Chapter Ten
"I heard you took the entrance exam." Kumakain kami lahat ng breakfast ng biglang nagsalita si daddy. Nagbabasa siya ng newspaper.
"How--" Napatingin ako sa lalaki sa gilid ko. Kilala niyo naman at alam kong siya ang nagsabi. "I want to get in that school with my wits. Not with your money." Kinain ko ang bacon ko sa plato.
"Ok. Goodluck. If you don't pass the exam, sa school ka ng mga deliquents papasok wheter you like it or not." Para namang gulat na tumayo si alien sa gilid ko. Napatingin kaming lahat sa kanya at gulat nga siya pero naging normal din ang expression niya.
"Maghahanda na po ako ng gamit ko." Pagpapaalam niya.
"At bakit? Saan ka pupunta?" Tumaas ang isang kilay ni dad. Meaning curious siya.
"Uuwi po muna ako saamin." Napatingin ako sa kanya pero hindi siya tumitingin saakin. Expressionless siya. "Ayoko na po kasing mambwisit."
Naglakad siya palayo. Yumuko ako knowing na nakatingin saakin ang mga magulang ko.
I bit my lip and shook my head. The nerve of that alien! Does he want me to get killed alive?!
"Katy Melissa Quizen. Ano ang problema niyo?!"
"Hun, calm down. Nahihighblood ka nanaman."
~*~
I don't like where this is going.
I don't like every piece of it.
Nakakaasar. Why do I even have to do this?!
Kailangan kong pigilan si alien umalis. Tss. As if I care kung bakit siya lalayas. Kung ako nga sa kanila dapat matagal na nilang pinaalis yan eh.
Nakita ko siya sa kwarto ko. Nakatalikod siya at naglalagay ng mga damit niya sa isang maleta.
Argh. How do I even start?!
(Apologize, idiot!) Sinisigawan na ako ng inner self ko.
"Ummm..." Lumingon siya pero ng makita niya ako, hindi niya na ako pinansin. Batukan kaya kita diyan?! Ayos ka ah!
"Bakit?" Tinuloy niya pa din ang pag iimpake. Pumasok ako sa kwarto ko at napalunok sa kaba.
I've never done this before. Hindi pa ako nagmamakaawa kahit kanino. Not even my parents. But now? Kailangan kong gawin 'yon.
"Sorry..." kahit nakakabwisit ka.
"Ha? Ano ulit?"
"Sorry..." Inulit ko ito at sinara ang pinto. Ayokong may makarinig ng nakakahiyang sinasabi ko.
Lumingon siya at napatayo. Gulat na gulat ang expression niya. Kung makatingin parang kumakain ako ng tao.
"What? I'm just saying sorry."
"You're not going to rape me, right? Sayang lang ang gandang lalaki ko!" Humawak siya sa bintana na parang may gagawin akong masama sa kanya.
"Ikaw?! Asa ka noh! Gusto ko lang magsorry!"
"Bakit?! End of the world na ba?! Ano bang nangyayari?!" Masyado siyang exaggerated pero I must admit mukhang totoo. Magaling nga siyang um acting.
"Ano bang pinagsasabi mo?! Nagsosorry lang ako!" Parang magaan ang pakiramdam ko dahil parang nag aasaran lang kaming dalawa.
"Bakit ngaaaaa? Papatayin mo na ba ko? Napaka imposible na nagsosorry ka ng walang dahilan!"
Ah, I get it. Gusto niya akong sagarin hanggang buto. Gusto niyang ipaalam ko sa kanya kung gaano ako ka-sorry.
Argh. I can't believe I'm doing this!
"Sorry na oh! Please, wag ka ng umalis?" Nanlaki ang mga mata niya. "Please?"
For a moment we locked each other's gazes. Parang isang blackhole ang mga mata niya. Habang tumititig ako, tumitigil ang oras at habang nakikita ko ang sarili ko, parang hindi na ako makakawala.
"Ok na? Tapos mo na akong pagpantasiyahan? Pwede na ba akong magsalita?"
Aba sumosobra na ang alien na 'to! Agad kong kinuha ang pinkamalapit na unan saakin at pinalo sa kanya.
And that was the start of our first pillow fight.
»»»»»»»»»»»»»§«««««««««««««
![](https://img.wattpad.com/cover/16279763-288-k49175.jpg)
BINABASA MO ANG
She Married A Gangster
Novela JuvenilThis is the story of an egoccentric girl forced to marry a bipolar gangster. She didn't expect to feel 'this' way and he isn't the man he seemed to be. *Warning: Super Cheesy and Corny with many bad words. Please read at your own risk.* R-15