CHAPTER 18 *Kyle's POV*

48 2 0
                                    

XVIII

Kyle’s POV

     I’m Kyle Matthew Dizon at your service. Haha. Simpleng tao lang na may simpleng pangarap at gusto sa buhay . Ang magkaroon ng maayos na future at masayang Love Life. Ikaw? Anong kwento ng buhay mo? Hahaha. Ganito lang ako lagi. Nagpapatawa at nagpapasaya sa maraming tao. Clown nga raw ako sa school namin pero deep inside, they don’t know how dramatic I am. Sa kabila ng mga tawa at ngiti ko ay may limitasyon rin ang lahat. Nagsimulang maging seryoso ang buhay ko ng makilala ko si Abby.. Ang unang babaeng minahal ko..

     *flashback*

     Matagal kong hinintay ang pagkakataon na iyon. Na maghiwalay na sila ni Michael dahil alam kong ipapaubaya niya si Abby sakin at magkakaroon na ko ng pagkakataon na ipakita sa kanya ang pagmamahal ko.

      “o Michael para san ba to?” pagtatanong ko kahit alam ko naman talaga ang dahilan.

      “Pa inosente ka pa dre? Matagal ko nang kinukwento sayo to at eto na yung moment na yun.”

      “ Joke!haha. o ano nang plano mo? Itutuloy mo ba talaga to ? dre alam kong mahal mo siya at mahal na mahal niyo ang isa’t isa. Alam mo kung ako lang ang papipiliin ,alam mong pabor sana sakin to dahil maghihiwalay na kayo. Alam mong mahal ko siya diba? Kaya nga gusto kong maging Masaya siya. Sa kasamaang palad, alam kong sayo siya sasaya eh.”

    Masaya nga ako dahil maghihiwalay sila pero si Abby parin ang iniisip ko. Alam kong malulungkot siya ng sobra kapag umalis si Michael at ayokong nalulungkot siya.

     “ Desidido na talaga ako.  Bestftiend kita diba? I trust you. At sa mga naririnig ko sayo dre, alam kong ikaw yung tamang lalaki para sa kanya. Sana pag umalis ako, ikaw ang nandyan para sa kanya.”

     Tumalikod siya at umalis pagkatapos niya kong kausapin. Hanga rin ako sa Bestfriend ko pero hindi crush ha! Haha. Ang ibig kong sabihin ay tapat rin siya magmahal. Kahit masaktan siya ay ayos lang basta para sa ikabubuti.

      Naghintay ako hanggang 12MN .. Ang oras na iiwan na ni Michael si Abby. Pinapanuod ko sila sa pagsasayaw nila mula sa malayo at hindi ko maiwasang masaktan sa nakikita ko. Nagsimula silang mag-usap at umiyak sa isa’t isa.

      Tumakbo si Michael palayo at eto na ang pagkakataon ko nakita kong hinahabol ni Abby si Michael kaya tumakbo rin ako para pigilan siya.

       “ Abby, hayaan mo na si Michael. Wala na tayong magagawa.” Sabi ko. Ako ang naging karamay niya sa gabing iyon ng iwan siya ni Michael.

           “ Wag ka na umiyak please? Nandito naman ako eh. Matagal na. Sana naman mapansin mo rin ako kahit konti lang. hehe.” Dagdag ko pa. Alam kong no choice lang siya ng mga panahong iyon pero nandito naman ako lagi sa tuwing no choice siya. Masakit pero tatanggapin ko kasi mahal ko siya.

     “ Sana naman bigyan mo ko ng chance para mahalin ka. Gagawin ko naman ang lahat para makalimutan mo siya. Kahit na maging panakip butas mo pa ko gagawin ko basta subukan mo lang na mahalin ako”  Alam kong mali na sabihin ito sa kanya pagkatapos siyang iwanan ng minamahal niya pero ito lang ang tamang panahon. Ito ang tamang gawin para maging parte naman ako ng buhay niya.

Text message Abby :

      > Pauwi knb? Kumain knb? Gabi na oh. Imissyou. Iloveyou babe. Ingat ha  <

      Katext ko siya ng mga panahong nagpunta kaming tropa sa MOA kaya Masaya ako pero hindi ko malilimutan ang text niyang yan sa akin. Bigla nalang niya akong tinext ng ganyan kahit na wala naman kaming CS. Ramdam kong para kay Michael talaga ang message na yun pero mukhang hindi yun nagets ni Michael ng makita niya ito. Awkward talaga sa pakiramdam ng makasama ko siya dahil alam kong hindi parin niya nakakalimutan si Abby.

     “ Kyle. Pumapayag na ko. I’ll give you a chance pero wag mo sanang isipin na ganun kadali para sakin na mahalin ka.”

     “ Talaga?? Thank you ! thank you ! hindi ko sasayangin tong chance na binigay mo sakin !” sobrang saya ko ng marinig ko ang sinabi niya dahil susubukan niyang mahalin ako.

     “ Uy buti sumama ka sakin ngayon makipagdate. Ang saya saya ko kasi kasama kita.” Ang first date namin sa  7 eleven.

     “ Ako rin Michael—ay Kyle .hehe.” napatungo ako sa nasabi ko.

     “ Abby naman. Kahit one second man lang kalimutan mo muna siya. Kahit saglit lang.” Hindi ko napigilan ang sarili ko na mainis o masaktan. Alam ko namang pinipilit niyang mahalin ako eh. Pero bakit ba napakahirap para sa kanya yun? Nagpakalayo muna ako at nag isip isip hanggang sa nakita niya kong naglalakad sa may Sea Wall.

      Mula ng araw na yun at sa loob ng 5 years. Naging Masaya kami sa kasinungalingan. Oo nagiging sweet siya sakin at masaya kaming magkasama pero ramdam na ramdam ko na hanggang kaibigan parin ang tingin niya sakin sa loob ng limang taon na iyon.

    Nagkaroon ng reunion at akala ko ay magiging maayos na ang lahat kaya masaya akong kasama si Abby ng mga panahong iyon pero pagkarating naming dun. Lagi akong nakatingin kay Abby habang pasulyap sulyap siya kay Michael . hanggang ngayon si Michael parin ang laman ng isip niya. Kyle bakit ka ba nagpapakatanga? Eh mahal ko siya eh. Ramdam ko rin na sa kabila ng tawanan at pagkasweet namin ay nasasaktan siya na may iba na si Michael. Hindi naman ako manhid.

     Tumayo siya at pagkatapos ay hindi na siya bumalik hanggang sa nalaman ko nalang na naaksidente pala siya. Pumunta ako agad ! Ako ang laging nandyan para sa kanya sa lahat ng pagkakataon pero .. Ako.. Ako ang hindi niya maalala.. Si Michael lang ang taong naalala niya after ng aksidente..Labag sa loob ko ang humingi ng tulong kay Michael dahil natatakot ako na bumalik ang nararamdaman niya kay Abby pero wala nang ibang paraan eh. Si Michael lang ang makakatulong sa kanya.

     Nawawala ang kaba ko sa tuwing umaayaw si Michael sa plano ko at sa sinabi niyang 1 month lang at pagkatapos ay wala na siyang pakialam . Wala na siyang pakealam kay Abby. Kinailangan kong umuwi muna ng probinsya dahil sa namatay kong lola. Pinili kong manatili doon hanggang matapos ang isang buwan ni Michael dahil hindi ko kayang makita silang dalawa na binabalikan ang nakaraan.

     Pagbalik ko ito rin pala ang madadatnan ko. Niloko ako ni Abby. Niloko niya si Michael. Niloko niya ang lahat. Niloko nila ako. Kahit kailan talaga hindi niya ko nakita at ang lahat ng ginagawa ko para sa kanya T.T Eto ako ngayon umiiyak sa kawalan. Siguro nga ito na yung tamang panahon para tigilan ko na si Abby. Siguro nga sa tagal ng panahon si Michael lang talaga ang mahal niya. Matagal na kong lumagpas sa limitasyon ko pero ngayon lang ako susuko ng tuluyan T.T

Twisted Unexplainable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon