Chapter 8

382 9 0
                                    

Chapter Eight

"So you mean enrolled na agad kami? That's it?" Nasa harap ako ng Office of the Registrar sa University na ito.

"Yes, Ms. Quizen. You are automatically enrolled along with Mr. Peters." Mr. Peters? Si Rex ba ang tinutukoy niya? Rex Peters? Ang baduy lang.

"I want to take your entrance exam."

"But ma'am..."

"What? I'm enrolled after all. I just want to take your entrance exam."

Napastraightbody ako ng may biglang humawak sa balikat ko.

"Sorry about that. Sige pakiayos na lang ang records namin. Mauuna na kami." Hinatak ako ni alien palayo sa registrar.

"Ano ba?! Gusto ko nga sabing mag exam eh!"

"Ang dami mong arte sa katawan. Most people have been dying to enter this university. Mahirap ang exam nila. At kung hindi mo maiipapasa 'yon, hindi ka makakapag aral dito kahit may reservation ka pa."

"So you're saying that I'm stupid?! Na hindi ko kayang ipasa 'yon, ha?!" Pinalo ko ng malakas ang braso niya dahil ayaw niyang bitawan ang hawak sa braso ko.

Nanlaki ang mga mata niya at hinawakan niya ang magkabilang baalikat ko.

"Makinig ka. Wala akong sinasabing tanga ka. Napaka risky lang ng gagawin mo, alam mo ba 'yon ha? Hindi lang tayong dalawa ang sesermonan. Pati na rin ang buong school pag nalaman ng dad mo at ng dad ko ang failure mong yan. Naiintindihan mo ba?"

Sino ba siya para pigilan ako? Tsaka hini ko kakayaning matulog sa gabi knowing na nakapasok ako sa university dahil sa pera. Gusto ko kung makapasok ako sa isang paaralan ay dahil sa sarili kong pagsisikap.

"Naiintindihan ko. Pero hindi ibig sabihin nun ay susunod ako. Gusto kong mag aral sa isang lugar na tanggap ang talino ko. Hindi ang pera ko." I said straight forwardly.

"Ok, sige. Mukha naman kasing walang makakapigil sayo." Yes! Pumayag na ang alien. Teka, hindi pa rin niya ako binibitawan. "But let's make a deal."

"What deal?" Nako ano nanaman ang binabalak nito?

"If you fail, we'll get married earlier than expected."

"Ha?! Eh pano kung pumasa ako?"

"I will do whatever you want. Deal?" Inabot niya ang kamay niya.

Hindi naman siguro ganun kahirap yung exam diba? Kaya ko yun! Kaya ko! I will ace that test.

Nang walang daladalawang isip, nakipagkamay ako sa kanya.

I have to pass that test.

~*~

"Will you please turn that thing off?!"

Hulaan niyo kung sino--oo, alam kong alam niyo na.

"Bakit? Nagsosound trip ako." He's acting all innocent. Hiyang hiya ako. Nagrereview ako para sa exam pero nananadya siya at dito pa siya nagsabog ng rock music.

"Soundtrip in my room?! Labas! Get out!"

Sumunod nga siya. Lumabas siya pero iniwan niya ang bwisit niyang portable speaker na pagkalakaslakas sa kwarto ko.

"Oy! Yung speaker mo! I swear pag nahawakan ko 'yan, itatapon ko 'yan pabas ng bahay!"

Pumasok siya at kinuha ito at saka lumabas.

"Ay salamat po! Makakapag aral na ako!"

I celebrated too soon. Pumasok ulit siya at may dalang mas malaking speaker. Sinundan ko siya ng tingin. Hindi maipinta ang tingin kong ito. Naasar na natatawa na nagtataka.

"Don't you dare turn that thing on." I warned him pero it sounded like a question.

"Why not? Gusto ko lang namang mag soundtrip eh."

"Can't you see I'm studying here? I thought we had a deal! Bakit ginugulo mo ang pag rereview ko?!"

"Because I want you to be my wife as soon as possible." With one click of the remote, halos tumalsik na ako sa sobrang lakas ng tugtog niya.

Well, you're not going to win this deal, alien.

»»»»»»»»»»»»»§«««««««««««««

She Married A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon