CHAPTER 14 *Abby's POV*

45 3 1
                                    

XIV

Abby’s POV

      Ito ang araw na kinakatakutan ko, ang dumating sa puntong maghihiwalay na kaming dalawa. Our last dance together, ang huling pagkakataong makikita ko pa siya. Sana hindi nalang matapos ang lahat ng ito.

     “Michael, I love you so much. T.T” sabi ko ng pagkakataong iyon sa bigla niyang pagluha sa harapan ko.

     “I love you too. I love you more than you love me and more than anyone else pero kailangan ko na talagang umalis.”

     “Hindi ba pwedeng dito ka muna kahit saglit pa? Dito ka muna saken please? T.T” Ginawa ko ang lahat para manatili muna siya kahit saglit pero hindi na siya pumayag.

     “Abby, alam mong hindi pwede. I’m sorry. I love you pero kailangan na siguro talaga nating tanggapin na ITO NA ANG HULI.”

      Tumakbo siya palayo. Hinabol ko siya hanggang sa makakaya ko kahit na mabangga ko ang maraming estudyante sa Graduation ball namin pero biglang may pumigil sakin at hinawakan ako sa braso.

       “ Abby, hayaan mo na si Michael. Wala na tayong magagawa.” Kyle said. Wala na kong nagawa kundi umiyak sa balikat niya dahil sobrang sakit sa pakiramdam ko.

      Mula nang iniwan ako ni Michael pagkatapos ng Sayaw namin sa Graduation Ball, Sobra akong nasaktan sa mga nangyari kahit na alam naming pareho na matatapos na ang lahat pagkatapos ng 57th day na magkasama pa kami at ito ang Graduation ball. Mahirap dahil sa lahat ng saya at memories na magkasama kami ay dito lang hahantong ang lahat. Napagkasunduan na namin iyon noon. Pero hindi ko inexpect na ganun pala kabilis ang oras. Ganun kabilis matatapos. Naging duwag kasi ako. Masyado pa kaming bata, at ng mga panahon na iyon, hindi ko pa siya kaya ipaglaban.

Si Kyle ang sandalan ko ng umalis si Michael ng gabing iyon pero mahirap magpanggap na siya ang gusto kong makasama . Wala naman akong magawa dahil siya na lamang ang tanging masasandalan ko sa pagkakataong iyon.

     “ Wag ka na umiyak please? Nandito naman ako eh. Matagal na. Sana naman mapansin mo rin ako kahit konti lang. hehe.”

     Hindi ako nagsalita at tuloy lang ako sa pag- iyak ko sa kanya. Ano na ngayon ang gagawin ko ngayong nasanay na ko na si Michael ang laging nandyan para sakin? Sobrang sakit talaga at parang unti-unti na rin akong pinapatay nito.

     “ Sana naman bigyan mo ko ng chance para mahalin ka. Gagawin ko naman ang lahat para makalimutan mo siya. Kahit na maging panakip butas mo pa ko gagawin ko basta subukan mo lang na mahalin ako” dagdag pa niya.

     Hindi parin ako nagsalita at mas piniling umalis nalang ng gabing iyon. Wala pa rin ako sa sarili ko . Hindi ako tumigil na itext siya . Paulit-ulit akong nagtext sa araw-araw kahit pa sumakit ang daliri ko pero kahit isa hindi siya nagreply sakin. Kahit sa Fb hindi niya pinatawad. Ganun lang ba kadali para sa kanya na kalimutan lahat ng memories naming dalawa? T.T Ganun lang yun?

     Sa tagal kong sinubukang kulitin si Michael ay sumuko na rin ako. Lahat naman ng tao napapagod at nawawalan ng pag-asa. Sumusuko sa mga bagay na alam namang hindi na makukuha. Pero hindi ibig sabihin nun na makakalimutan ko na agad na mahal ko siya. Hindi ko mapipilit ang sarili ko dahil sobrang minahal ko siya ng higit pa sa buhay ko kahit na bata pa ako nung mga panahong iyon.

     Nung araw na pupunta sila ng Moa ay alam kong pupunta dun si Michael, sana lang pwede ako sumama kaso hindi pwede. Katext ko si Kyle ng mga panahong iyon at nagpanggap ako na itext siya ng sweet.

Text message Abby :

      > Pauwi knb? Kumain knb? Gabi na oh. Imissyou. Iloveyou babe. Ingat ha  <

Twisted Unexplainable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon