CHAPTER 1

173 6 1
                                    

I

5…4…3…2…1…

     It’s already 12 midnight. Matatapos na ang maliligayang sandali naming dalawa. Matatapos na ang mga oras na magkakasama kami at alam kong pagkatapos ng Last song at last dance na ito, Matatapos na ang mapagkunwaring happy ending fairy tale namin.

+ Paalam sating huling sayaw

May dulo pala ang langit..(fading)

Kaya sabay tayong bibitaw sa ating

HULING SAYAW +

Habang dinarama namin ang buong kanta hanggang sa natitirang bahagi nito, parang ang bagal ng paggalaw ng oras at bawat segundo, parang sa pagkakataong ito ay sa amin nakatutok ang spotlight na tila walang makikita sa paligid kundi kaming dalawa lang.

Tears suddenly fell down from my eyes. Hindi ko alam kung kaya ko ba,  Kung kaya ko ba na mawala siya, na pakawalan siya kahit alam namin sa sarili namin na mahal namin ang isa’t isa. Hindi nagtagal ay umiyak na rin siya at niyakap ako ng mahigpit. I hugged her back, ayoko ng matapos ang moment na ito ng buhay ko pero alam kong kailangan ko nang umalis agad.

      “Michael, I love you so much. T.T”

     “I love you too. I love you more than you love me and more than anyone else pero kailangan ko na talagang umalis.”

     “Hindi ba pwedeng dito ka muna kahit saglit pa? Dito ka muna saken please? T.T”

     “Abby, alam mong hindi pwede. I’m sorry. I love you pero kailangan na siguro talaga nating tanggapin na ITO NA ANG HULI.”

     Yun ang mga salitang hinding hindi ko ginustong sabihin pero kailangan. Kahit gusto kong manatili muna, alam kong kung hindi ako aalis agad ay baka hindi ko na kayaning pakawalan pa siya. I ran away with tears, parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko at nawala ang maliwanag na spotlight ng buhay ko. My heart’s lacerated  and broken into pieces. I become a MALE Cinderella in my own story.

      Almost a month had passed mula nang napakasakit na pangyayaring iyon. Ang Graduation Day, ang Graduation Ball, ang Huling Sayaw namin ni Abby. Hanggang ngayon ay malinaw parin sa akin ang lahat ng nangyari. Joke ba ang lahat ng to o bangungot lang?

Marami nang nagyari sa mahigit one month na lumipas, marami na ang nagbago. I used to be strong enough to resist avoiding her in my whole life. Nagpalit ako ng bagong sim card, tinapon ko ang lahat ng pwedeng magpaalala sakin ng mga bagay tungkol sa kanya, binlock o inunfriend ko siya sa Facebook at hindi ko hinayaang malaman pa niya kung ano ang new number ko. Masakit man, this is the right thing to do. Kaysa naman manatili kaming nakakulong sa relasyong kahit kailan ay hindi magiging pwede. Kung hindi ko to gagawin, never ko siyang malilimutan at never kong magagawang makapagmove-on. I will become a statue, forever in place, never moved on.

    Maraming araw pa ang lumipas at unti-unti nang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. “Haay Michael, tumigil ka na nga!” bulong ko sa sarili ko. Mas mabuti pa sigurong asikasuhin ko muna ang pag-aaral ko para sa College para naman hindi puro siya ang naiisip ko. I really need to be matured enough. Inayos ko ang lahat ng mga forms ko para sa school para isang pasada nalang agad at hindi na ko babalik pa sa susunod. Humingi na ko agad ng approximate tuition fee ko para makapag enroll na rin ako kaagad at kung may sobra, ipapangkain ko na lang. hahaha.

    Nagcommute ako papuntang Manila kasabay ng mabigat na traffic, pollution, at ang iba’t-ibang ingay ng tao sa bawat paglalakad ko sa kalsada. I really hate to be in a place where there are so many people spread in different location. Hindi mo malalaman kung sino ang mabuting tao at kung sino ang masama. Kung may magiging papel ba sila sa future ng buhay mo.

*text message* Kevin:

> Michael nasan ka ngayon? Pwede ka ba? Bonding daw tayong tropa mamaya .Bago man lang magpasukan next week.textback. <

    Grabe naman? Ngayon pa talaga? Wrong timing naman. Kung kailan ako nag-eenroll. -.- Panigurado na matagal-tagal pa ang process dito sa school dahil mukhang maraming tao. Sayang naman kung hindi ako makakasama.haaay. I just texted him na nag-eenroll pa ko kaya hindi ako makakasama. Waaah! Sayang. Huhuhu. Miss ko na ang tropa namin dahil sa lahat ng kalokohan na ginagawa nila ,sinasama nila ako. Haha. Nakakamiss ang pagiging high school.

*BOOGSH*

     What the!? Ano ba naman to! Kaaga-aga may mangbabangga pa.badtrip na nga yung tao eh! Sinubukan kong lingunin siya pero hindi ko na siya nakita dahil nakaliko na agad siya sa left-side way ng school. Hindi ko man lang nakita ang itsura niya. Grabe parang si flash kung makatakbo.                                                                                

     “Miss wait! May nahulog ka!” sigaw ko sa kanya pero malayo na talaga siya. Hindi ko nakita kahit ang suot man lang niya para in-case sana na makasalubong ko siya. Nahulog niya ang isang information sheet at malamang siya to! Importante kaya to? Baka hindi siya makapag-enroll dahil dito? Haha. Bahala siya. Careless siya eh.

     Ipinagpatuloy ko na lang ang paghahanap sa ibang facilities at buildings para maayos ko na agad. Pumunta ako sa halos 1 kilometer away na building para lang makapagtanong sa course na kukunin ko. Pagkatapos ay pumila na ako ng pagkahaba-haba sa initan para mag-enroll. Oha? Ang bilis ko nuh?.Nakapag entrance exam na ko dati at halos enrollment nalang talaga ang aayusin ko. Actually hapon na ngayon at isang oras na kong nakapila sa enrollment section na ito.

     “Excuse me! Tumabi ka nga! Nagmamadali ako!” sabi ng isang lalaki.

     Napakayabang! Kala mo kung sino! Ang tagal kong pumila tapos makikisingit lang sakin!? Hinayaan ko na lang dahil ayoko ng gulo. Ayokong sa unang pagpunta ko sa papasukan kong school ay binyagan agad ako ng bugbog ng mga estudyante dito. Gusto kong maging Masaya at maayos ang buhay college ko. Sa loob-loob ko, gusto ko nang sapakin tong taong to dahil ang ayoko sa lahat, yung mayayabang na kagaya niya. Kaya lang baka mahirapan akong abutin dahil matangkad. Mukhang galing sa mayamang pamilya kaya baka mapag-initan lang ako. Pahamak kasing pila to! Napakabagal! Ano bang klaseng gobyerno meron sa Pilipinas, walang maaayos na empleyado.hmp! haha.sisihin ba ang gobyerno.XD

     Half way to go na lang bago ako umabot sa counter pero ramdam ko parin ang init sa mukha dahil nasa initan parin ako ng araw. Nakatakip ang isang kong kamay para  hawiin ang sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata. Bigla akong napalingon sa isang malayong lugar at parang nagzoom-in ang mga mata ko nang may nakita akong isang babae. Siya yung crush ko dati sa Church na weekly kong nakikita. MY Ideal Perfect Girl. Siguro nga ay nahahalata na niya ko noon dahil lagi akong dumadaan sa harapan niya para magpapansin. Sa lahat ata ng nagustuhan ko noon ay sa kanya lang ako natorpe ng ganito dahil sobrang ganda niya talaga. Pang-heaven talaga ang feeling pag malapit siya sayo. Grabe! Waaah! Dito rin siya mag-aaral!? Ano kayang course niya? Haay. Paano ko nga naman malalaman eh kahit pangalan nga niya hindi ko pa alam.  

     Sa tagal kong nakaw-tingin sa kanya ay hindi man lang niya ko binalikan kahit isang sulyap man lang. Umalis na rin siya at sa nangyari ngayon, kahit papano ay nalilimutan ko ang sakit na  nangyari kailan lang. Kahit na ang nagiging relief ko ay isang babae na hanggang pangarap lang naman.

Twisted Unexplainable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon