Chapter 5

2.5K 9 0
                                    

Chapter Five

"Oy. Gising."

Nasa isang simbahan ako. Teka, bakit naka wedding gown ako?! Madaming tao. Nandito ang lahat ng kamag anak namin at mga mukha na hindi masyadong pamilyar sakin. Napatingin ako sa altar. S-s-si Ace?! Nooo!

"Aaaah!" Napabangon ako bigla.

"Gising." Pinalo niya ko ng unan sa mukha.

"WAAAH!" Bakit nandito siya sa kwarto ko?! At sa kama ko pa siya nakahiga?!

"Bakit?!!!" Pinalo niya ulit sakin ang unan this time mas malakas na ito.

"ARAY!" Tumayo ako at pinalo din sa kanya ang unan. "Bakit ka nandito sa kwarto ko?! Bakeeeeet?!"

"Aray! Aray!" Kinuha niya ang unan mula sakin. "Ano ka ba?! Nagkaka amnesia ka ba pag natutulog?!"

"Ha?! Ano bang pinagsasabi mo?" Wala talaga akong maalala. Kinalogkalog ko ang ulo ko.

"Ito." Itinaas niya ang kanang paa niya. Namamaga ito.

"Teka nga..." Tumingin ako sa taas para lalong maka concentrate. "Teka, bakit nakabukas ang ilaw?! Natulog ako na nakabukas ang ilaw?!"

"Bahala ka nga sa buhay mo." Bumangon siya at parang lumpo na naglakad palabas ng kwarto ko.

OH MY GOSH. Naalala ko na. OH NO. Hindi maaari. Hanggat hindi naaayos ang paglalakad niya, kasama ko siya sa kwarto ko at instant care giver ako ng isang alien creature.

"Hoy." Sumilip siya sa pinto kaya napaatras naman ako sa gulat.

"Anak ng--ano nanaman?!"

"Bumaba ka na daw." At saka sinara niya na ang pinto.

"Hoy! Pano ka bababa eh lumpo ka?!" Tumakbo agad ako palabas at nakita ko siya na nakaupo sa hagdan.

"Malamang aantayin kita maliban na lang kung gusto kong mabalian ng buto," lumingon siya sakin. "Diba?"

~*~

Tinusok tusok ko ng tinidor ang pagkain ko. "I want to choose my own course."

"No. I want you to take business management. You're an only child. Walang ibang magmamana ng business natin." Gusto ko pang maghesitate pero mukhang wala talagang talab ang stuborness ko kay dad.

"Teka lang nga! Bago ang lahat. Totoo ba na ipapakasal niyo ko sa kanya?" Tinuro ko si alien na kalmadong kinakain ang almusal niya.

"Obviously, yes. But in the right time, why?" Kumain ulit si dad at uminom ng juice si mommy habang tumayo naman si alien at iika ikang naglakad papunta sa sala.

"Why are you all calm about this?! Paano kung ayaw kong ikasal sa kanya?!" Napatayo ako at pinalo ko ang dining table gamitang dalawa kong kamay.

Napatigil sila sa pagkain. Dad glared at me and mom bit her lip.

"You will do it wheter you like it or not!"

"So you're forcing me to marry him?! Ano ba kasi ang meron sa lalaking 'yan?"

"Their company is our greatest competitor. If you get married, our company will collide with theirs. IF YOU GET MARRIED, you and him are the only ones who will manage. Do you get me? Para sa'yo 'tong ginagawa namin!"

"Yeah, great. Thanks a lot." I went to the garden at doon ko binuhos ang lahat ng frustrations ko.

"BWISIT! Bwisit! Kaasar! Kainis! Nakakaasar kayong lahat!" Pinagsisisipa ko ang mga bulaklak na dati ay gustong gusto ko. I want to say sorry to the flowers pero I'm so, so, SO ANGRY!

"Alam mo ba na dahil sa ginagawa mo, nababawasan ang mga bulaklak sa mundo?" Aba, pakialamero 'to ah. Napatingin ako sa nagsalita at handa ko na siyang mapagbuntungan ng galit ng marealize kong si Skylar pala iyon.

"S-skylar?" Automatic na nawala ang galit at frustrations ko.

»»»»»»»»»»»»»§«««««««««««««

Thank you so much for reading this! :)

Comment below please! Tell me what you think!

She Married A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon