CHAPTER 10

39 3 0
                                    

X

     Nagpunta kami sa SM Southmall para makalimutan niya yung mga nangyayari sa kanya. Magkasama nga kami pero parang mag-isa lang naman ako ngayon -.- Baka nga mahal niya parin si Ericko hanggang ngayon. Ilang buwan narin naman mula nung magbreak sila pero hindi parin matapos ang issue. Baka hindi pa talaga ito ang time para sabihin ko ang nararamdaman ko.

     “ Dianne? Ok ka lang ba?” hindi siya sumagot kaya tinanong ko siya ulit.

     “ uy Dianne? Ok ka lang? kanina ka pa tahimik dyan.” bakit ko nga ba tinatanong? Eh alam ko namang hindi siya ok. Tsss. Isip isip din pag may time.

     “ ayyy? Ha? Ano ulit? Sorry.”

     “ wala wala. Nevermind.” Hindi nga siya ok. Lumilipad ang utak. Kung kaya ko lang sanang mapasaya siya at kung ako nalang sana ang minamahal niya ngayon. Siguro masaya kaming dalawa. *insert background music; Kung Ako Na Lang Sana.* Joke. Hehe

     Naglakad lakad lang kami sa buong SM nang hindi man lang niya ko kinakausap ,hindi kagaya ng normal na pagkakakilala ko sa kanya. Masayahin at pala kwento. Nakakamiss kahit saglit palang siyang ganyan.

     “ Ericko salamat sa pagsama at paghatid ha? Sa susunod ulit. Sorry nga pala . bukas ok na ko.”

     “ Ericko?? Fine. Goodbye bukas nalang. -.-“ umalis nalang ako agad pagkahatid ko sa bahay niya at halatang nagulat rin siya sa nasabi niya. Dianne ! hindi ako si Ericko ! I’m Sean ! o kahit Michael ! hindi mo ba yun alam?  Hindi niya naman maririnig ang nasa isip ko at kahit ang nararamdaman ng puso ko. Masakit narin pala kahit wala pa kong karapatan para masaktan.

     Kinabukasan sa school wala parin ako sa sarili ko pero mahilig naman akong magpanggap na ok lang ako. Mabuti na sigurong ganito. Na wag nalang magsalita. Kasi baka lalo lang akong masaktan.

     “ uy Sean wag kana magalit sorry na please?” Si Dianne bigla nalang humarang sa harapan ko.

     “ Ha? Bakit? Wala naman aa.” I said with a fair smile.

     “ haaay salamat naman kala ko galit ka sakin eh. Hehe.”

    At naniniwala naman siya. Napakamanhid naman talaga pero kaya ko naman maghintay eh kahit medyo magtagal pa.

     “ Para peace na talaga tayo. Ililibre nalang kita ng ice cream. Yhieee haha.”

     “ ocge ikaw bahala .”

     Kumain kami ng ice cream habang pabalik sa room namin sa Algebra at di ko maiwasang magsuggest ng dapat niyang gawin.

     “ Dianne. Sana makipag ayos ka na sa kanila para tuluyan ka nang makamove on o kaya maging maayos na ang dapat maging maayos.”

     Hindi siya sumagot sa sinabi ko kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan. Kinuha ko ang cellphone niya at nagkunwaring maglalaro pero ang totoo. Tinext ko si Ericko at Sharmaine na mag usap usap sila sa Engineering Rooftop. I hope na pumunta silang dalawa. Kung magkabalikan man si Dianne at Ericko. Tatanggapin ko at least sa umpisa palang. Hindi yung kung kailan mahal ko na talaga siya tsaka siya mawawala sakin.

     After class ay niyaya ko si Dianne na pumunta ng Rooftop para tumambay pero wala pa siyang kaalam-alam sa naging plano ko.

     “ Anung trip to Sean ha? Tambay mode lang ?xD”

     “ I’m sorry Dianne ha.”

     “ ha/ bakit?”

     “ kasi tinext ko si Ericko at Sharmaine na magpunta dito. Para magkaayos na kayo.”

     “ ha? Ayoko! Wag muna ngayon hindi pa ko handa ! bak---“

    Biglang dumating si Ericko kaya napatigil siya sa pagsasalita niya at naging tahimik na naman ang buong paligid.

     “ Dianne.. ahmm I’m sorry ulit. Sorry dahil hinayaan kong gawin niya yun. At sorry sa sakit na binigay ko sayo simula pa noon. Kung pwede lang sana maayos pa natin to.”

    “ Hindi pa rin ako nakakamove-on sa nangyari pero alam mo, para sakin pinatawad na kita. Dahil kung totoo man na si Sharmaine ang nagplano ng lahat. Ginawa mo lang yun para protektahan ako.”   She smiled fairly but looking in the floor. Nasa tabi niya ko at pinagmamasdan ko lang sila habang nag-uusap . Invisible ata ako at parang sila lang ang nagkakaintindihan.

     “ I hope pwede pang maging tayo iloveyou and mas narealize ko pa to mulang nang mangyari ang lahat. I can’t live without you.”

    </3 ansakit ! kailangan bang sa harapan ko pa naririnig ang ganitong usapan? Ang pinakamasakit na part ay kung ano ba ang isasagot niya. Baka himatayin ako sa maririnig ko. Wag naman sana.

     “ I’m sorry maybe we are not really meant for each other. Pinatawad na kita pero I think, hindi na pwedeng maging tayo.”

     Bigla kaming napatingin sa dumarating. Hindi ko inexpect na darating si Sharmaine ngayon but expect the unexpected. Lumapit si Sharmaine kay Dianne at napaiyak agad silang dalawa.

     “ What I did is craziness and I’m really sorry. Nagpunta ko kasi narealize ko ang lahat ng ginawa ko. Hindi ko agad narealize na sobra sobra na pala yung kasamaan ko. I’m really sorry. T.T”

     “ So totoo nga ? Ha ? T.T”

     “ Yes lahat lahat. Yung motor na babangga sayo , pati pagholdap kay Ericko.. inutos ko yun lahat kay Alex.. Sa close friend ni Ericko..at ako rin ang nagplano lalo na yung gabing nakita mo ang kasinungalingang iyon. but let m---“ Dianne slapped her at lalong tumindi ang mga nangyayari . Hindi ko kayang umawat dahil sa tingin ko mas mabuting mailabas nila ang galit nilang dalawa. Gulat na gulat si Ericko nang malamang kaibigan niya pala ang gumawa ng masama sa kanila.

     “ Alam mo yung masakit ha?? Bestfriend kita! Naging ganun rin ba ang turing mo sakin? Tinuring kitang bestfriend kasi yun ang akala ko, Pero niloko mo ko ! Ano bang ginawa ko sayong masama para gawin mo to ha !? T.T”

     “ Tinatanong mo ba talaga sakin yan ha?? T.T Simula nung dumating ka sa buhay ko inagaw mo na lahat ! sayo na napunta ang lahat ng atensyon. Tinanggap ko lahat yun, pinilit kong tanggapin na mas higit ka sakin sa lahat. Naging close tayo. Naging totoo akong kaibigan sayo. Totoo lahat ng yon.  Pero yung, kahit na si Ericko na simula una palang gusto ko na? Sayo nagkagusto? lagi kong tinatanong ang sarili ko. Kung ano bang meron sayo na hindi niya makita saken !! T.T”

    o.O? wow. Lalo akong natuliro sa pagkakatayo ko sa tabi niya habang si Dianne naman ay natauhan sa dahilan ng nangyayari kay Sharmaine.

     “ Sh--sharmaine?? I’- I’m sorry. Hindi ko alam na ganyan ang nararamdaman mo ? T.T Hindi ko alam.”

    “ Wala ka talagang alam. Pero wala na tapos na eh. Nangyari na. T.T Kasalanan ko naman talaga to lahat. Nadala lang ako ng inggit sayo. Hindi ko na namalayan na naging masama na pala talaga akong tao. I’m sorry again I hope mapatawad mo pa ko at sana maging maayos pa kayo ni Ericko ulit.T.T”

    “ Hindi na magiging kami. Hindi na. Okay nang pinatawad ko siya. Hindi ko kayang magtanim ng galit. Nasa nature ko na ata talagang maging martir. Hindi ko pa kayang kalimutan agad ang nangyari pero pwede ko nang simulan ngayon. T.T I’m sorry din . Bhest? T.T”

    “ Bhest? T.T thank you. Sana maging ok pa talaga tayo. At sana mapatawad ko rin ang sarili ko. I have to go . Goodbye. T.T”

     Nagyakapan sila pero bigla nalang tumakbo si Sharmaine palayo. Si ericko naman ay hindi na nakapagsalita at pumunta na lang sa malayong side ng rooftop.Ako? Ang balikat niya tuwing umiiyak siya. :>

Twisted Unexplainable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon