CHAPTER 15

47 4 0
                                    

XV

     Text Message: From Kyle.

>Pwede bang pumunta sa inyo mamaya Michael ha?<

     Text na galing kay Kyle. Tatlong araw palang ang lumilipas mula nung nag-reunion kami ng High School at hindi ko alam ang pakay niya sakin. Siguro naman ay bonding at kwentuhan lang ang gusto ng Bestfriend ko. Yung dati na laging nagkukwento at nagpapatawa. XD

            >osige sige . alam mo parin naman bahay namin diba. Haha. Para san ba to?<

           >Basta. Importante to. Mamaya ko nalang sasabihin pagpunta ko sa inyo.<

     Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Kyle pero malay mo naman nagbibiro lang? haha. Wag ka ngang kabahan Michael. Hindi ko alam kung bakit ba, pupunta ba siya dahil kay Abby? Dahil nalaman niya na nag-usap kami ng gabing yun? O baka tulad ng dati, pagkain na naman ang habol niya samin? Haha. Hindi ko na alam.

     Paikot-ikot ako habang hinihintay siya, Hindi talaga ako mapakali hanggang sa dumating na nga siya sa bahay namin. Umupo kami sa garden sa labas ng bahay namin at nagsimula siyang makipagkwentuhan sakin.

     “ kamusta ka na nga pala Michael? Hindi tayo nakapag-usap nung reunion aa. Ang ganda nga pala ng Gf mo .haha.”

     “ Xiempre naman. Pipili ba ko ng hindi?? Wahaha. Eh kayo ni Abby kamusta naman ?haha.” Pagtatanong ko na para bang hindi ako nag-isip sa sinabi ko.

     “ Speaking of Abby, Siya talaga ang dahilan kung bakit ako pumunta dito eh.”

     Nawala ang masayang pag-uusap namin at biglang naging seryoso ang lahat. Eto na nga ba ang ayokong mangyari eh. Ang pag-usapan siya. Ayoko nang balikan pa ang nakaraan. -.-

    “ Dre alam mo namang nakamove-on na ko matagal na. hehe. Wait kukuha muna ko ng pagkain mo. Haha” sinabi ko nalang para makaiwas sa usapan.

     “ Pwede ba mamaya na ang pagkain. Hindi ako nakikipagbiruan . Seryoso ako.”

     Natahimik ako at nagulat sa sinabi niya. Napaupo nalang ulit ako sa upuan ko kanina at nakatingin lang sa ibaba. Marami na siguro talaga akong hindi alam sa kanila. Hindi ako sanay na ganyan si Kyle sakin dahil 5 years ago, ang lagi niya lang sinasabi sakin kapag napunta siya sa bahay ay ‘ Oy yung pagkain natin mamaya ha. Haha’ o kaya naman magpaparinig ng ‘ Gutom na ko -.-‘ pero ngayon parang iba na talaga ang lahat. Masyado na siyang seryoso.

     “ Ano ba talagang sasabihin mo tungkol kay Abby ha? Para matapos na to.”

     “ Halos 3 days ko tong pinag-isipan pero para kay Abby gagawin ko . I don’t have any other choice.”

     “ Eh ano ngang sasabihin mo ?? pasuspense naman to eh.”

     “ Naaksidente siya.” O.o? ha? Naaksidente siya? Eh ano naman ngayon sakin.

     “ Oh ano naman? Eto talaga, kailangan pabang ichismis sakin. Edi bantayan mo dun. Idadamay pa ko neto. Haha. Sige kukuha na ko ng pagkain.” Tumayo ako at nagmamadaling umalis papunta sa loob pero bigla siyang sumigaw ng malakas.

     “ Naaksidente si Abby! At Ikaw lang ang naaalala niya! Kaya pwede ba makinig ka naman!” napalingon ako ulit at gulat na gulat sa sinabi niya.

     “ Ha? Pano naman nangyari yan? Kalokohan . Wag ka ngang magjoke.”

     “ May panahon pa ba ko para magbiro ha?...” nagsimula siyang maluha at mukhang nagsasabi nga siya ng totoo. “ Hindi ko alam kung pano pero kung pwede, sumama ka sakin para malaman mo. Kung pwede lang, hindi na kita guguluhin pa eh. Pero kailangan ko talaga ng tulong mo. T.T”

Twisted Unexplainable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon