♀ Ending Part

228 5 1
                                    

~ nagsimula kaming mag sayaw ni pitchy, nung una natatapakan niya ang paa ko, kaya para hindi mangyari yon, ay pinatong ko ang paa niya sa paa ko.

Wag kang mailang ok lang sakin, basta humawak ka lang ng mahigpit, ako nang bahala sayo. (charles)

Pitchy's POV

~ nakahawak sa beywang ko si charles habang ang paa koay nakatapak sa mga paa niya, para masabayan ko ang pagsayaw niya. malapit masyado ang katawan namin sa isat isa, nagyayakap na nga kami kung titignan, nararamdaman kong mas humihigpit pa ang pag hawak niya sa beywang ko habang pahina ng pahina ang tugtog. pakiramdam ko ayaw ko nang umalis sa ganoong posisyon namin.

gusto ko malapit lang ako sakanya, gusto ko akin lang siya at sakanya lang ako, pero hindi ko parin matanggal sa isip ko na baka ako lang ang nagmamahal sa kanya. hindi pa ako sigurado kung matatanggap niya yung nararamdaman ko para sakanya, kung sakasakaling sasabihin ko sakanya na gusto ko siya.

tumigil na ang tugtog at naghiwalay din kami ni charles.

Ok ka lang ba? (charles)

bakit mo natanong? (pitchy)

mukhang ang lalim kasi ng iniisip mo eh. (charles)

ano kasi ... (pitchy)

ano yun? (charles)

~hinawakan ko ang kamay ni charles at hinila palayo sa party, nang makahanap ako ng isang tahimik na lugar sa hindi kalayuan ay huminto kami doon. hinihingal pa kaming dalawa dahil sa pag takbo.

pitch...y...    bakit ba? may sasabihin ka ba? (charles)

a-a-a-ah... pasensya ka na, gusto ko lang sana sa tahimik na lugar. (pitchy)

yun lang pala ehhh, sana sinabi mo na lang. (charles)

kaya mo ba? (pitchy)

kaya ang alin? (charles)

~ lumapit ako sakanya para halikan siya. hindi matagal ang halik na iyon, nang maidampi ko ang labi ko sakanya ay inalis ko din ito kaagad. 

kaya mo bang suklian ang pagmamahal ko? (pitchy)

~ nakita ko sa mukha niya ang matinding pagkagulat, pero maya maya ay tahimik lang siyang napayuko.

charles tinatanong kita kung masusuklian mo ba ang pagmamahal ko ? (pitchy)

~ yung naririnig kong kakaunting ingay galing sa tugtog sa may party, hindi ko na marinig yon, para akong bingi, napaka tahimik, hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging emosyon ko, si charles hindi ko alam kung anong iniisip niya, hindi ko din makita yung mukha niya.

wala akong natatanggap na sagot galing sakanya, siguro dapat hindi ko na sinabi, dapat hindi na ako nag baka sakali, dapat hindi ko nalang sinugal yung pagkakaibigan namin.

sa tingin ko tama na, hanggang dito nalang 'to, hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa susunod, hindi ko alam kung anong mangyayari sa pagkakaibigan namin.

tumalikod na ako sakanya.

salamat sa lahat charles, pasensya ka na. (pitchy)

~ aalis na ako ng bigla niya akong hinawakan sa balikat.

aalis ka nalang basta? (charles)

mas makabubuti kung aalis nalang ako. (pitchy)

bakit ka aalis ? (^____^)   (charles)

~ humarap ako sakanya, laking gulat ko ng nakangiti siya saakin.

pagkatapos mo akong pakiligin aalis ka? hindi naman yata tama yun? (charles)

akala ko kas... (pitchy)

~ hindi niya na ako pinatapos sa sasabihin ko, at bigla niya nalang akong hinalikan, ang halik na yun hindi yun katulad kanina, matagal at puno ng pagmamahal. punong puno ng saya ang halik na yun.

tumigil kami sa ginagawa namin.

hindi ko pa naririnig ang sagot mo. (pitchy)

kaylangan pa ba sagutin yun? (charles)

bakit hindi? kaylangan kong makasigurado. (pitchy)

at kaylan ka pa naging sigurista? (^___^)   (charles)

~ nag pout ako at sumimangot.

joke lang ikaw naman hindi ka mabiro, syempre oo susuklian ko yun hihigitan ko pa, hindi mo lang napapansin pero matagal na kitang gus.. (charles)

~ sa sobrang tuwa ko hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, hinalikan ko na siya kaagad ng punong puno ng pagmamahal.

the end.

Guys mabilis lang talaga itong story na 'to kasi nga short story lang siya hahaha (^___^)

Salamat sa mga nag basa, nag comment, at  bumoto.

Please support my another stories po again, Thank you!  \(^3^)/

Mr. KIND and Ms. SHY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon