Chapter 2
Halos mabingi ako sa napakalakas na tugtog sa buong lugar. Bawat kabog ng electronic music ay siyang kabog din ng dibdib ko.
All around me are smiling, sad, and drunk faces. People's faces were illuminated with colorful lights all over the dark place. The music is so loud but still hearing the sounds of bottles and glasses of people's toasts at every table.
Nasa Dale's Nightclub kami ngayon at eleven o'clock na ng gabi, matapos tumawag ni dad ay nagpasya na kaming uuwi na sana nang biglang nagkayayaan ang barkada. Pero syempre wala naman talaga akong balak na umuwi kaagad.
Alam ko naman na papagalitan ako ni dad pag uwi ko galing school, kung nasa bahay nga siya. Mabuti pa nga ay dagdagan ko na ang kasalanan ko sa kanya para isahang sermon na lamang.
"Harry, Harry, Harry!" Rooney shouted while making her way to us. Close friend namin ni Cain and she's so pretty, matangkad siya na morena at may mahabang buhok na kulot sa bandang ilalim. "I've missed you so much girl," she gladly said and gave me a peck on the cheek.
Ngumiti ako sa kanya ng malapad, "Noong nakaraan lang tayo nagkita ah!" biro ko at tumawa. Halos pasigaw na kaming magsalita para lang magkaintindihan dahil sa sobrang lakas ng tugtog. "Na-miss din kita, Roon!"
Rooney greeted our other friends since she's attending a different school from us.
"Where's Cain?" tanong nito at nagpalinga-linga dahil si Cain lang ang wala sa table namin.
Jesse which also our friend, hummed while drinking her apple juice like she has an idea where Cain is. Siya ay isang bookworm kaya naman medyo makikita ang mga eyebags nito dahil sa pagpupuyat kakabasa na tinatakpan naman niya ng concealer, in short, nerd. Pero hindi yung literal na dorky manamit, nerd with a class kung baga.
"Panigurado, he's looking for hot girls now," sambit nito sabay turo sa nagkukumpulang tao sa gitna ng club at tumingin sa akin habang nagtataas-baba ang kilay nito. Pinaningkitan ko lang siya ng mata at napatawa na lang.
Kinuha ng isa pa naming kasama na si Dos ang inumin ni Jesse at itinaas ito sa ere. "Apple juice? 'Di ka naman lasing ano?" sabay tawa nito. "Cain would never hunt for girls, and that's for sure."
I drank my wine straight and took a piece of lemon. Napapikit at napangiwi na lamang ako dahil sa lasa.
"Cain is the one who's being hunted," said Rooney while chuckling. Dos and her made a toast then laughed. Napatawa na lang rin kami ni Jesse.
About Dos...He's a very gentlemen guy, yung tipong boy next door ang datingan. Mabait siya at may itsura naman pero hindi ganoon karami ang nagkakagusto rito. Dos is a very kind person, nagtataka nga ako bakit naging barkada namin siya gayong ganoon siya kabait. Well, mabait naman lahat ng kaibigan namin maliban lang talaga sa aming dalawa ni Cain. Ah basta, ewan!
Lumipas ang ilang minuto ay bumalik na sa table namin si Cain at umupo sa tabi ko. Nagkamustahan silang dalawa ni Rooney at maya-maya pa ay nagyaya na sina Dos na magsayaw sa gitna pero tumanggi ako.
"Puntahan mo na yung tatlo doon, I'm just fine," sambit ko dahil nagpaiwan din si Cain nang hindi ako pumayag na sumamang magsayaw.
"I won't let you stay here alone, mamaya mayroon pang gagong lalaki ang lumapit dito," sambit niya. "Na sigurado naman akong wala," biro pa nito at humalakhak sa tawa dahilan para batukan ko siya.
"Aray ah!" daing niya at tumingin sa'kin sabay nguso. "Minsan napapaisip na lang talaga ako kung kaibigan ba talaga kita. Sadista e!" biro niya at tumawa kaya napatawa na rin ako habang pailing-iling pa.
BINABASA MO ANG
Mist After Rain
Teen FictionHarriette and Cain are known to be the worst bullies with their aggressive behavior at their university. They say 'birds with the same feathers flock together' and that's how you can describe the friendship of the two. Always partners in crime espec...