CHAPTER 8

48 4 0
                                    

VIII

     Normal na araw na naman para sakin pero nagiging special na kapag kasama ko na si Dianne. Sa mga nagdaang linggo mas naging close pa kami nagkaroon na kami ng ibang friends pero kami parin lagi ang magkasama. Kung saan saan kami gumagala bago umuwi at nakasanayan ko na ring ihatid siya pauwi kahit na gabihin pa ko.

     “ Sean tara labas muna tayo wala pa naman teacher natin sa Fil. Gutom na ko eii.” Lumabas kami ng room. Lagi nalang gutom tong babaeng ito. Hawak hawak niya ang braso ko at hindi ko mapigilang kiligin. Ooops! Yes. I like her at ngayon ko lang naamin sa sarili ko kahit mukhang obvious naman nung una palang naming pagkikita. Maglalakad na kami ng may humawak sa kamay niya.

     “ Dianne! Please mag usap na tayo. Kahit saglit lang hindi ko na talaga kayang itago to. Please mag usap muna tayo.” Teka oo nga classmate namin to pero hindi ko siya masyadong napapansin. May galos siya sa mukha mukhang nakipag away. Parang familiar ang mukha niya.

     “ Ericko please ! matagal na tayong tapos ! Sa lahat ng ginawa mo sa tingin mo makikinig pa ko sayo? Umalis ka na.”

     “ Please Dianne !” Naaalala ko na siya ! siya yung mayabang na sumingit sa pila sakin dati ! at siya !? ang makapal na nanloko kay Dianne !? Hindi ko napigilan ang sarili ko sa sobrang galit. I punched him in the face. Matagal ko nang gustong sapakin tong lalaking to at ngayon naiganti ko na si Dianne sa ginawa niya. Gaganti sana siya pero humarang si Dianne sa harapan ko.

     “ Ericko stop ! Umalis ka na ! Please Leave us alone !”

   May dumating na babae at yumakap kay Ericko, Dianne was shocked. At kahit ako ay nagulat din.

     “ Ericko ok ka lang ba !? hoy ikaw *point to me* wala kang karapatang saktan siya . sino ka ba ha !”

     “ Please Sharmaine umalis ka na wag kang makialam dito.” Ericko said.

     “ Bhest?? Anong ibig sabihin nito ??” napapaluha na si Dianne sa nakikita niya at mukhang alam niya na ang nangyayari. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko . Para kaming mga artista sa isang teleserye habang may mga nakapalibot na mga extra sa paligid namin. Pano ba ko nasali sa sitwasyong ito? Sa issue na silang tatlo lang naman talaga ang involve. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko. Nandito na ko sa eksena.

     “ oooh? Bhest? Nandito ka na rin naman. It’s better to tell you the truth. Kung alam mo man o nakikipagplastikan ka na lang, Well I’m with Ericko that night ! happy ?? hehe.”

    “ Sharmaine stop it ! Dianne please let me explain please !”

    “ wag ka na magexplain. Eto ba ha ? eto ba ang sasabihin mo sakin ha !? tama na Ericko T.T”

     Dianne walked out while crying. Napatingin ako sa kanilang dalawa bago ko tuluyang habulin si Dianne. Hanggang sa nakarating kami sa Rooftop kung saan kami unang nagkita.

    “ peram muna ko ng Peaceful Place mo . hindi ko na talaga kinaya T.T “

    “ it’s ok Dianne . ilabas mo lang yan. Nandito lang naman ako.”

    “ sobrang sakit kasi. Tanggap ko na may iba siyang babae pero ang malamang bestfriend ko pa?? yun ang masakit. T.T”

     “Oo masakit talaga yan hindi madali pero just like I said before, Sana wag mo sayangin ang luha mo lalo na sa mga walang kwentang tao. Smile ka na sige ka maganda ka nalang . Hindi na sobrang ganda. Hehe.”

     “ eh kasi hindi ko alam kung ano bang problema niya? Kung pano nagawa ni Sharmaine sakin yun.T.T”

    “ So Sharmaine pala ang pangalan niya. Disappointed ako. Akala ko mabait siya.”

    “ * punas sa luha* ha? Bakit naman ?”

    “ Alam mo bang matagal ko na siyang crush noon sa church namin. Nakikita ko siya lagi noon bago sila biglang lumipat ng lugar. Ang tawag ko pa nga sa kanya ay Ideal Perfect Girl ko pero ngayon alam ko nang nagkamali ako. Hehe. Pero hayaan mo na matagal na panahon na rin naman yun.”

     “ Sorry for that. Ayan damayan mo ko . hehe.”

     “ better. Kailangan pala malungkot muna ako para mapangiti ka na. Eh sana lagi nalang ako malungkot para ikaw nalang ang Masaya . Ayoko kasing nasasaktan ka pa. ”

    “ Thank you talaga. Simula ngayon kakalimutan ko na lahat ng yun.”

     She hugged me and I can’t even explain what I’m feeling right now. *tugdugtugdug* Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sana hindi nalang matapos tong ganitong pagkakataon dahil sobrang sarap sa pakiramdam. Ang maging Masaya at makamove on sa nakaraan.

     “ayyy. Sorry .” she said. Nagkaroon ng maikling awkward moment sa pagitan naming dalawa at talaga namang kinikilig parin ako.

    “ eh ayos lang yun. Tara ihahatid na muna kita sa bahay niyo? Bukas nalang tayo pumasok . Gumawa nalang ng excuse letter. Kelangan mo nang magpahinga. “

Bumaba kami kung saan una ko siyang hinatid noon. Sa lugar na medyo makakapaglakad pa kami ng konti bago tuluyang makarating sa bahay nila. Hanggang ngayon sobrang lakas parin ng tibok ng puso ko. Tahimik lang kami habang naglalakad at hirap ng matanggal ang awkward feeling. Sana lang walang magbago lalo na kapag dumating yung time na sabihin kong gusto ko siya.

     “ uy Sean tulala ka ata? Hanggang dito nalang tayo diba sa may poste .hehe.”

     “ ayy sorry oo nga pala. Hehe. Ocge ingat ka ha? “

     “ *mwaaaah* thanks for being there for me, always. Babye. Hihi.”

   Hindi na ko nakapagsalita sa ginawa niya. Napahawak ako sa pisngi matapos niya kong halikan. Hinintay kong makapasok siya pero ako parang hindi na makagalaw sa kilig na nararamdaman ko. Gusto niya rin kaya ako? Or it’s just a thank you and friendly kiss? Nooo. Baka maging panakip butas lang ako. Maghihintay nalang ako ng tamang panahon.

    Pag uwi ko sa bahay. Binungangaan na naman ako ni mama. Lagi na lang. -.-

     “ ikaw ha ! gabing gabi ka na kung umuwi ! napapansin ko yan ha lagi kang gabi nauwi baka naman nagdadrugs kana !? sabihin mo lang para hindi na masayang pagpaaaral ko sayo !”

     “ Ma naman. Hindi po. Sige po punta na po ako sa kwarto.”

     Kahit na madalas akong bungangaan ni mama alam kong nag aalala lang siya sakin. Sa mga ganitong pagkakataon siguro nababadtrip na dapat ako pero dala na rin siguro ng sobrang kilig kanina. Inaalala ko lang baka trending kami sa school bukas dahil sa nangyaring eksena. At sa hindi namin pagpasok. Madali pa naman akong kabahan sa mga ganitong bagay. Haaaay. Bahala na . Makatulog na nga lang.

Twisted Unexplainable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon