Chapter 11
Though I am under the water, I am still able to hear the loud voices of the audience right now. My heart's racing fast because of too much noise, the sounds of water, yells of the crowd, cheering.
Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba sa tuwing makikita kong nalalagpasan ako ng mga kalaban ko sa magkabilang lanes.
I always get the fluttery sensation in my stomach whenever I'm in a race, it never fails to come.
Stop, Harry. Just focus on your strokes and breathing and don't think of anything else for now. I kept telling myself in my mind.
'Yun nga ang ginawa ko. Hinayaan ko lang ang sarili ko na lumangoy ng malaya ng walang iniisip na kahit ano. Nakikita ko na ang dulo ng pool, nakita ko rin ang pangunguna ko ko sa mga katabi kong manlalaro rin.
The hardest thing about swimming was you don't know if you're the one who's fastest among your opponents since you aren't able to see them all. That's why the only best thing to do during a race was to think of your self and nothing else.
Kahit kasi gaano kalakas ang boses ng referee through speakers ay hindi mo rin maririnig dahil sa ingay ng paggalaw ng tubig sa ilalam.
The moment I touched the wall at the end of the pool, I felt like my heart jump out of my chest.
Mas lalong lumakas ang rinig ko sa mga hiyaw ng mga tao nang i-angat ko ang ulo ko mula sa tubig. Agad ko namang tinanggal ang goggles ko at ang unang bagay na hinanap ng mga mata ko ay ang scoreboard sa itaas.
Hindi ko pa nakikita ang pangalan ko nang marinig ko ang hiyaw ni Cain mula sa mga audiences.
"Harry! Woo-hoo!"
Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid ni Cain kung saang pwesto nakaupo ang mga taga-AMC University, namlumo ako nang wala ang taong inaasahan kong makita ngayon.
"Harry for the win! Woo-hoo!"
I can't help myself but smile widely. I stilI have Cain.
Malapad ang ngiti ni Cain habang sumisigaw kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti kong hanggang taenga. Kahit na maingay ang pagsasalita ng referee sa buong lugar sabayan mo pa ng sigaw ng mga tao, nagawa ko pa ring marinig ang boses niya dahil nasa first row siya sa mga upuan.
Pagtingin ko ng scoreboard ay nakita ko ang pangalan ko at kasunod no'n ay ang numerong uno.
"Woah! Thank God!" hiyaw ko ng may malawak na ngiti sa labi dahil sa saya habang pinagpapalo pa ang sahig ng gilid ng pool.
"Congrats, Harriette. You did great."
Napatigil ako mula sa pagtawa't napalingon sa gilid ko, at katulad ko ay nakakabad pa rin ito sa pool.
Si Farren.
Your team will be your teammates in practice but can also be your opponents in a meet at the same time.
Nakalaban ko si Farren sa Women's 200-yard individual medley. She got 2nd place.
"Thanks?" pinilit kong ngumiti sa kanya pero ang ending ay nagmukha lang plastik ang ngiting 'yon.
Agad naman kaming nilapitan ni Coach at ng ibang teammates namin na nasa pool area rin ngayon at masayang pinuri sa panalo namin.
Pagkasaka namin sa pool ay agad kaming nagsuot ng bathrobe at dumiretso sa assigned room kung saan kami pwedeng mag-stay habang naghihintay ng events na lalabanan namin.
Apat na events lang ang pwedeng salihan ng bawat swimmers at dalawa na lang ang natitirang laban ko. Medyo maya-maya pa naman 'yon, dalawang relay events pa.
BINABASA MO ANG
Mist After Rain
Teen FictionHarriette and Cain are known to be the worst bullies with their aggressive behavior at their university. They say 'birds with the same feathers flock together' and that's how you can describe the friendship of the two. Always partners in crime espec...