CHAPTER 19

49 3 0
                                    

XIX

~What Happened Next?~

     Happy Ending na ba ang kahahantungan pagkatapos ng lahat ng gulong nangyari? Nang napakagulo naming Love Story?  Hindi ko parin masasabi. Pero ano na nga ba ang nangyari sa iba? Kay Dianne , Ericko at Sharmaine na dapat sana ay meron kaming semi-reunion. ? At kay Kyle na umalis nalang bigla matapos malaman kay Abby ang lahat? Matapos nilang mawala saglit sa eksena ano na ba ang nangyari? Gusto ko talagang malaman.

     ~Ericko~

     Dumating ako sa bahay nila Sean para sa aming bonding sana at para rin sa inihandang surprise ni Dianne kay Sean. Nakita ko si Dianne na umiiyak habang natakbo naman si Sean palabas ng gate nila at nagkasalubong kami. Nagdilim ang paningin ko sa nakita ko…

     “Diba sinabi ko na sayo dati !? Wag na wag mo siyang papaiyakin?? Pero ano tong nakikita ko!?” Sinuntok ko siya ng sampung beses gaya ng sinabi ko sa kanya noon. Sinabi kong wag na wag niyang papaiyakin si Dianne kundi ay sasapakin ko siya ng sampung beses kapalit ng pagsuntok niya sa akin noon. Hindi siya pumalag at kahit na basang basa kami sa ulan ay alam kong umiiyak siya.

    “Sorry Ericko.. Sorry T.T” Hindi siya makatingin sa akin ng pagkakataong iyon. Binitawan ko siya at tumakbo na siya palayo.

    Nilapitan ko agad si Dianne para malaman ang buong nangyari. Akala ko pa naman ay si Sean na ang tamang lalaki para kay Dianne kaya mas pinili ko nalang na magparaya dahil masaya sila noon pero mukhang nagkamali ako. Hindi ko alam na magkakaroon pa ko ng konting part sa buhay ni Dianne at magiging sandalan niya. Inaamin ko, simula nung naghiwalay kami. Nagbago na ko at hindi na ko nagkaroon ng kahit na sinong girlfriend dahil.. Mahal ko parin siya.

     ~Dianne~

     Hindi ko alam kung masasabi ko bang martir pa rin ako dahil hinayaan ko siyang mapunta sa iba kahit na kumakapit naman siya sa akin? O masasabi ko bang mas naging malakas na ko para sa sarili ko? Dahil nakaya kong pakawalan siya. Dahil hindi ko na hinayaang masaktan pa niya ko. Dahil alam ko naman na may mas mahal pa siyang iba. Dahil kung mas mahal talaga niya ko ay tutuparin niya yung promise niya sakin. Naiinis ako dahil parang ako ang may kasalanan kung bakit sila nagkaroon ulit ng koneksyon ni Abby. Naiinis ako dahil sa kabila ng pagsira niya sa pangako niya sakin, hindi ko parin magawang magalit sa kanya.

Nasasaktan rin ako ng sobra. Siguro dahil umasa pa rin ako? Umasa ako na hindi siya aalis sa tabi ko, na sa kabila ng mga sinabi ko ay hindi niya ko iiwan at sasabihin niyang ako ang mas mahal niya. Pero ito ngayon, tumakbo na siya palayo. Nakapagdesisyon na siya kung sino ang mas mahal niya. Hanggang huli nasa nature ko na siguro ang maging mapagpatawad kahit na ilang beses na kong nasaktan. Naniniwala kasi ako na may reason talaga ang lahat ng bagay sa mundo, Nalaman ni Sean kung ano at sino ba talaga ang tunay na nasa puso niya. Alam kong darating rin ang time na makakalimutan ko siya at magiging masaya ako para sa kanya at sa sarili ko.

     Dumating si Ericko at sa kanya ako umiyak..

     “ Ano bang nangyari Dianne?” Tanong niya sakin. Pinunasan ko ang luha ko at ngumit sa kanya..

     “ Wala. Let’s just say that He is more important.. I’ll definitely choose his own happiness over mine.”

    Umupo kami sa sahig at naghintay sa pagtila ng malakas na ulan…

     ~Sharmaine~

      I’m driving my car . . . Maybe this is our Semi – Reunion .. I’m really excited to see them.. ilang weeks or months ko na rin silang hindi nakitang tatlo and what about this surprise of Dianne to Sean? Sounds Exciting.. I drove fast and I saw a girl walking under the rain.. She looks familiar.. hmmm.. Nagdrive parin ako at maya-maya, I saw Sean running under the rain too. Anong ginagawa niya sa gitna ng napakalakas ng ulan? Hindi man lang nagdala ng payong? So pathetic ata.. ooow.. Sinusundan niya ba yung babae ??

     Dumiretso nalang ako sa bahay nila para dun nalang ako maghihintay at malinawan ako sa nakita ko.

     Tumigil ang kotse ko sa harapan ng bahay nila.. Medyo Malabo sa una dahil sa napakalakas na ulan pero unti- unti ring nakita ng mga mata ko. Nakasandal si Dianne kay Ericko ? Hehe. Nagulat lang ako. Am I affected? No. NO . Are they having an affair?? No. Definitely not. . Pero aamin na rin siguro ako. Since naayos na ang lahat sa amin noon, I don’t have any hard feelings. Totoong naging magkakaibigan na kaming apat. Pero hindi naman madaling kalimutan ang taong mahal mo diba? I still like Ericko since then. Hindi ko alam kung bakit ba kahit naghiwalay sila ni Dianne noon ay hindi parin niya ko napapansin. Well, I guess what I saw in front of me is the answer to my question.

    Tanggap ko na naman na hindi niya ko mahal pero nagulat lang ako sa nakita ko. Kailangan ko muna sigurong magpahangin. Maya maya lang magiging maayos rin ako .Hehe. Natatawa ako na napapaluha. Mas pinili ko munang umalis at mag isip isip. Hinanap ko ang lugar kung saan ako nagpunta noon. Sa park kung saan nahanap ko ang peace of mind.. at nakita ko ulit siya.. The stranger.. nakaupo parin siya sa swing at umiiyak. Ilang taon ng lumipas, isang beses lang kami nagkita pero hindi ko nakalimutan yung mukha niya lalo na nung umiiyak siya hahaha. Teka? Dala ko ang scarf na pinahiram niya noon. Tinabi ko talaga iyon. Because it reminds me na minsan may nagconcern rin sakin kahit na hindi ko kilala.

    “ Hey.. Here’s your Scarf.. mukhang kailangan mo na yan ngayon..” binalik ko ang scarf na pinahiram niya sa akin at umupo ulit ako sa kabilang swing..

     “ .. Wait, Ikaw? Tagal na nito ah. Nasa iyo parin pala. Buti at naisip mo pa palang ibalik to sakin. Hindi ko inexpect na makikita ulit kita after years. Salamat.”

     “ I think this is the place of the broken-hearted people. Hahaha.” Natawa nalang ako sa lahat ng nangyayari sa akin.  “ Hindi ka parin niya mahal? Haha.” Dagdag ko pa.

     “ Eh bakit ikaw? Mukhang umiyak ka aa. Mukhang hindi ka pa rin niya mahal..”

    “ I moved on.. pero ewan ko ba.. masakit parin pala.. pero hindi ako bitter ha..” sabi ko.. hindi naman talaga e. Nagulat lang talaga ako.

    “ btw. Tinanong ko na sayo to dati pero bigla kang umalis eh. Anong pangalan mo?” he asked me again. At nagpakilala na ako.

     “ I’m Sharmaine.. how about you?”

     “ I’m Kyle…”

    Hmmmm.. so Kyle is the name of the stranger I’ve met in this park 5 years ago….

Twisted Unexplainable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon