Chapter 6
I can't stop myself from smiling while walking in the car park. This is my big day! Coach Sasha will finally announce who's going to be the captain of our team that surely will be me, it should be me. It was a mixed emotion, feeling extremely excited and nervous at the same time.
But not until my eyes saw the evilest person I know.
From smiling, my face turned into a hard one. Nakita ko si Jace na nakikipagkwentuhan habang tumatawa pa sa mga barkada niya, which also my classmates habang naglalakad din dito sa parking lot.
Napatingin ito sa akin at nakita ko kung paano siya napatigil sa pagtawa nang makita ako. Agad naman siyang umiwas ng tingin at nagpatuloy na sa paglakad at pakikipagkwentuhan.
Ang nakakabanas pa ay halos kasabay ko silang maglakad dahil iisang direksyon lamang ang tinatahak namin dahil mga kaklase ko nga pala sila.
Narinig ko pa ang mahinang pagbigkas nila sa pangalan ko habang nagkukwentuhan. Napairap naman ako. Nasa harapan ko kasi sila at medyo malayo naman sila mula sa akin pero nagawa ko pa rin marinig ang pangalan ko.
It's Friday. This is my last day of attending my classes finally. Dahil sa susunod na dalawang linggo ay mag-e-ensayo na ang mga atleta para sa darating na laban. And one more thing I'm excited about was the sports event this year that will be held at another university. Lalaban ang AMC Varsities sa ibang school, salamat at makakalayu-layo rin ako rito kahit sandali lang.
Buong klase ay pang-aasar kay Farren ang inatupag naming dalawa ni Cain kaya pati ang paborito kong guro na si Mr. Dizon ay panay ang sermon sa amin. Tumigil na ako sa pangtitrip kay Farren dahil nakakabagot siyang pagtripan, ni walang balak gumanti. Pero itong si Cain ay nagpatuloy pa rin at tuwing papagalitan siya ng mga teachers ay palagi rin akong sabit. Ngayon ko lang nalaman na buy one take one pala kami.
The gang and I were supposed to eat outside but Coach Sasha invited us to lunch at the poolside. Nagkasabay pa nga kami ni Farren maglakad ngayon papuntang pool area. No one attempted to speak for a few minutes.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarang siya. Napaangat naman ang tingin niyang kanina pa nakatingin sa lupa at inayos ang salamin.
"Don't you hate us?" I asked while raising a brow at her.
She laughed, I hate how her angelic laugh still makes my blood boil, "Tanong ba 'yan?" she asked back and fixed her eyeglasses again. "Syempre ayaw ko sa inyo, lagi niyo akong pinapahiya tapos umaasa kang hindi ako magagalit sa inyo?"
"Kung ganoon, bakit 'di ka gumanti? Libre naman ang gumanti. Subukan mo minsan," payo ko sa kanya at tumawa ng sarkastiko pero imbes na sagutin ako ay nagpatuloy na ito sa paglalakad.
How dare this mere girl turns her back on me.
Bago pa siya makalayo ay nagsalita pa ito, "Hindi ko na sasagutin 'yang tanong mo. Mukhang hindi mo rin naman maiintindihan." Giit niya bago tuluyang lumayo sa akin.
Umismid naman ako bago tuluyang naglakad ulit. Dahil sa maliliit na hakbang na ginagawa ni Farren ay nagawa ko pa ring abutan siya sa paglalakad. Ang lamya. Sabay lang din ang pagdating namin sa pool area na ikinagulat ng lahat. Ngayon lang kasi nangyari ito.
There are different kinds of foods on the table and our other teammates were already eating their meals. There are four members added to our team during the tryouts a few days ago, ngumiti naman silang lahat sa amin.
Coach Sasha smiled at us as she stood up and went near us.
"Looks like you're fond of Farren now, huh," she told me as she patted my shoulder and gestured us to sit down. "I'm glad about it," she added, still smiling from ear to ear.
BINABASA MO ANG
Mist After Rain
Ficção AdolescenteHarriette and Cain are known to be the worst bullies with their aggressive behavior at their university. They say 'birds with the same feathers flock together' and that's how you can describe the friendship of the two. Always partners in crime espec...