Chapter 5
"Hoy Farren, wala ka bang balak isauli yung damit ko na ginamit mo kahapon?"
Lahat ng atensyon ng aming mga kaklase ay napunta kay Cain dahil sa sinabi nito. Panay din ang tingin nila kay Farren na nakatalikod mula sa amin ngayon at nakaupo sa kanyang upuan. Kanya-kanyang bulungan naman ang ginawa ng mga chismosa naming kaklase.
"Oh God, this can't be happening!"
"Ang swerte niya, 'di hamak na mas maganda naman tayo sa Farren na 'yan!"
"Nililigawan ba siya ni Cain?"
"Baka isa lang siya sa mga biktima nila Harry."
"Guys tahimik! Baka biglang dumating si Sir!" suway ni Jesse sa lahat.
I bit my lip to suppress myself from laughing. These people are overthinking, birdbrains. I turned to Cain and elbowed him.
"They misinterpreted your words dude," I told him.
Ang mga ex-girlfriends ni Cain ay magaganda lahat. Kung hindi beauty queens ay models ang mga naging girlfriend niya noon. Pero syempre mas maganda pa rin ako kaysa sa kanila. Ewan ko nga ba kung bakit naisip ng mga kaklase namin na magkakagusto itong si Cain sa katulad ni Farren.
Manang manamit na kulang na lang ay hanggang talampakan na ang palda, laging nakaipit ang buhok, nakasalamin pa, at higit sa lahat tahimik na tao na para bang may sarili itong mundo. Sa madaling salita, pangit siya.
"Hayaan mo sila, wala akong pakialam sa mga 'yan," sabi niya lang at sinipa ang upuan sa harapan niya kung saan nakaupo si Farren. "Ano? Ibalik mo na!" sigaw niya pa rito at tumayo.
Tumayo na rin si Farren sabay abot ng mga damit kay Cain ng padabog.
"Hindi mo kailangan magalit dahil ibabalik ko naman talaga ang mga 'yan, atat ka lang masyado," inis na sambit nito.
I stared at Farren's face for a moment and realized I am wrong. She's actually pretty but just doesn't know how to show it. Napakurap naman ako ng ilang beses nang talikuran na niya si Cain.
"You didn't even thank me," Cain whispered but made it louder for Farren to hear it on purpose.
Humarap ulit si Farren at inayos ang salamin bago tinignan si Cain ng mata sa mata saka ito ngumiti ng pilit. "Ako nga walang natanggap na sorry sa'yo, sa inyo," sabay sulyap din sa akin. "Mag-aabala pa ba akong magpasalamat sa'yo?" umismid ito at tinalikuran na si Cain.
Napabaling naman ako sa tabi ko na kakaupo lang, nakasandal ito at nakapakrus ang mga braso habang nakatingin ng masama sa harapan niya, kay Farren.
"Baka mamatay 'yan," natatawang biro ko.
"Patay talaga sa akin 'yan."
Dumating na ang pinakapaborito kong subject teacher kaya naman nag-umpisa na ang aming talakayan. Buong klase ay puro hikab lamang ang ginawa ko. Halos makatulog na ako dahil sa pagkabagot sa kakarinig sa boses ng guro namin sa harapan.
Mr. Dizon called for Farren to solve the problem on the board. She stood up and went to the board and answered the math problem.
"Si Farren ang tularan niyo, masipag mag-aral at mabait na bata. Lalung-lalo na kayo Cain at Harry," sabay turo niya sa amin sa likod. Nakatingin lang ako sa kanya ng blanko at humikad ulit, "Isa ka pa Jace." Dagdag pa nito.
Pabalik na si Farren sa kanyang upuan nang hilain ni Cain ang upuan dahilan para mapaupo ito sa sahig. Nagtawanan ang lahat at kasama na ako roon. Nawala bigla ang antok ko. Salamat kay Farren.
BINABASA MO ANG
Mist After Rain
Teen FictionHarriette and Cain are known to be the worst bullies with their aggressive behavior at their university. They say 'birds with the same feathers flock together' and that's how you can describe the friendship of the two. Always partners in crime espec...