Chapter 4
I covered my head using a pillow because of the endless knocks I hear from the door. Marahas kong binuksan ang aking mga mata at una kong nakita ang kulay abo na kisame. Naamoy ko rin ang panglalaking amoy ng kumot at mga unan na gamit ko.
Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto habang kinukusot pa ang mga mata ko nakasimangot nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Cain na bagong ligo. Tuluy-tuloy pa rin ang pagkatok niya sa pinto kahit na bukas na ito kaya naman nagpaikot-ikot ako sa kama at tinakpan lalo ng unan ang mga tainga ko.
"Harry!" mahabang tawag niya sa akin at naramdaman na lang ang pagbato niya ng unan sa akin kaya hinarap ko siya.
"Ugh! Can't you see? Natutulog pa yung tao e!" I complained in a morning voice while scratching my head.
Natawa lang si Cain na para bang hindi makapaniwala, "I guess you forgot why you're here in our house? Kinailangan ko pang hiramin yung susi sa mga kasambahay para lang mabuksan ko itong kwarto na 'to," dagdag pa nito bago umupo sa paanan ng kama.
"I don't remember anything I need to do today, Cain," I said yawning then closed my eyes again and laid in a comfortable position. "Get the hell out of here," I softly said, eyes were still closed.
"Woah," he laughed a bit. "This is my house, Harriette Dela vega!" he stated.
"This is not your room! It's Kuya Caleb's," I almost whispered, trying to take a nap again.
"We'll do our project today, naghihintay na yung mga kagrupo natin sa baba kaya maligo ka na!" maawtoridad niyang utos na para bang daddy ko ang mokong na ito at pinaghihila ang comforter.
Damn, I forgot about that freaking project.
Marahas kong ibinagsak ang mga kamay ko sa gilid ko at tamad na tumingin sa kanya, "Project? Sa bahay niyo? Bago 'yon ah," biro ko pa dahil kahit minsan ay hindi pa naging lugar ng paggawa ng school works ang bahay nila Cain. Buong akala ko rin ay pupunta kami sa bahay ng isa sa mga kagrupo namin.
Cain reached for my hand and forcefully pulled me to get me up. Nagpabigat pa ako lalo pero wala ring kwenta dahil sa lakas ni Cain.
He sighed, "Wash up, dude. We'll wait for you downstairs, alright?" said Cain then left.
Pababa na ko ng hagdan habang naguunat pa ng katawan, bumungad sa akin ang mga kaklase kong nakaupo ngayon sa sala. Napatigil tuloy ako sa paghikab at tinignan sila.
If there are words to describe my groupmates it'll be bad vibes!
Nakaupo si Jace sa one seated sofa habang sina Barbara, Farren, at isa pa naming kaklase ay nakaupo sa mahabang sofa habang kumakain ng kung anong pagkain na nasa center table.
Nakatingin lang silang lahat sa akin kaya naman napatingin rin ako sa sarili ko. Napatawa na lang ako nang maalalang hindi pala ako naligo at suot-suot pa rin ang pantulog hanggang ngayon.
"Hey," tipid na bati ko sa kanila. Actually, ngayon ko lang nalaman kung sinu-sino ang mga kagrupo ko dahil sa practice sa swimming team kaya naman medyo nabigla ako nang makita sila.
Sakto namang dumating si Cain kasama si Dos sa living area. Kagrupo naman pala namin si Dos, okay, not bad.
"Good morning," Dos greeted while holding a cup of coffee.
"Morning," mahinang sambit ko at lalagpasan na sana sila para pumunta ng kusina nang hilain ni Cain ang braso ko at tinignan ako mula sa itaas pababa.
"Hindi ka naligo?" tanong niya pero imbes na sagutin siya ay hinipan ko siya gamit ang bibig kaya napangiwi siya at napatakip ng ilong na parang nandidiri.
BINABASA MO ANG
Mist After Rain
Teen FictionHarriette and Cain are known to be the worst bullies with their aggressive behavior at their university. They say 'birds with the same feathers flock together' and that's how you can describe the friendship of the two. Always partners in crime espec...