"Good morning, Ma'am!"
Konting mulat pa lang ng mata ko, inaassume na nilang dalawa na gising ako.
Sigh. "Good morning."
"Pinapasabi po ni Sir na may pupuntahan daw po siyang meeting. Si Mr. Bentley na lang daw po ang magdadala sa inyo pauwi." Sabi ni Blondie.
Ang dami kong tanong pero dahil groggy pa ko at sabog pa sa sobrang pagkabagong gising, tumango na lang ako.
"Nakaready na po yung breakfast niyo sa baba at yung susuotin niyo ngayong araw." Sabi ni Chinita.
"Thanks pero ayoko kumain ng breakfast. I just want to go home." I got up and took the towel from Chinita's hands.
"Umm, Ma'am Katy. Pinagbilinan po kami ni Sir na dapat pakainin po kayo kahit umangal kayo samin."
Unbelieveable.
"So? Wala siya rito so just be kind to me and tell him I ate even though I didn't." I smiled.
"Sorry ma'am pero we can't disobey Sir Ace's orders." Sabi ni Blondie.
"And you'll disobey mine?" Tinignan ko sila at nagtinginan lang sila, nag aalangan. "Can you just let me go this once? I'm going to eat lunch later anyways."
"He told us you'd use that statement," nagulat ako. So nappredict na pala ni Alien ang mga sasabihin ko? "but we can't allow it."
~*~
I have no choice, then. Mag isa akong nakaupo sa dining room kung saan magkakasama kami kagabi. Sabi ni Blondie nakaalis na raw si Mr. Peters para doon sa meeting na pinuntahan din ni alien. Si Mrs. Peters naman daw ay may aasikasuhing business sa Baguio.
"What happened to the two guests last night?" I asked. Nasa likuran ko si Blondie at Chinita nag bubulungan tungkol kay Star at sa kasama niyang pogi kagabi.
"They left after you and Sir disappeared, ma'am."
I nodded and continued eating.
"Ang pogi nung kasama niya kamukha ni Blue ohemgee." Sabi ni Chinita.
"I know right? Si Blue, yung singer na pogi! Omg!" Kinikilig na bulong pabalik ni Blondie.
"Guys, wag na kayong mag bulungan. Naririnig ko rin naman kayong dalawa. Maliban dun, gusto ko ring marinig ang mga juicy stuff na pinag uusapan niyo." I laughed.
"Sorry ma'am. Hihinaan na lang po namin."
"Tsk. Kahit nga lakasan niyo walang problema sakin. No sarcasm intended." Tumayo ako."I'm done eating."
~*~
Nakasakay kami sa isang Range Rover. Nasa passenger seat ako at nasa likod yung dalawa. Si Mr. Bentley naman nasa tabi ko.
"Good morning, Ms. Quizen." Sabi niya sakin. I smiled and said good morning back but I started to miss that 'Ms. Quizen' thing. Si alien lang ang tumatawag sakin nun kaya hindi ako sanay pag iba ang gagamit.
Mukhang matagal ng nagtatrabaho si Mr. Bentley sa mga Peters dahil habang bumabiyahe ay nagkkwento siya at nabanggit niyang after two years ay mag reretire na raw siya.
Madami pa siyang sinabi. Kinuwento niya yung ugali ni Ace simula pagkabata ay walang pinagbago sa ugali niya ngayon. Nakwento niya na na-in love daw siya sa isang katulong ng mga Peters pero nagresign daw yun at hindi na niya nakita ulit. Sobrang dami niya na raw experiences sa buong buhay niya na pagiging all-around helper ng mga Peters.
I began to fall into a deep sleep. Mahaba ang biyahe pero hindi ko naramdaman. Ang alam ko lang, nasa isip ko si Alien at yung ngiti niya sakin nung gabing yun. Yun lang ang nasa panaginip ko. And I hate to admit it but I wish I'd see him in my dreams every time.
BINABASA MO ANG
She Married A Gangster
Teen FictionThis is the story of an egoccentric girl forced to marry a bipolar gangster. She didn't expect to feel 'this' way and he isn't the man he seemed to be. *Warning: Super Cheesy and Corny with many bad words. Please read at your own risk.* R-15