Chapter 3

116 5 3
                                    

Chapter 3

"Darn it."

"What the hell?"

"Tangina talaga."

"What the fvck?"

Bagsak na bagsak ang balikat namin ni Cain habang naglalakad papasok ng school at walang ganang bumubulong ng mga mura.

Dad confiscates my gadgets, including Cain's phone. Well, not literally my dad because he just asked one of his staff to do it. Tatlong araw na nga pala kaming walang magawa ni Cain dahil kinuha rin ng parents niya ang mga gadgets niya sa bahay nila.

My father said he would like to talk with us last Friday but the next morning he already left and flew to Singapore. Ganyan naman lagi e, hanggang salita lang siya. Mag-isa na naman ako sa bahay! Ang saya. Paniguradong ilang linggo ulit siyang mawawala. I'm surely going to enjoy this week to the full, spend my days doing whatever I want and going wherever I want to.

We decided to attend our first period. Mahirap na at baka ano na naman ang kunin ni dad sa amin, magpapakabait muna kami kahit kaunti lang ni Cain.

"Late na naman kayo." seryosong sambit ng adviser teacher namin at napahinga ng malalim bago kami inutusan na maupo. Hobby na namin ang hindi pagpansin sa mga guro.

Normal lang ang tingin ng mga kaklase namin sa amin, na para bang wala ng bago sa pagliban at pagkalate namin sa klase. Kaklase nga pala namin si Dos at Jesse, tinanguan lang nila kami. Nakaupo kasi sila sa harapan. We sat on the last row of the seats, ganoon naman talaga 'di ba. Laging na sa likuran ang mga sira-ulong estudyante.

I put my feet on the chair in front of me that made my classmate to look back. Halos mangigil ang mukha ng aming vice president na si Barbara sa inis dahil bakas na bakas ang korte ng sapatos ko sa damit niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at nginisian, wala na siyang nagawa kung 'di pagpagin na lang iyon at muling tumingin na sa harapan dahil nagsimula ng magsalita ang teacher namin, palibhasa ay grade conscious. Trying hard lang naman!

During the discussion, our teacher stopped for a moment then motioned someone to enter our room. Halos malaglag ang panga ko nang makita ang papasok na babaeng nakasalamin na may mahabang buhok.

Inayos niya ang salamin bago ito naglakad ng tuluyan sa harapan habang nakahawak sa dalawang strap ng bag niya. Lumingon naman ako sa katabi ko at titig na titig habang nakangisi lang sa babae.

The girl we bullied last time.

"Your adviser told me about her, she will be going your classmate from now on. Since ang section na ito ang may pinakakaunting bilang kaya siya inilipat dito," paliwanag ng teacher namin. "Introduce yourself," utos nito sa babae.

Tumikhim ang babae bago nagsalita, "Hi, I'm Farren Monteverde, sana magkasundo tayong lahat," mahinhing sabi niya habang nakangiti ng malapad na unti-unti namang naglaho nang mamataan kaming dalawa ni Cain sa likod. Tinaasan ko lang siya ng kilay at lumingon na lang si bintana sa gilid habang nakasalung-baba.

"Farren Monteverde," Cain mumbled but I heard him clearly.

Napalingon tuloy ako sa kanya. Does her name amaze him so much? It's not even that nice. What a lousy name.

"You're drooling, dude," biro ko at tinulak pataas ang baba niya habang natatawa.

Nilingon naman niya ko ng nakakunot ang noo, "Silly, pinagsasabi mo?" maang-maangan niya. Pinabayaan ko na lang.

"Maaari ka ng maupo," inilibot ng teacher namin ang mga mata sa buong kwarto, naghahanap ng mauupuan ni Farren. I don't know why but even just her name makes me irritated. May ugali kasi akong ganoon, kapag unang tingin ko pa lang sa tao ay hindi ko na siya gusto, naiinis na lang ako bigla sa kanila ng walang dahilan. Huminto ang tingin ng aming guro sa bakanteng upuan sa tabi ni Barbara. "You may sit beside Barbara, there," sabay turo niya sa tabi ni Barbara.

Mist After RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon