CHAPTER 13

42 2 0
                                    

XIII

   Siguro para sa mga nag-aasam ng Masaya at mabilis na happy ending ay mas pipiliing hanggang dito na lamang ang kwento ng buhay ko pero sino nga ba ang makakapagsabi ng hinaharap? Kaya naman alam kong marami pang mangyayari at darating na hindi inaasahan. Para sa mga taong gusto ng mas mahaba pero mas siguradong happy ending ay gugustuhing ipagpatuloy ang istorya at dito ito muling magsisimula.

>ATTENTION IV DIAMOND : Mayroon po tayong Reunion bukas ng 6pm sa School po natin. Sana pumunta kayong lahat. Dala rin kayo mga pagkain ha ! Magbago na kayo ! Wag nang kuripot! HAHA. Miss you guys ! See yah ! By: Your Beautiful President<

     Pagbukas ko ng Fb ay ito agad ang nakita ko. Post na ginawa kahapon. Ang ibig sabihin ay mamaya na pala ang reunion namin. Hindi parin nagbabago ang president namin. Maloko parin hanggang ngayon although 5 years na ang nakalipas. Simula nung tumagal na kami sa College ay bihira ko na makita ang karamihan sa mga classmates ko. Kahit pa ang tropa kong sina Kyle, Kevin at Jayden ay halos Once In a Blue Moon na lang. Sana ay wala paring nagbago sa kanila .Sa samahan ng section namin.

     Tinawagan ko si Dianne para isama siya sa reunion namin. Para naman magulat sila na may girlfriend akong napakaganda. BWAHAHA. Ang Perfect Couple na Cute and Beautiful . ano daw?.haha.

     “ Hello? Dianne? Samahan mo naman ako oh. May reunion kasi kami ng High school mamaya eh. Ipapakilala kita sa kanila. Susunduin kita dyan sa inyo ha.”

     “ Wow. Talaga? Osige-sige . Mag-aayos na ko. Wait kita ha.”

     Nag-ayos na ko at naligo para makaalis na ko agad. Mahirap bumiyahe lalo na’t traffic na naman sa may Zapote. Halos 2 hours ang naging biyahe ko bago ako tuluyang nakarating malapit sa kanila. Legal na kaming mag-on kaya hindi na ko naghihintay sa may posteng dati naming pinag-aantayan.

     “Namiss kita Dianne.haha.”

     “ hanggang ngayon bolero ka parin?  Eh kahapon lang nagkita tayo. haha”

     “ Xiempre naman. Namimiss kita agad every seconds eh.”

     “ haha. Tama na yang kacornihan mo ha. Tara na 5:30 na oh? Malelate ka pa niyan. Kotse ko nalang ang gamitin natin. Magpapadrive nalang tayo. Haha”

     “ Yabang neto ! edi ikaw na may kotse ! haha. Sige na mahal ko. Sa future bibili na ko ng kotse natin.”

    From Makati to Cavite , 1 hour nalang ang itinagal ng biyahe dahil mabilis magmaneho ang driver nila. Pero late parin kami dahil 7pm na kami nakarating sa School. Agad kong sinalubong ang mga classmates ko na matagal kong hindi nakita. Nagyakapan, kamustahan at kwentuhan.

     “ uy sino yang kasama mo ha? Syota mo?? Jackpot ka dyan ha. Haha” bulong ng classmate kong si Peter.

     “ Loko ka. Oo Gf ko? Bakit ha? Jackpot naman kami sa isa’t isa ha. Hahaha.”

   Pinakilala ko si Dianne sa mga classmates ko at napapa-wow sila sa sobrang ganda daw ng gf ko. They keep on saying na ‘ Uy bagay kayo’ . ‘ Swertihan lang talaga no?xD ‘ baliw parin talaga sila hanggang ngayon. Tuloy parin ang kwentuhan namin . Asaran . at sandamakmak na kainan.

     “ oy ! naalala ko nga tong si Michael dati ! ang sweet-sweet pa nga nila ni Abby . Taglandi pa to nung bata eh .hahaha.”

    “ Uy wag ka nga magulo dyan! Haha” sabi ko sa isa kong classmates. Kaiingay talaga ng mga bibig. Walang konsiderasyon ! Natahimik tuloy siya. Maka throwback ba naman. Baka maoffend si Dianne eh. Hindi na rin ako sanay na Michael ang tawag sakin dahil kadalasan ay Sean ang tawag nila.

     “ Uy speaking !  Si Abby at Kyle oh ! Kayo na ba? Hindi ko man lang nabalitaan. Haha” bunganga nitong si Peter. Sobrang ingay. Napatingin ako sa kanilang dalawa at magkaholding hands pa sila. Umupo sila malapit sa kinauupuan namin. Ang sweet naman nila. Siguro Masaya na sila ngayon.

Minsan nakokonsensya ako na inagaw ko pa si Abby kay Kyle noon kung sa huli ay sila rin pala ang magkakatuluyan. I mean, si Kyle kasi ang unang nagkagusto kay Abby at hindi naman ako. Kung hindi kaya ako sumingit sa kwento nila, magiging sila kaya agad ng time na yun? Naging isang hamak na epal lang pala ako.

     “ Ok ka lang ba Sean ha? Antahimik mo ata.” Sabi ni Dianne.

     “ eh kasi ang sakit na ng tiyan ko. Andami kong nakain.” Sinabi ko nalang kahit hindi naman talaga. Bakit ba ko ganito ngayon? Parang bumalik sa isip ko lahat ng nangyari noon. Dati nung malaman kong naging sila, Masakit. Pero mas mahirap at nakaka-awkward pala kapag sa personal pang nakita ng mga mata mo. Isinawalang bahala ko nalang ang nararamdaman ko ngayon at nagpakasaya kasama si Dianne at ng iba pa naming classmates pero hindi ko maiwasang mapatingin sa kanilang dalawa ni Abby.

     “ Dianne, Cr muna ko ha. Masakit na kasi talaga eh,”

     “ Ang alin ??”

    “ Yung tiyan ko nga. Eto talaga.wait lang ha. Iloveyou.”

Pumunta ko ng Cr at isinara ang pinto. Tumingin ng mabuti sa salamin at kumunot ang noo.

    “ Ano bang problema mo Sean Michael Serrano !? Ayoko ng ganito. Antagal tagal na nung issue na to. 5 years nang tapos. Oh ano ? dahil lang sa reunion na to? Sisirain mo yung sa inyo ni Dianne? Mag isip ka nga !!” Ginulo-gulo ko ang buhok ko habang kinakausap ang sarili ko. Wala lang naman siguro to. Hindi lang ako sanay na ganun ang nakikita ko sa kanilang dalawa. Haaaay. Wala lang to promise. Hehe.

     Inayos ko muli ang buhok ko at lumabas ng Cr pero si Abby ang nakasalubong ko. Tumigil siya sa harapan ko at nagkatinginan kami pero iniwasan ko lang siya at tumuloy sa paglalakad ko. Hinila niya ko at dinala sa malayong lugar ng school kung saan walang makakakita saming dalawa. Wala akong nagawa. Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit hindi nalang ako pumalag at hindi ko na sana siya hinayaang mahila ako.

     “ Bakit mo ba ko dinala dito Abby?”

     “ Alam mo Michael? Hanggang ngayon ikaw parin ang mahal ko ! Hindi ko alam kung bakit pero yun ang nasa puso ko eh.” Nagulat ako sa biglang sinabi niya at hindi ko maisip ang dapat kong maramdaman. *Tugdugtugdug* Wala lang to . wala to. Si Dianne ang isipin mo dahil sa kanya ka mas sasaya.

     “ Tama na Abby please? May sarili na tayong mga buhay. And it’s been 5 years. Mag move on na tayo. Masaya ka na at masaya ako kay Dianne so please stop.”

     “ JOKE lang! ito naman ! seryoso! Wahaha. Alam ko namang matagal na yon ! Gusto ko lang asarin ka. haha. Wish you all the best. At ang ganda ng Gf mo ha.”

     “ Wag ka ngang magbibiro ng ganun. O sige na. babalik na ko dun .Nice to see you Abby.”

    Salamat naman at nagbibiro lang pala siya sa sinabi niya. Ayoko ng maguluhan ang isip ko. Niyaya ko na si Dianne umuwi matapos naming makipagkwentuhan pa saglit sa mga classmates ko. Wala akong gustong ipahalata kay Dianne. Pinagmamasdan ko lang siya. She is the girl that I’ll never want to be hurt. Masyado na siyang perfect para pakawalan ko pa ang tulad niya. Tanga nalang siguro ang gagawa nun.

   Umuwi na kami at nagpaalam sa kanila. Hinatid niya ko pauwi sa bahay namin. Nakakahiya man at siya pa talaga ang naghatid. Hindi parin mapalagay ang isip ko sa mga nangyayari ngayon . Sana kasi hindi na ko pumunta sa Renion. Sana hindi ako nakakapag- isip ng ganito ngayon. Basta wala lang to at ayokong masira ang lahat.

Twisted Unexplainable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon