Chapter 10
"Damn, Harry. Gusto ko na talagang gumanti sa babaeng 'yan," paulit-ulit na bulong ni Cain sa'kin habang nakaupo ito sa tabi ko ngayon.
Panay din ang tingin niya ng masama kay Farren na nasa 'di kalayuan kasama ang ibang teammates namin.
We're in an expensive restaurant which one of the coaches in varsities owned. We're here to chill and relax from an exhausting week of practice. And most of the athletes were here right now. Sa limang araw kasi na lumipas ay abala ang lahat sa pag-eensayo para sa darating na mga sporting events sa Lunes na gaganapin sa ibang university.
Byernes na ngayon at kakatapos lang ng huli naming practice para sa swim meet. Ganoon din lahat ng mga atleta sa buong university. Nasabi na rin ni Coach ang mga events na lalabanan namin.
I'm going to swim for one individual event and three relays.
"Ba't hindi mo pa kasi gantihan 'tol," natatawang giit ni Dos na nasa harapan namin. Dos was here because he joined the sports chess at the last minute. Kinuha siya dahil kulang ang mga lalaban, nagback out daw 'yung isa, swerte niya. Dagdag points rin 'to sa PE.
Pati sa sports, utak ang pinapagana niya. Wala e, matalino kasi.
"Gantihan mo ng halik," taas-babang kilay na sinabi ni Dos dahilan para masamid si Cain sa pag-inom niya ng tubig. Tinignan naman ako ni Dos ng makahulugan kaya pabiro ko siyang inirapan.
Heck, I think I have an idea what's going on in Dos' mind right now. Mang-aasar na naman 'yan panigurado.
"Gago!" sigaw ni Cain sa kanya.
Dos laughed and put his index finger on his lips, "Shh, lower your voice. Nandito 'yung PE subject teacher natin. Baka mapagalitan tayo."
Napailing at napatawa na lang kaming dalawa ni Cain, "Heto na naman si Jose Louis Cabrera II, pinapairal na naman ang pagiging grades conscious niya."
Tumango-tango lang si Dos sa pagbanggit ko ng buong pangalan niya, palibhasa kasi pang matanda ito.
"Students," pumalakpak ang isa sa mga coaches para kunin ang lahat ng atensyon namin.
The huge restaurant was filled with student-athletes of our university to the point that there's no vacancy of seats inside the resto anymore.
Kaya ganoon na lang ang ingay sa loob ng resto kapag pinagsama-sama ang maliliit na boses naming lahat. Pero mas maingay ang mga kolehiyo kumpara sa amin dahil malayo ang dami nila kumpara sa aming mga senior highschool athletes.
"Huwag kayong magulo. Darating ang president ng AMC university kaya dapat presentable ang lahat sa pagdating niya, okay?" isa sa mga coaches.
Kanya-kanya namang hiyaw ng 'opo', 'yes coach', at 'yes po' ang halos lahat ng mga estudyante. Pero ako ay hindi na nag-abala pang makisali sa ingay nila.
Sumenyas pa ang coach sa aming lahat na huwag daw kaming maingay bago ito umupo.
Each table has different counts of seats, there's two seats, four seats, six, eight, and so on. But most of them have twelve seats each.
Ang mga coaches ay nakaupo sa dalawang magkatabing mahabang lamesa, sama-sama sila roon.
While we and other student-athletes didn't stick with our teams and just sat wherever we want instead.
Pero halos magkakasama naman lahat ang magkaka-team. May iilan lang na naligaw ng upuan katulad naming dalawa ni Dos.
We were sitting at a twelve seat table and all of the people here were from in the basketball varsity except for Dos and me. It's Cain's team and it includes Jace and some of his dumbass friends.
BINABASA MO ANG
Mist After Rain
Teen FictionHarriette and Cain are known to be the worst bullies with their aggressive behavior at their university. They say 'birds with the same feathers flock together' and that's how you can describe the friendship of the two. Always partners in crime espec...