Chapter 9
"Harry!" sigaw ni Cain kasunod ang walang katapusang pagbusina ng kotse niya sa labas ng bahay namin.
Halos magkandalaglag na ako sa pagbaba ng hagdanan. Hindi dahil sa excited ako kung hindi dahil late na kami sa school.
Bumungad sa akin ang mga katulong naming naglilinis ng bahay at nakatingin sa akin ng may pagtataka at isa na si manang doon.
I know they're all wondering why Cain and I were panicking right now the fact that we always go late to school every day.
"Harriette Dela Vega, we're damn late!" hiyaw niya ulit mula sa labas.
"Oo nga, heto na nga oh!" tarantang sigaw ko pabalik habang sinusuot ang tsinelas ko.
It's Monday and today is the official start of the practice of the athletes in AMC varsities. Kaya gano'n na lang kami kataranta ni Cain. Kung sa academics lang ay papetiks-petiks lang kami.
The time right now is 6:55 am, call time namin ay alas syete ng umaga. Paniguradong late na late kami pagkadating sa school. Hindi na ako nagsapatos pa at tsinelas na lang ang sinuot dahil diretso practice naman kami at pag-e-ensayo lang ang aatupagin namin sa buong linggong ito.
"We've arrived here at 6:30, Harry. Tignan mo ang oras mag-aalas syete na. Coach will gonna kill me," nag-aalalang bungad niya sa akin pagkapasok ko ng kotse niya.
"Palibhasa mabait si Coach Sasha kaya hindi siya takot ma-late."
Halos mapalundag ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang may magsalita mula sa backseat. Agad naman akong napabaling sa likod at nakita si Dos na nakahiga roon habang nakatakpan ng libro ang mukha.
"Dude! You startled me," I exclaimed and throw my slipper directly at him.
Tumawa lang ang dalawang gago.
He quickly turned on the engine and started to maneuver the car. I just laughed and showed him a peace sign. Kung gaano katamad si Cain sa mga subjects namin ay gano'n siya ka-dedicated sa basketball. Well, ganoon din naman ako.
"Buti nandito ka?" tanong ko kay Dos at kinuha ko ang coffee na nasa cup holder ng kotse ni Cain. Nagawa niya pang pumunta sa Starbucks para sa kape. Sa bagay, ako lang naman ang late rito dahil kanina pa nga pala sila nandito.
"Nakitulog ako kina Cain kagabi, sayang kasi ang pang-taxi kung uuwi pa 'ko sa bahay."
Sa aming lima na magkakaibigan ay si Dos lamang ang pinanganak ng walang gintong kutsara sa bibig. But don't get me wrong, kung ginto ang sa amin silver naman ang kanya. May kaya rin naman sila sa buhay at sadyang kuripot lang talaga ang lalaking 'yan.
Napupunta lahat ng pera niya sa mga libro parang si Jesse, silang dalawa adik na adik sa mga libro. Totally book nerds.
While Cain and I hate the smell of books.
"Kuripot," I took a sip of the coffee and scrunch up my face because of its bitter taste.
"Akin kasi 'yan," giit niya at kinuha ang kape mula sa kamay ko. "Ayan 'yung sa'yo oh," sabay turo sa isa pang kape na kinuha ko naman kaagad.
Nilanghap ko ang usok na lumalabas mula roon at amoy na amoy ko ang Cinnamon Dolce Latte, 'yung tipong parang nalalasahan ko na ito kahit sa usok pa lang.
"Karma 'yan Harry, karma," said Dos, teasing.
Napa-irap pa ako sa hangin bago uminom ng kape, "Bakit kasi baligtad ang pagkalagay? 'Yan ang nasa right side kaya 'yan 'yung kinuha ko." Reklamo ko pa.
BINABASA MO ANG
Mist After Rain
Teen FictionHarriette and Cain are known to be the worst bullies with their aggressive behavior at their university. They say 'birds with the same feathers flock together' and that's how you can describe the friendship of the two. Always partners in crime espec...