CHAPTER 9

52 4 1
                                    

IX

     Pagpasok ko palang ng university. Halata nang pinagbubulungan ako. Ganun ba kabilis kumalat ang balita? Ganun ba katrending? Masyado namang chismosa ang mga tao dito -.- pero sige, iisipin ko nalang na celebrity ako kaya pinag uusapan nila ako. Kinausap ko agad si Dianne pagkarating ko sa room dahil nahihiya talaga ako eh.

     “ Grabe naman yung mga tao dito? Bawat paglingon ko pinagbubulungan ako.”

     “ me too. Nakita ko nga na may nagpost ng video nung nangyari. Pinagtripan pa talaga nila tayo.”

    “ yaan mo na. at least sikat tayo diba. Hahaha.” Nagbiro nalang ako kahit na naiilang na talaga ako ngayon.

     Hindi naman kami nagpapaapekto sa mga usap usapan kaya kahit na may ganitong issue naging highest parin talaga kami sa quiz namin.

     “ Ang highest sa Long Quiz niyo ay si Dianne Zapanta Perfect! Ang sunod ay si … Sean Michael Serrano? 49. One mistake. Ang sumunod ay si..”

    Hindi ko na narinig pa yung ibang pangalan dahil bigla akong may narinig na as usual, nagbubulungan.

     “ Grabe no? Dapat pala gumawa rin tayo ng scene sa labas ng room para makaperfect. Tss -.-“

    “ siguro sipsip lang yang mga yan. Hayaan mo na.”

     Mga tao nga naman. Chismosa na nga inggitera pa? We can manage ourselves although we are coping with difficulties in life. Kaya sorry nalang sila. After class mamasyal pa kami ng mall ni Dianne . Masasabi kayang date to? Eh usual naman kaming namamasyal kahit saan eh. Ayoko mag assume baka masakit na naman.

     “ Wait lang pala Sean ! dba may kailangan pa tayong ipasa kay Ma’am English na assignment dahil absent tayo kahapon?”

     “ hmm? Aaah oo nga pala nasa bag ko . dala mo ba? Ilalagay pa yun sa folder eh.”

     “ magpasa muna tayo ha? Sayang kasi yun eh. Shocks wala pa kong folder !”

     “ oa neto! Ayan lang tindahan oh. Ako nalang bibili sayo . wait jan ka lang ha. hehe”

Iniwan ko lang siya saglit sa may gilid ng daan para bumili ng folder sa tindahan at nagulat nalang ako ng may humaharurot na sasakyang palapit sa kanya. Tumakbo ako pero may nagsave na sa kanyang iba.

     “Dianne? Are you okay?” ericko said. Epal talaga. Tsss. Nagkatinginan sila at nagkaroon ng pause sa buong moment. * tugdugtugdug* Oo na heart ! masakit. Ramdam kong kahit na sinaktan siya ni Ericko mahal pa rin niya ito. -.-

     “ I .. I’m okay pwede mo na kong bitawan. Thanks. Sige aalis na ko… Sean ! *shout* tara na magpasa na tayo”

    Naglakad na kami pabalik ng faculty room para magpasa ng assignment kay ma’am. Paglabas namin. Nakaabang na naman si Ericko. -.-

    “ Dianne. Dianne. Please kausapin mo ko saglit lang to.”

    “ Tumigil kna pwede ba? Pinag uusapan na tayo ng mga tao. Nagsisimula na kong magmove on sa ginawa mo kaya pwede ka nang umalis.”

    “ please Dianne ! You should know the truth . Talk to me please “

    “ Osige para matapos na to. Saglit lang. We must go somewhere private.”

    “ wait!? Kasama yang lalaking yan? This is private. Hindi dapat sinasama yan !”

    “ kung ayaw mo aalis nalang kami.”

    “ wait wait. Fine ! kausapin mo lang ako.”

Nagpunta kami kung saan tahimik at walang makakarinig ng pag uusapan nila. Pinabayaan ko munang mag usap sila ng silang dalawa lang. lumayo lang ako ng konti pero naririnig ko parin ang bawat sinasabi nila.

     “ Dianne let me explain please. Lahat ng nakita mo si Sharmaine ang nagplano nun! hindi ko ginusto yun ! T.T”

     “ haha. Sa tingin mo ba maniniwala pa ko sayo? Please stop. Ok na tapos na eh. Wag mo na kong pahirapan pa ericko.”

     “ maniwala ka please. Yun ang totoo. Pinlano nya lahat ng yun para saktan ka please ! T.T”

      “wow ha. Ano namang magiging dahilan niya para saktan ako dba? Mag isip ka nga.”

     “ hi- hindi ko alam ? pero yun ang sinabi niya sakin! Matagal na naman nating pansin na medyo baliw ang babaeng yon. Ang sabi niya sakin ipapautos daw niya na saktan ka at ayokong mangyari yun ! Mas mayaman pa sila kesa samin kaya alam kong kaya niya yung gawin. . Si-siguro yung motor na babangga sayo kanina siya ang may utos pati ang panghoholdap sakin. Please maniwala ka. T.T”

    “ pwede ba. Andami mo pang sinabi. Hindi ako naniniwala sayo. Umalis ka na ! UMALIS KA NA !”

     “ hindi ko hinihiling na maniwala ka sakin. Pero gusto ko lang sabihin na kahit babaero ako noon, naging masama ako, marami akong naging pagkukulang sayo, I realized, mahal na mahal pala talaga kita. I’m sorry.”

     Umiyak si Dianne pagkatapos umalis ni Ericko kasabay ng biglang pagbuhos ng ulan. Pinuntahan ko siya at dinamayan sa nararamdaman niya ngayon. Sa mga narinig ko kay Ericko , alam kong nagsasabi siya ng totoo, pero pinipilit lang siguro ni Dianne na hindi paniwalaan ang katotohanan. Hindi ko talaga maintindihan. Bakit kailangan yung gawin ni Sharmaine? Wala talaga akong kaalam-alam -.-

----

author's note : salamat po sa mga babasa , magvovote at comment. SA susunod na ko ulit mag- uupdate salamat :)))

Twisted Unexplainable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon