CHAPTER 12

43 4 1
                                    

XII

     Nanatili kami sa rooftop kung saan nangyari ang pag-uusap nila. Kami nalang ngayong tatlo nila Dianne at Ericko at nandun parin siya sa malayong side , nakatingin sa kalangitan. Ngayon alam ko na kung bakit naging ganun si Sharmaine at kahit siya ang kontrabida dito, kahit papano ay naawa rin ako sa kanya.

     “ Dianne, sana maging maayos na ang lahat . Sana rin ay di mo pinipigilan ang sarili mo maging Masaya dahil lang sa mga nangyari.”  Sabi ko nang may konting kalungkutan saking mga mata. Ayoko lang talagang nakikitang nalulungkot si Dianne lalo na kung pwede namang hindi.

     “ Sean? Hindi ko pinipigilan ang sarili ko. I just realized something after all of the things happened, that Ericko and I are not really meant for each other. Malaya na ko .hehe”

     “ Weh? Ramdam ko kasi na … mahal mo parin siya.” Walang kaalam-alam si Ericko na siya ngayon ang pinag-uusapan namin. Ouch! Ano ba tong sinasabi ko sa kanya.? Parang ako pa ang nagpupush na magkabalikan silang dalawa.

     “ Sorry pero mali ka.hehe” nakatingin parin siya sa sahig habang nakikipag-usap siya sakin.

 Alam ko namang mahal pa niya si Ericko. Bakit hindi niya kayang aminin sakin ang totoo?? I’m always there for her although I like her so much.

     “ Nandito naman ako lagi para suportahan ka sa lahat lahat. Ginawa lang naman ni Ericko yun para protektahan ka diba? Mahal ka niya kaya—“  Nagsasalita pa ko pero tinakpan niya ang bibig ko at sinabing tumahimik daw ako.

     “ I like you.” She said. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko . Kung ano ba ang dapat kong maramdaman . Maging Masaya o malungkot? Ayokong umasa sa mga salitang hindi naman sigurado.

     “ Ha? Anong sinasabi mo? Wag ka ngang magjoke.haha” Tumawa lang ako at umiwas lalo ng tingin sa kanya. Ayoko ! ayokong tumingin ! Masasaktan ka lang Sean !

     Bigla niyang hinawakan ang mga braso ko at humarap sakin ng malapit na malapit na malapit *Tugdugtugdugtugdug* Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit ba hindi nalang ako maniwala? Hindi ba kapani- paniwala? Na magkagusto siya sa simpleng tulad ko lang? Maniwala ka nalang Sean. Maniwala ka nalang -.-

     “ Tumingin ka nga sa mga mata ko. Please.” She said. Makikitang kumukunot na ang kanyang noon at ngayon ko lang siya nakitang ganitong kaseryoso.

     “Ayokoooo.” Ayokong tumingin. Ayokong mag expect pero nung subukan kong sumulyap sa kanya.. She Kissed ME ..Hindi ito kagaya ng dating friendly kiss na ginawa niya. Nagkaroon ng matinding spark sa pagitan naming dalawa at wala na kong ibang maramdaman kundi ang labi niyang nakadampi sa mga labi ko. Pero? Mali ito eh. Mali ! agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa mga braso.

     “ I’m sorry pero mali to eh. Dianne ayokong maging panakip butas lang.”

     “ of course not !gumising ka nga ! Sa lahat ng ginawa mo para sakin, hindi pa ba sapat yun para magustuhan kita? Para mahalin kita?? Maniwala ka sana.”

     Natauhan ako at naramdaman kong totoo ang sinasabi niya sa akin. Wala na kong nagawa kundi ang maniwala. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit sa sobrang saya ko ngayon.

     “ I like you too..” sa wakas at nasabi ko rin ang totoong nararamdaman ko para sa kanya..” Matagal na.. Simula pa lang ng Makita kita.” Dagdag ko pa.

     Hindi namin namalayan na nakita pala ni Ericko ang lahat ng yun. Nagulat kami at natahimik pero natawa rin kami dahil siya ang unang tumawa sa amin.

     “ Grabeng karma naman yan. Ang sakit ha. Kaya pala , dahil may iba na siyang mahal .haha” Ericko said.

     “ I’m sorry Ericko. Hehe. I like Sean . I Love Sean.”

     “ Hindi ok lang. Masaya ako para sayo. Para sa inyo. Dahil nahanap mo na ang right guy para sayo. Yung hindi ka sasaktan at lolokohin gaya ng ginawa ko sayo. Hehe. Pero ikaw Sean, sinasabi ko sayo. Pag pinaiyak mo si Dianne, Sampung beses kong ibabalik sayo yung suntok mo sakin dati. Haha.”

      “ Wag kang mag-alala. Hindi ko siya sasaktan.” I said. Nagtawanan kami at para bang biglang nawala ang tensyon sa amin. Nagsimula nang maayos ang lahat ng nasira.

     Marami nang araw ang lumipas, buwan at mga taon. Sa tagal ng panahon na dumaan. Naging maayos na talaga sila ni Sharmaine. Sinong mag-aakala na magiging tropa na kaming apat. Na sa tagal nang panahon ay garaduate na kami sa University kung saan nangyari ang kakaibang memories sa buhay namin. Gagraduate kami ni Dianne sa BS Architecture , Si Ericko ay nagshift noon ng Business Management dahil mas mabuti to para sa pamilya nila. Si Sharmaine naman ay gagraduate ng Tourism. Hindi ko akalain na magiging successful ang pag-aaral namin at darating na kami sa puntong ito ng buhay namin.

     Nakahiga kami ngayon ni Dianne sa rooftop kung saan kami unang nagkakilala. Kung saan naayos ang mga kaguluhan. Kung saan kami nagcelebrate ng ilan sa mga monthsary naming dalawa. Ang pagkakilalang nagsimula sa simpleng pagkabangga at pagtetext. Hanggang sa naging magkaibigan bago nauwi sa Pagkakasintahan. Ang dating babaeng pinapangarap ko lang ay magiging pinakaimportanteng tao ngayon sa buhay ko.

     “ Ansaya balikan ng nakaraan no? Parang kahapon lang ang lahat.hehe”

     “  oo nga eh. Sean, Masaya ako dahil nakilala kita at minahal kita. Iloveyousomuch.”

     “ iloveyoutoo. Ang galing talaga no?”

     “ Ha ? bakit naman?” pagtataka niya.

     “ Kasi nung una akong pumunta dito nakatingin lang ako sa malayong langit. Pero nung dumating ka sa buhay ko.. lagi nang nasa akin ang langit.”

     “ ayhieee. Ikaw talaga. Kahit corny ka. Kinilig ako .hehe”

     Masaya ako. Masaya kaming dalawa. Pero sa kasamaang palad, Sa tagal nang panahon ay hindi naging si Ericko at Sharmaine. Naging mabuting magkakaibigan lang kaming apat. Ayoko nang mabago ang destiny naming dalawa. After ng College Life namin, ano na kaya ang mangyayari? Hindi ko alam kung ano. But I want to face everything with her and I hope this will be forever. My life seemed so perfect now, pero alam kong hindi pa naman dito nagtatapos ang lahat dahil marami pang pwedeng mangyari.

----

Author's note: Just updated. Hindi pa tapos to.haha. Read, Vote and Comment. hehe

Twisted Unexplainable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon