sa sobrang daming tao.

Mabuti pa umupo muna tayo. (charles)

paano si abby ? hindi muna ba natin siya babatiin ? (pitchy)

makikita din natin yun maya maya, pero sa ngayon umupo muna tayo. (charles)

sige, may nakita akong bakanteng mesa sa banda roon. (pitchy)

~ nang makaupo kami ni pitchy, may mga kaklase kaming nagsilapitan sa mesa, kumain kami, nagkwentuhan, nagtawanan hanggang sa maya maya pa ay dumating na si abby, binati namin ito ng happy birthday at umalis din kaagad, madami pa daw kasi siyang guest na kakausapin kaya humingi siya ng paumanhin saamin, pero ok lang naman kaya, kami kami nalang ang mga nag usap usap sa lamesa.

~ apat nalang kaming natira sa table, yung iba nagpaalam na uuwi na sila. habang yung dalawa naman naming kaklase nagsasayaw sa may dance floor. mabilis yung kanta ng dahan dahang bumagal ito. Nagkatinginan kami ni pitchy.

Gusto mong sumayaw ? (charles)

hindi ako marunong ehh. (pitchy)

wag kang magalala akong bahala sayo. (charles)

Mr. KIND and Ms. SHY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon